Chapter 58

3.5K 211 105
                                    

'A Game of Chess'


"What the hell, Audin?" Nakangiwing tanong ni Wilder sa sarili habang tinitingnan si Audin na sinisipa na 'yung bato na wala nang ginawa sa kanya at sinigawan pa ito. "Hoy! Paano ba kumain ng hangin?! Ha?!" Halos pumiyok na si Audin dahil sa kakasigaw.

Sinapo nalang ni Reed ang mukha niya pero pinigilan narin ang sarili at nanatili sa kinatatayuan niya.


"'Wag ka namang masyadong strict dun sa bata. He'll end up hating you, bro."
Natatawang sabi ni Archer kay Reed.


"It's better if he hates me than grow up without manners. Wala na siyang mga magulang at tayo nalang ang natitirang pamilya niya, kaya sana naman, 'wag tarong magmumura kapag nandiyan si Audin."
Napaawang agad ang bibig nina Archer dahil sa sinabi ni Reed.


"Dude, para ka na talagang ama kung magsalita."
Natatawang sabi ni Archer at hinampas pa ang balikat ni Reed. Xy just scoffed at them.


"Paanong hindi? Binasa niya lahat ng 'How to be a parent 101' na libro ni Tito Milo,"
sabi ni Xy kaya kumunot kaagad ang noo ni Wilder at tiningnan si Reed tsaka binalik ang tingin kay Xy.


"Diba nagbasa rin si Tito ng 'How to date a dragon 101' nung nililigawan niya pa si Tita Lorisse?"
Tanong ni Wilder. Mahinang natawa si Xy.


"It's Tito Milo. What did you expect?"
Natatawang sabi ni Xy. "Baka nga 'yung gurang na bituin ay gagaya rin sa kanya." Dagdag ni Xy, referring about Hoshi.


"Baka nga ikaw din magbasa ng ganyang libro. 'How to get a girl pregna—"
Hindi na natapos ni Archer ang sasabihin sana dahil nagsalita na si Xy.


"Anyway, Ash, hahayaan mo lang bang bugahan ni Four ng apoy si DinDin natin? 'Yung cute na baby DinDin natin?"
Nakangiting tanong ni Xy kay Ash. Umirap nalang sina Archer dahil obvious naman na nag-iiba na naman ng usapan si Xy.


"Manggagamit ka talaga kahit kailan, Wen. Uncle Jay taught you well too," sabi ni Ash at nagbago narin ng anyo at wala pang isang segundo simula nung nagbago siya ng anyo ay binugahan na niya na apoy si Four at hinampas ito gamit ang buntot niya. Agad na napaatras si Four dahil dito.

Kumilos narin sina Blu at Lucas nung tumatakbo na palapit sina Two at Third sa kanila.


Their morphed appearance was gruesome. They were like the mother of all Xions dahil parehong-pareho ang anyo nito sa Xions. They're just five times bigger than normal Xions at naka-expose rin ang puso nito.

Lucas sighed in disbelief.


"Did you base your design on Xions on them?"
Tanong ni Lucas kay Reed. Reed just shrugged his shoulders and acted as if he didn't hear Lucas. "What now, Van Saint?" Tanong ni Lucas kay Blu na sinusuri ang katawan nina Two at Third.


"Subukan muna nating ipaglayo sila. If that doesn't work, let's blast the heart out."
Walang emosyong sabi ni Blu at tinakpan kaagad ang tenga nung bigla nalang sumigaw ang bagong anyo nina Two at Third.


"Ang bait ng mukha mo pero brutal ka rin palang mag-isip,"
sabi ni Lucas kaya mahinang natawa si Blu.


"In case you forgot, I broke two of your ribs the first time we met."
Natatawang sabi ni Blu, reminding Lucas of that certain night when they met each other at UHT's greenhouse kung saan away kaagad ang inabot ng dalawa.

Lucas just rolled his eyes.


"'Wag mo nang ipaalala. Gusto parin kitang ibaon sa lupa dahil dun."
Inis na sabi ni Lucas sa kanya.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now