CHAPTER THIRTY-SIX

6.8K 184 23
                                    

IN HEAT

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

NOTE: CONTAINS SOME MATURED CONTENT

"Have you ever noticed anything about the patient? Any strange actions, perhaps?" tanong ng doktor kay Cyan.

"Wala naman po. Pero kanina lang, napansin ko na parang pagod na pagod siya at nanlalambot. Then, iyon nga, bigla nalang sumakit ng sobra ang ulo niya kanina hanggang sa mawalan na siya ng malay," sagot niya rito.

"So, wala kayong idea kung ano medical history ng pasyente?" tanong nito.

Tumango si Cyan.

"This will be really hard for you, then. But base on the tests that we have done on the patient, lumabas sa kanyang CT scan na mayroon siyang brain tumor," marahang sabi nito. Napigil ni Cyan ang hininga habang nakatitig sa doctor. "It is not just a simple tumor, but one of the most aggresive. The patient have a Gliobastoma, a grade four tumor that can infiltrate every major and minor parts of the brain."

"Pero maku-cure naman 'to diba, Doc? I mean, it's the first time na nakita namin na nagkaganito si Tito Gerald."

The doctor sighs and said, "I'm afraid that there is no cure for this kind of brain tumor," para namang bumagsak ang langit sa kanilang lahat dahil sa narinig. Malungkot na nilingon ni Cyan si Trisha na noo'y naninigas sa kinauupuan habang nakatulala sa kaharap na pader.

"This type of tumor is severe. Sa tingin ko ay matagal na itong alam ng pasyente at hindi lang sinasabi sa inyo. The symptoms of Gliobastoma are constant headaches, dizziness, vomitting, memory loss. At dahil sa umabot na sa ganitong punto ang pasyente, hindi imposibleng matagal na nitong iniinda ang sakit," the doctor sighs again. "I'm afraid to tell you this, but the tumor have already spread on the vast majority of his brain, the patient only have a month to live. I'm very sorry," malungkot nitong sabi.

Halos nalulon ni Cyan ang dila at lalong napasandal kay Lawrence.

"Is there anything that we can do to atleast extend his remaining time?" tanong ni Lawrence para kay Cyan dahil hindi na niya magawang magsalita.

Tumingin siya rito. Hindi siya sigurado kung makokontento ba sila na 'i-extend lang' ang buhay ni Gerald. Lalo na si Trisha. Her heart fell heavily on her stomach when the doctor shook his head.

"I'm really sorry. Pero kung naagapan sana ito, we can atleast try a surgery, followed by a radiation therapy or a chemotherapy para tunawin iyon, just to prolong his survival. Pero kumalat na ang tumor sa malaking bahagi ng utak ng pasyente. And if the patient never wakes up again in the next few weeks, he'll be declared as brain dead and we don't have a choice but to pull out his remaining life support."

Cyan's vision blurred. Lawrence's arms tightened around her. This is all just too much to take in.

"For now, we have moved him in the Intensive Care Unit. And we also hope that he will atleast, still be able to regain consciousness. Excuse me," marahang sabi ng doktor bago sila iwan na nakatulala roon.

The doctor left, pero nananatiling nakaestatwa sa kinatatayuan si Cyan habang nakatingin kay Trisha na noo'y humahagulgol na naman sa tabi ni Martha. Si Martha naman ay malungkot na hinahaplos ang likuran nito. Tumingin siya kay Lawrence, na noo'y hindi rin alam kung ano ang dapat na gawin sa ganoong sitwasyon.

"W-Why would t-tito Gerald k-keep this from us?" nanginginig niyang tanong dito.

Hindi rin nakasagot si Lawrence at niyakap nalang siya. Awang-awa si Cyan sa ina, sa pangalawang pagkakataon ay mawawala na naman ang isang lalaking minamahal nito. Halos hindi na makalakad ng maayos si Cyan habang magkakasamang tinungo ang kwarto na pinaglipatan kay Gerald. Nang makarating sila sa ICU ay halos liparin ni Trisha ang kinahihigaan ni Gerald na noo'y maraming tubo ang nakasaksak sa katawan nito.

Dark SideTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang