CHAPTER FOUR

11.3K 282 28
                                    

"YOU'RE enjoying yourself too much, Kuya," commented Gian in disapproval.

Nakalabas na sila ng mansyon at dinig na dinig ng sensitibo nilang mga pandinig ang padabog na pagsara ng pintuan ni Cyan sa kuwarto nito. Ngayon ay naglalakad na sila patungo sa nakabukas na gate. Tirik na tirik ang araw, pero hindi nila alintana ang init dahil sanay na sila rito. Nang makalabas ng gate ay nilagpasan nila ang kanilang mga kotse.

Tiningnan ni Gian kung nakikita ba sila ni Cyan mula sa bintana nito. Nang matiyak na nakasara ang bintana maging ang kurtina sa kuwarto nito ay nagsimula na silang tumakbo nang mabilis—takbong singbilis ng hangin.

They are very used to running in the woods for it is in their nature. Kung tutuusin ay hindi na nila kailangang magmaneho ng kotse. Ginagawa lang nila ito ngayon bilang props para hindi magtaka si Cyan, at ang ibang tao na makakakita sa kanila. Isa pa ay ayaw naman talagang umalis ni Lawrence at iwan si Cyan. Pero masyado pang marami ang dapat nitong ayusin. Paparami na nang paparami ang kanilang mga miyembro. Nagkakaroon na rin ng mga banta mula sa ibang grupo ng mga lobo katulad ng sa kanila. At nitong isang araw lang ay may namataan silang ilang lobo na nagmamasid sa bayan malapit dito sa rancho. Hindi naman niya iniwang mag-isa si Cyan. He ordered at least five guards to look after her and make sure that he will be informed if something bad will happen.

"I'm just glad," he answered.

"Glad that she'll stay?" tanong ni Gian, not satisfied with his answer. Alam ni Gian na may iba pang dahilan.

"Yes. But I'm also glad that she feels the same way towards me."

Gian nodded. She could also see the effect of her brother to the young woman. They knew that she is also attracted to him. But that is how the beloved bond works, once the two people meant for each other finally crossed paths. Agad mararamdaman ng mga ito ang atraksyon sa isa't isa. Because they are destined to be together for eternity.

"But how will you tell her about everything?" she asked, wondering.

Lawrence also wondered the same thing. Hindi rin niya alam kung paano ipapaalam kay Cyan kung ano sila at kung ano ito para sa kaniya. Maaaring matakot ito at magdesisyong umalis at lumayo sa kaniya. He knew how the bond works between beloveds, but he is not sure about the werewolf-human case. He didn't know if it is just as powerful as the two werewolves' bond.

"You do realize that we have to tell her sooner, right? She is bound to notice a lot of things. Nakita na nga niyang nagbago ang kulay ng mga mata mo," his sister reminded him.

"I was planning to tell her once she finally gets comfortable with us, with me to be exact."

"Maybe that will happen if you stop being a jerk," her sister advised.

Tiningnan ni Lawrence nang masama ang kapatid. "I wasn't being a jerk," he denied.

Natawa si Gian. "Narinig mo sana ang mga pinagbubulong niya kagabi tungkol sa 'yo. She was cursing you a lot," she informed him.

Lawrence grimaced. "Kaya siguro hindi rin ako nakatulog kagabi."

Gian laughed even harder. "Kuya, alam kong hindi ka natulog kagabi," she said teasingly.

Lawrence groaned internally. Of course she was bound to know about what he had done. Hindi nga siya natulog dahil binantayan niya si Cyan sa loob ng kuwarto nito kagabi. He just sat on the chair beside her bed and admired his sleeping young beloved all night. Umalis lang siya nang marinig si Gian sa kusina nang mag-uumaga na, at sa bintana pa siya dumaan para 'di siya nito marinig.

"Fine, I was watching over her last night," he admitted.

Gian looked at him with understanding. "I know how painful it must be for you to stay away from her, Kuya. Pero wala tayong choice hangga't hindi pa natin nasasabi ang lahat sa kaniya."

Dark SideWhere stories live. Discover now