CHAPTER NINETEEN

8K 199 3
                                    

STRENGTH REVEALED

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

KABABABA LAMANG ng telepono ni Lawrence, kausap si Ervin, nang marinig niya ang ingay sa labas. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina niya sa pack house at tumakbo palabas ng bahay. Nakita niya ang ilan sa mga tauhan niya na patungo na sa kanlurang direksyon.

'Alpha, we are under attack,' report sa kaniya ni Dennis through mind-link.

Nakaramdam ng magkahalong takot at galit si Lawrence sa sinabi ng kaniyang second in command. Lalo na nang marinig niya ang ingay na nagmumula sa direksyon ng mansyon kung saan naroroon sina Cyan. Agad siyang nagpalit ng anyo, hindi pansin ang pagkawasak ng kaniyang mga damit at patakbong tinungo ang mansyon, kasunod ang iba pa niyang tauhan na naalerto na rin sa pag-atakeng nagaganap.

Halos mawalan siya ng kontrol sa sobrang galit nang malanghap ang amoy na dala ng mga eksperimentong lobo, kasama ang amoy ng mga bampirang numero uno nilang kalaban. Dinig na rinig na nila ang ingay na dulot ng isang marahas na labanan. Naaamoy na rin ang pagdanak ng dugo, maging ang isa pang amoy na parang nabubulok na kung ano.

Hindi niya akalain na magkakasama pala ang mga ito at ang mga bampira na siyang kauna-unahan nilang kalaban. Samantalang kababanggit lamang sa kaniya ni Ervin sa telepono na may lead na sila sa kuta ng mga kalaban. Nakarating sila agad sa pupuntahan at naabutan ang malaking labanang nagaganap sa paligid ng mansyon. Nanlisik ng sagad ang kaniyang mga mata sa galit nang masaksihan niya ang pagwasak ng isang bampira sa pintuan ng mansyon, at makapasok sa loob nito ang mga kalabang lobo.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at agad nang nagtungo roon. Labis na nag-aalala para sa kaligtasan ni Cyan na nito pa lamang natututong makipaglaban. Hindi pa ito handa at alam niyang hindi nito kakayanin mag-isa kung sakaling mapalibutan ito. Nang makapasok kasunod si Gabriel at Simon ay sinundan niya ang mabalasik na amoy ng kalaban na patungo sa kwarto nila ni Cyan. Agad niya iyong pinuntahan habang nagsimula ng makipaglaban sina Gabriel sa mga bampira at kalabang lobo na naroroon.

Pabagsak niyang ibinukas ang pinto ng kwarto na noo'y hindi namalayan ni Cyan na nailock pala nito. Napahinto saglit si Lawrence nang makita kung gaano kabilis na iniwasan ni Cyan ang tangkang paghablot sa kaniya ng isang lalaking nakatayo sa tabi ng bukas na bintana. Nagulat si Lawrence sa nakita, pero hindi na muna niya inisip kung paano iyon nagawa ni Cyan at tumakbo patungo sa lalaking kilalang-kilalang lider ng mga rogues.

Marami ng napapansin si Lawrence na mga pagbabago kay Cyan na sadyang hindi nila maintindihan. Ngunit nananatili ang amoy nito ng pagiging isang ordinaryong tao. Kung kaya't hindi niya iyon masyadong pinoproblema.

NAGULAT SI Cyan nang makita si Mr. Evan Chua na nakatayo sa tabi ng bintana. Nakangisi ito at nanlilisik ang mga matang nakakatitig sa kaniya. Hindi niya akalain na hindi rin pala ordinaryong tao ang lalaking ito na hinayaang malubog sa utang ang daddy at mommy niya, at tinangka pang pagsamantalahan ang sitwasyon niya.

Hinablot siya nito, na agad naman niyang naiwasan ng walang kahirap-hirap. Nagulat pa ito sa bilis ng galaw niya bago dumako ang tingin nito sa kaniyang likuran. Hindi na nakapag-react si Cyan nang makita si Lawrence na patalong sinugod si Evan Chua at sabay na nahulog mula sa bintana. Alalang napatungo siya sa bintana at sumilip.

Nakita pa niya ang sabay na pagbabagong anyo ng dalawa bago bumagsak ang mga ito sa baba. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto, nais alamin kung ayos lang ba si Lawrence. Nasa fourth floor sila, at kahit na pa alam niyang isang werewolf si Lawrence ay hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para rito.

Naguguluhan na rin siya sa kaniyang natuklasan. Kung werewolf si Evan Chua, maaari kayang may koneksyon ito sa kung ano ang nangyari sa Mommy at Daddy niya?

Dark SideWhere stories live. Discover now