CHAPTER THIRTY-FOUR

7.4K 215 46
                                    

VISITOR

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

THE NEXT MORNING after breakfast, ay nagtungo sila sa labas ng pack house para panoorin ang pagte-train nina Lawrence, Dennis, Gabriel, Jess, Ben, at Klyde sa mga miyembro nila. Hindi pa man nakakalayo si Cyan ay nag-ring ang cellphone na nasa bulsa niya.

"Yes, mom?" tanong niya nang masagot ang tawag ni Trisha.

"I'm going for a hunt. Wanna come?" sabi ni Trisha mula sa kabilang linya.

Nakita ni Cyan na napahinto sa paglalakad si Lawrence at lumingon sa kaniya. Malamang sa narinig nito ang sinabi ng mommy niya.

"Okay," sagot niya at mabilis na pinatay ang tawag dahil nakasimangot na nakatingin sa kaniya si Lawrence.

"Who told you that you're allowed to go?" malamig nitong tanong.

"Me?" sagot niya.

"No, Cyan. Stay here with me," sabi nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Napaismid si Cyan at tinitigan nang matalim ang malapad nitong likod. Mayamaya ay napangiti siya nang mapalingon sa gawi ng kakahuyan na hindi kalayuan sa kanila. Bigla siyang may naisip. Nang bahagyang makalayo si Lawrence ay mabilis siyang tumakbo patungo sa direksyon ng mga kakahuyan.

Soon enough, she heard a loud angry growl from behind. Cyan tries to escape and follow after Trisha's trail but was stopped by a raging Lawrence, even before she managed to enter the woods.

"Where do you think you're going?" he growled, his tone frustrated and irritated.

"Uhm.. Hunting?" kimi niyang sagot sabay ngiti ng matamis.

Lawrence narrowed his eyes at her. His eyes dark, dahil na rin sa na-upset niya ang over-protective wolf nito.

"C'mon! It's been so long since I hunt," reklamo niya habang nakasimangot. "And besides, you also need to train the members how to fight."

"Still, no," sagot nito sa mahigpit na tinig.

Tumalim ang tingin ni Cyan dito.

"Lawrence... I just can't let my mother to hunt the enemies alone," sabi niya sa lalaki sa tonong naiinis.

"It's dangerous," matigas pa ring tanggi ni Lawrence.

Cyan growled in annoyance, and stomped on the forest ground like a child, breaking a few dry twigs and leaves under her shoes with a loud crunching noise. "Matagal na namin itong ginagawa. I'm used to it. I'm a really good fighter."

"Fight me, then," he challenged her.

Sinimangutan niya ito lalo. "Ano?"

"If you manage to defeat me, sige papayagan kitang samahan si Aunt Trisha," kundisyon nito.

Cyan glared at him, feeling challenged, but also having second thoughts.

"I promise you, that I will let you go outside, if you managed to defeat me," sabi ni Lawrence habang humahakbang papalapit sa kaniya.

How is she supposed to do that? He is an alpha, one of the strongest ones. Samantalang siya ay half-half lang. Hindi pa nga niya nasubukang makipag-sparring dito kapag training niya noon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makipaglaban, pero hindi lingid sa kaniyang pang-unawa na talagang malakas ito.

Pinigilan niya ang mapaatras nang makalapit na ito, habang nananatili silang nagtititigan. She knew that she will never able to defeat him without needing to hurt him.

Dark SideWhere stories live. Discover now