CHAPTER THIRTY-EIGHT

7K 194 11
                                    

EVIL SCHEME

(DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

PAGKARATING nila sa mansyon ay naroon na sina Collin at Shayana, dala ang isang puting kotse.

"Trisha, I think it's better kung doon na kayo sa'min mag-stay. It will be a little difficult kapag minasama ng mga miyembro ni Alpha Lawrence ang mangyayari kay Gerald," sabi nito.

Malungkot na tumingin si Trisha kay Cyan. "I guess so, if this is for the best," sagot nito.

Pilit na ngumiti si Cyan. "I'll be fine, Mom. Call me when you get there," bilin niya sa ina.

Tumango si Trisha at inalalayan si Gerald papasok sa kabilang kotse. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding paghihirap. Medyo slow na rin ang pag-respond nito. Maya't maya rin ay nagsusuka ito o kaya ay sobrang sumasakit ang ulo.

Cyan kissed Gerald on the forehead, and Trisha on her cheeks.

"Ingat kayo please," sabi niya sa ina bago siya humarap kay Collin at Shayana. "Please do everything for my Tito," pakiusap niya sa mga ito.

Collin smiled. "We will do everything we can," he assured her.

Once they left, ay nagtungo naman sila ni Lawrence pabalik sa pack house. Cyan couldn't help but notice the animosity in the atmosphere while the members glanced at their unexpected visitor. Halatang maging ang mga ito ay hindi natutuwa sa pagbabalik ng kapatid ng kanilang Alpha.

Cyan didn't like the way Lyndon gaze at her as soon as they arrived. Para bang uhaw na uhaw ang itsura nito sa tuwing tinititigan siya. Kaya nga hangga't maaari ay hindi siya nag-i-stay sa iisang lugar kung nasaan ito. Mukhang ganoon din naman ang ginagawa ni Lawrence, dahil lagi siya nitong binibigyan ng dahilan para umalis o kaya ay lumayo kay Lyndon.

It was even a huge turn of event dahil nalaman ni Cyan na isa na nga palang rogue si Lyndon dahil hindi naman ito official member ng kahit anong pack. Kaya naman pala hindi komportable halos lahat ng mga miyembro rito.

"It deeply hurt me that you didn't bother to invite me in your wedding," nakangusong sabi ni Lyndon kay Lawrence, one time na nasa sala silang apat nila Gian.

His dark gaze moved again at Cyan, which she returned with a cold glare, causing his mischievous gaze to intensifies.

"How are we going to do that, Kuya Lyndon. Wala naman kaming kontak sayo," nakasimangot na sagot ni Gian sa kapatid.

Lyndon smiled softly at her. "My fault, sorry. I was busy lately, with some normal stuff going on. I'm trying to live like a normal human, but I suck at trying to do so. Kaya sumuko nalang ako at nagpasiyang bumalik na rito."

"So you're staying for good?" alanganing tanong ni Gian.

Even Gian seems to hate his presence.

"Why the disappointment little sister?" natatawang tanong ni Lyndon. "Aren't you happy that we're all gonna be together?"

Natikom lang ni Gian ang bibig at hindi sumagot.

"Ouch," sagot ni Lyndon. "Look," seryosong sabi nito at seryoso ring tumingin sa kanila. "I deeply apologize for what I did. For running away and blaming all of you for what happened in the past. I regret everything that I have done," sabi nito.

Kung hindi nga lang siya muling tinapunan ng kakaibang sulyap ni Lyndon ay maniniwala na siya kung gaano ka-sincere ang tono nito. She still cannot trust this man. Hindi sigurado si Cyan kung magagawa ba niyang gawin iyon.

Dark SideWhere stories live. Discover now