Chapter 21

4.6K 214 107
                                    

'An Oath'


"Retire? W-What do you mean retire?" Naguguluhang tanong ni Wilder at tumayo na.

"D-Dad, anong pinagsasabi ni Tito? Hindi naman kayo magreretire diba?" Natatawang tanong ni Wilder sa ama niya pero nag-iwas lang ng tingin si Walter at huminga ng malalim. And that's when Wilder dropped down on the ground and looked at everyone.

Yumuko sila at tsaka sabay na nirolyo ang sleeves ng damit nila.


For quite some time, they've been wearing long-sleeved clothes, all of them at ngayon ay pinapakita nilang dahilan kung bakit. As soon as they rolled their sleeves up to their elbows, dun na nakita nina Wilder ang bakas ng araw-araw na pagturok ng injection sa balat nila.

They were scarred and bruised.


"We're not getting any better."
Jayden confessed habang nakatingin lang ng diretso si Zia sa kanila. Alam na niya ang sasabihin nila at nanahimik nalang siya tsaka tumingin sa apoy.

"We're still sick at araw-araw, kinakailangan naming turukan ng serum ang katawan namin para makagalaw kami ng maayos. Our abilities coming back is hopeless. We tried several times pero sakit lang ang dinudulot nito sa katawan namin." Pagpapaliwanag ni Matthew sa kanilang lahat.

Xy's jaw clenched at tsaka siya tumingin sa kapatid niya.


"You knew about this, didn't you?"
Tanong niya kay Zia na mahinang tumango bilang sagot.


Napaawang kaagad ang bibig ni Wilder at tiningnan si Zia. "Alam mo pero wala kang sinabi sa amin?" Tanong niya at napayuko nalang si Zia tsaka huminga ng malalim.


"Akala ko ba wala nang sekreto, huh, Zia?"
Mariing tanong ni Xy sa kapatid niya na nakayuko lang at nakahawak sa dibdib niya.

"Xy, it's not her fault. We told her to keep it a secret." Pagpapakalma ni Vernon sa kanya dahil ramdam nilang unti-unti nang nabubuo ang galit nito na pati kapatid niya ay napapagalitan na niya. Xy just looked at them.


"So, ganito na naman? May alam siya tapos kami wala? Ever since day one, you never considered any of our feelings and opinions. Sana matagal niyo na 'tong sinabi para nahanda na namin ang sarili namin. When are you going to stop lying to us?!"
Inis na tanong ni Xy at lalapitan na sana siya ni Dolly pero pinigilan ito ni Addie.

"Until you start growing up." Agad na natahimik si Xy dahil sa sagot ni Jayden.


"What?"
Naguguluhang tanong ni Ash sa kanila, slightly offended by what he just heard. Naningkit naman ang mga mata ni Shinshi at tiningnan ang Kuya niyang nakatayo lang sa gilid ni Jayden.

"You want the truth? No secrets? Full honesty? Is that what you want?" Sunod-sunod na tanong ni Jayden kaya hinawakan na ni Joshua ang braso niya pero inalis niya lang ito at tsaka tiningnan ang bagong team.

"You guys are a mess. Zia is a mess." Agad na napatingin ang lahat kay Zia dahil sa sinabi ni Jayden. Napatayo narin si Jun dahil wala ito sa plano nila and clearly hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig ni Jayden.

Pinigilan nalang ni Xin si Jun at tsaka nila tiningnan si Zia na nananahimik lang dun sa gilid.


Mahina namang natawa si Reed dahil sa sinabi ni Jayden.

"You dare call us a mess?" Natatawa niyang tanong at bigla nalang nagliwanag ang mata niya. The brightest blue eyes they've ever seen.


"Sino ba ang nagparty muna bago tinulungan si Zia? Who celebrated Christmas first instead of going after Uno? Who stayed put in this village while Zia was attacked, making her bleed to death? Sino ba ang nandito lang sa mansion na 'to at araw-araw umaasang babalik ang lakas nila pero wala man lang ginagawa para bumalik ito?"
Reed spat out.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now