CHAPTER SIXTEEN

8.4K 225 18
                                    

SECRET MEETING

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

"YOU COULD fry an egg on your face," komento ni Jess na kanina pa pala nakatingin sa kanya.

Cyan make a low guttural sound of hostility in her throat, surprising him. Saka niya ito tinalikuran at nagtungo sa labas ng mansyon. Bumungad sa paningin niya ang isang kulay pulang magarang kotse na nakahinto sa tapat ng mansyon. Iyon marahil ang ginamit ng babaeng iyon.

Pinigilan niya ang sariling sipain iyon, katulad ng isinisigaw ng isip niya. Itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa makalabas siya ng gate. Hinayaan niyang mawala ang sarili sa malalim na pag-iisip.

Huminga siya ng malalim habang patuloy na pinaglalakbay ang isipan sa mga bagay na matagal ng bumabagabag sa kanya. Mga bagay na hindi niya maintindihan kahit alam na niya ang sagot.

Naalala niya ang babaeng nakausap sa bilangguan kung saan ikinukulong nina Lawrence ang mga kalaban na nahuhuli nila o mga miyembrong nakagawa ng paglabag sa kanilang batas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapayagan ang sariling aminin na ang babaeng iyon ay ang kanyang yumaong ina. Hindi pa rin niya matanggap sa sarili ang isang katotohanan na naging dahilan kung bakit nagkakaganito siya. Hindi pa rin makayanan ng kanyang pang-unawa na admitihin ang sanhi ng mga pagbabago sa katawan niya.

At hindi rin niya maamin na siya mismo ang may ayaw tanggapin na iyon talaga ang katotohanan. Narinig niya ang tunog ng pagkaputol ng isang sanga sa paanan niya, bagay na naging dahilan para maalalang malayo na ang nilakad niya mula sa mansyon. Nilingon niya ang paligid, puro matataas na punong-kahoy ang ang kanyang nakikita. Alam niya ang lugar na iyon, nasa loob siya ng kakahuyan na nakapalibot sa rancho.

Kabisado niya ang property, ang buong rancho, dahil dito na siya lumaki at nagka-isip. Lagi siyang ipinapasyal ng Daddy niya sakay ang paborito niyang kabayo. Naalala niya ang kanyang kabayo na halos isang buwan na niyang hindi nakikita.

Malungkot na nagtungo siya sa isang mababang puno at naupo sa sanga niyon. Napakaraming bagay na ang kanyang nakalimutang gawin simula nang magkagulo ang kwento ng buhay niya. Sunod-sunod na hindi magagandang pangyayari ang dumating sa buhay niya. Pero kahit gano'n ay nakilala niya si Lawrence.

Kung titingnan ay tila napasok siya sa isang malapantasyang teleserye dahil sa mga nangyari at mangyayari pa. Pero kahit anong hirap pa ang dumating ay handa na siyang harapin ang mga iyon, as long as lagi niyang kasama si Lawrence, na lagi itong nasa tabi niya.

Cyan heard the snapping of dry twigs and leaves against the heavy footsteps of someone approaching her. Hindi niya ito nilingon. Alam naman niyang si Lawrence iyon.

She felt something slightly cold and wet touched her right arm. Gulat na napalingon siya para alamin kung ano iyon at halos mapasigaw sa pagkabigla nang makita ang malaking itim na lobo na nakatayo sa gilid niya. Si Lawrence nga, na nasa anyong lobo.

He nudge her again on her arm with his snout, para bang may gusto itong sabihin pero hindi niya maintindihan. She gaze at his very familiar green eyes. Nababasa niya sa mga mata nito ang pag-aalala.

Ngumiti siya. Ngayon ay mas kalmado na siya kaysa kanina. Although, she can still feel the force in her mind, still wanting to get noticed. Inignora niya iyon. Iyon ang isa pang bagay na gumugulo sa isip niya. Humarap siya kay Lawrence at hinaplos ang malambot nitong balahibo sa mukha at leeg, bagay na nagustuhan nito dahil mas lumapit pa ito sa kanya.

"I'm sorry I didn't inform you where I was going," sabi niya rito.

She heard him grunt and snapped his head on the side, as if gesturing at something. Kunot-noong tiningnan niya kung ano iyon at nakita ang isa pang lobo.

Dark SideWhere stories live. Discover now