Chapter 31

4.4K 229 169
                                    

'Promise'


"Xy?" Tawag ni Dolly sa kanya pero nanatiling nakatingin si Xy sa mga papel sa harap niya. Dolly gave him a cup of coffee at inayos na muna ang pagkakaupo ni Xy tsaka minasahe ang balikat nito. "It's 3AM." She said to him.

Napabuntong-hining nalang si Xy at sumandal sa katawan ni Dolly habang minamasahe parin nito ang balikat ni Xy.


"I can't sleep."
Tipid na sagot ni Xy pero halatang pagod na siya at inaantok na, isang tingin palang ni Dolly sa mga mata niya. Sumandal si Xy sa upuan at tumingala para makita ang mukha ni Dolly. Hinawakan nalang ni Dolly ang mukha niya at hinalikan si Xy sa noo.


"But you need to sleep. Kailangan mong magpalakas para kay Zia."
Ani Dolly at dahan-dahan nang hinila si Xy palayo sa mesa at papunta sa kama nito. Wala namang nagawa si Xy at pumunta na sa kama. Dolly cuddled up next to him at tsaka sumandal sa headboard.

Dolly caged the tired Xy Allison Wen in her small body and covered them with a blanket.


Nakaunan na si Xy sa pagitan ng balikat at dibdib ni Dolly habang yakap-yakap ang beywang nito. Hinahaplos naman ni Dolly ang buhok ni Xy para mas madali itong makatulog. Pero habang hinahaplos niya ang buhok ni Xy ay bigla nalang may mga luhang tumulo mula sa mga mata ni Dolly.

Dolly wiped them away but she ended up sniffing too.


"Bunbun? Bakit ka umiiyak?"
Malambing na tanong ni Xy at tiningnan ng maayos si Dolly na hindi na mapigilan ang mga luha niya. Agad na umupo si Xy sa kama at tsaka niyakap na si Dolly.


"I-I don't know, Xy. It's just.. sobrang naaawa na ako sa 'yo."
Dolly made herself cry even louder because of what she said.


Alam niya ang mga hirap na dinanas ni Xy noon. He abandoned his duties as a demon at pinaubaya ang buhay niya kay Xin. That decision alone was risky for Xy dahil hindi niya alam kung tatanggapin siya ni Xin sa buhay nito. It was indeed a paradise for Xy, living with Team Alpha.

But that paradise cost him a bigger price.


He saw his own mother die. He saw Jun and Joshua die in the battleground. Iniwan rin siya ng Team Alpha ng ilang buwan kaya kailangan niyang buhayin ang sarili niya kahit napakabata niya pa. He learned to cook his own breakfast at a young age and waited for anyone to come.

Naghintay siya dahil 'yun lang ang magagawa niya. Dahil wala na siyang ibang mapupuntahan pa.


Team Alpha was all he had.


He also died, leaving the most painful betrayal to his very own beloved mother. And when he came back, he asked for a sister. He asked for it for quite a long time. He asked for it dahil gusto niyang may aalagaan siya ay poprotektahan. Xy wanted to prove that he's strong and reliable even after all the pain he'd been through.

At nung binigay naman si Zia sa kanya, wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang kapatid niya sa loob ng lab at minsan narin itong nag-aagaw buhay.


He got criticized for not being an effective leader and an irresponsible brother. He wanted to do his best on both pero inaalala niya rin si Dolly at ang kalusugan ng Team Alpha. Xy had his worries. Xy had his battles but he's keeping himself strong dahil alam niyang kailangan siya ng team at ng kapatid niya.

And now, he's fighting a war with the thought that while he's at the battlegrounds, ay tuluyan na nga siyang iwan ng pinakamamahal niyang kapatid.


Dolly knew all those things kaya siya umiiyak ngayon dahil sobrang naaawa siya sa kalagayan ni Xy.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now