Epilogue

4.5K 251 146
                                    


"Alright, that's enough for today. See you for practice tomorrow." Tumayo kaagad ang lahat nung tinapos na ni Isha ang training nila at tsaka na silang pumunta sa locker room. Audin was swaying his hips as he unlocked his locker and took out his clothes.

"Oh, shit. Wala na pala akong damit," sabi ni Wilder na nandun na pala sa shower room at kasalukuyan nang binabasa ang katawan.


"Magsuot ka muna ng suit. Ibalik mo nalang mamaya kapag nakabihis ka na,"
sabi ni Xy at tumango naman si Wilder. Nagshower narin 'yung iba at kailangan pang hilain ni Reed si Audin papunta sa shower room dahil ayaw pa nitong maligo.

Matapos maligo ni Wilder ay pumunta na siya sa suit room at binuksan ang walk-in closet na nandun.


He was currently in the emergency suit dahil nagamit na nila 'yung regular suit nila kaya may alikabok na 'yung frames sa gilid. Wilder just shrugged his shoulders at nagsuot na ng isang suit pero hindi niya maiwasang bilangin ang lahat ng suit na nandun.


"Eleven suits?"
Tanong niya sa sarili at bumalik na sa locker room nung nakabihis na siya.


"Xy, bakit nga pala eleven 'yung suits e sampu lang naman tayo sa team?"
Tanong ni Wilder habang nagpapatulong kay Ash sa zipper dun sa gilid.


"Talaga? Ano 'yung extra? Male or female?"
Tanong ni Xy. "Female," sagot agad ni Wilder.


"Baka naman extra suit ni Shinshi since you know, she transforms a lot."
Pasimpleng sabi ni Archer at tumango-tango nalang 'yung team at lumabas na at pumunta na sa dorm nila sa UHT. Pagdating nila dun ay kumunot narin ang noo ni Lucas nung makitang wala namang nagmamay-ari sa isang kwarto.


"Bakit nga pala walang umangkin sa kwartong 'to?"
Tanong ni Lucas at kumunot naman ang noo ng iba.


"I don't know. Anyway, akin na 'yan. Ayoko sa kwarto ko kasi mainit,"
sabi ni Wilder at nagsipasukan na sila sa mga kwarto nila.


Blu sat on his bed. It's actually the first time that they came back to UHT after a war that they remember very little details of. It was as if the war was just a dream. Hinawakan ni Blu ang unan niya at dahil may alikabok ito ay kinuha niya ito pero agad siyang natigilan nung makitang may mga nalaglag na liham mula dito.

Kumunot ang noo niya at kinuha ang mga liham at binuksan ito.


It was definitely his hand-writing. Ang pinagtataka niya lang ay kung bakit walang pangalan 'yung padadalhan niya.


'To my beloved .. '
'My lady'
'Dear .. '


Ganun lang ang nakikita niya kaya mahina siyang natawa.


"Anong tinawa-tawa mo?" Agad siyang tumingin sa pinto at nakita si Lucas na nakasandal sa door frame.


"It seemed like I wrote letters and I don't even know who I wrote it to,"
sagot ni Blu at pinakita kay Lucas ang mga liham na sinulat niya.


"Baka naman para kay Kharis 'to."
Natatawang sabi ni Lucas kaya natawa narin si Blu. "No way," sagot niya at kinuha na ang mga liham at tinago nalang ito sa drawer at lumabas na nung nag-aya si Xy na kumain sa cafeteria.


"Sa wakas may bago na akong kwarto,"
sabi ni Wilder nung pababa siya sa hagdanan.


"Speaking of rooms, Xy, diba may extra room din sa bahay niyo? Dalawa ba guest room niyo?"
Tanong ni Wilder at inakbayan si Xy.


"Ewan. May plano yatang magka-baby sina Mommy,"
sagot niya na ikinatawa nina Ash at Wilder.


"Ang tagal mo nang humiling ng kapatid. Tumanda ka nalang, hindi ka pa sinusundan."
Panunukso ni Ash kaya siniko lang siya ni Xy at umalis na sila sa dorm para pumunta sa cafeteria.


Pagdating nila dun ay kumain lang sila nang kumain at nagkwentuhan at hindi man lang namamalayan na masyado pala silang natagalan doon at maghahatinggabi na. They also got fooled that it was still early dahil may mga estudyante pang pagala-gala pero nakakalimutan yata nila na hindi natutulog ang UHT.

Reed carried Audin on his back while they were on their way back to the dorms habang nagk-kwentuhan parin sina Atlas.


"Woah, dude, look at the stars,"
sabi ni Wilder at tumingala naman kaagad silang lahat para tingnan ang langit. The stars were very pretty kaya hindi maiwasan nina Shinshi na hindi mapangiti dahil sa nakita nila.

Umupo mula sila sa bench at 'yung iba naman ay nandun sa field at humiga para tingnan ang mga bituin.


"Is it just me, or every midnight, I have this weird feeling like I'm about to cry or that I'm empty. Nababaliw na ba ako?" Tanong ni Wilder kaya tumingin naman ang team sa kanya.


"Strangely, I feel that too," sagot ni Atlas. "Me too," sagot narin ng iba kaya nagkatinginan na silang lahat at nagtawanan nalang.


They looked at the stars that night, feeling the same emptiness they feel inside and an overwhelming feeling that they don't even know what's causing it. They breathed the fresh air, free from disasters and trouble.

They felt safe and sound as if a guardian angel was watching them.


No one would even know the reason why they achieved peace and freedom.

No one would even know about the girl who sacrificed everything for everyone.

No one would even know about the girl who cries at midnight, wanting to feel the warmth of her mother's touch and the sound of her family's voices.


No one would even know that once, a girl named Zia Muirgen Allison-Wen, existed.




❅ Snow ❅

[a/n: Special Scenarios will be posted tomorrow.]

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now