CHAPTER TWELVE

8.6K 234 16
                                    

AWAKEN

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

"ALAM KONG mahirap paniwalaan. But it's me, Cyan, your Mom. I won't ever lie to you," sagot nito na dinig ang pakiusap sa boses.

"I'm not in the mood to play games with whoever you are. Alam kong patay na ang Mommy ko. She died in a car---"

"Crash," dugtong nito sa sasabihin niya. "And I did. I knew I was dead, too."

Kumunot ang noo ni Cyan sa sinasabi nito. "Was?"

"That's what I knew, that I had died. I saw how the truck smashed me and your Dad like nothing," pagkukwento nito sa kaniya.

"So ang sinasabi mo ay nabuhay kang muli, na parang walang nangyari?" sarkastikong sabi niya rito, at tiningnan ang makinis nitong balat sa mukha na walang bahid ng kahit anong peklat. Tangdang-tanda kasi niya ang mga galos sa mukha ng Mommy niya dahil sa mga bubog na nagsitalsikan mula sa nabasag na wiendshield ng kotse nila.

Ito naman ang kumunot ang noo sa kanya. "You're being rude. Hindi ka ganyan dati, Cyan."

Something snapped inside her. "I can be rude to anyone I want to. Lalo na sa mga katulad mong nagpapanggap bilang isang taong wala naman na sa mundo. Bakit hindi mo nalang agad sabihin sa'kin kung ano ang pakay mo?" galit na sabi niya rito, hindi na niya napigilan ang nararamdamang galit, isa pa ay pasama na rin ng pasama ang pakiramdam niya.

Wala itong karapatan na gayahin ang Mommy niya.

Kita sa mga mata nito kung gaano ito nasasaktan sa sinabi niya. Maano kung ganoon nga? Maaaring pati iyon ay pagpapanggap lamang.

"Sige. Hindi ko na ipagpipilitang maniwala ka. Pakinggan mo lang ako."

Cyan nodded and listened as the mysterious woman began her tale. Isa lang ang masasabi niya habang ipinaliliwanag nito ang lahat-lahat sa kaniya. Hindi iyon ang bagay na inaasahan niyang manggagaling dito.

Lawrence impatiently waited outside. It's been almost half an hour and they are still not yet done talking. He paced outside the cell. Balisa siya dahil tanging mahihinang ugong lang ang naririnig nila mula sa pintong mahigpit ang pagkakapinid. Hindi nila maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Sigurado siyang hindi nito masasaktan si Cyan dahil sa seguridad ng kadena na ginamit nila para hindi ito masyadong makagalaw. Maging ang paa nito ay ikinadena nila.

Hindi pangkaraniwan ang babae. Sadyang mapanganib ito lalo na kay Cyan.

"She'll be fine, Lawrence," sabi ni Dennis na bahagya siyang tinapik sa braso.

"I really don't trust the woman," sagot niya rito.

"Do not worry. The feeling is mutual," sabi ng isang malamig na tinig ng babae sa likuran nila.

Gulat na nilingon nila ang nagsalita at nakitang nakatayo na ang babaeng nagsasabing ina raw ni Cyan, sa pintuan suot ang isang malamig na ngiti.

"You!" growled Lawrence.

Hindi nila maintindihan kung paano ito nakawala mula sa pagkakagapos nito.

"Si Cyan!" biglang naisigaw ni Gabriel at alalang tumingin sa loob.

Lahat sila ay doon dumako ang tingin at nakita nilang nakahandusay si Cyan sa sahig malapit sa upuan na ginamit nila sa babae para doon igapos. Wala itong malay at nakakalat sa palibot nito ang mga nakakalag ng kadena. Hindi rin maikakaila sa kanilang paningin ang kulay pulang likido malapit sa kinaroroonan ni Cyan. Lawrence caught the scent of her own blood.

Dark SideWhere stories live. Discover now