CHAPTER EIGHTEEN

7.2K 204 18
                                    

ACCIDENTALLY REVEALED

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

"Umalis ka na sana noong una palang na nagkaroon ka ng chance para gawin iyon."

Hindi naman maintindindihan ni Cyan kung ano ang ikinaiinit ng ulo ni Miranda sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya rito.

"Didiretsuhin na kita," sabi nito at mataman siyang tinitigan sa mukha. "Nag-aaksaya ka ng panahon sa piling ni Lawrence. Hindi rin kayo magtatagal. I suggest you not to attend the ceremony, it will be just a waste of time."

"At bakit naman?" nanghahamong tanong ni Cyan dito at pinag-cross ang mga braso sa harap ng dibdib.

"He only wants you now, dahil hindi pa niya nakukuha ang gusto niya sayo. At pagkatapos niyon ay iiwan kana niya. There is already a perfect she-wolf destined to be his real Luna," sabi nito na binigyan diin ang salitang 'she-wolf' at 'real luna'.

Agad naman na naintindihan ni Cyan ang ibig nitong palabasin. Napangiti siya. Unti-unti nang nabubuo ang hinala niya sa babaeng ito na noong una palang ay hindi na niya nagustuhan. At hindi nga siya nagkamali.

"So, you are saying that the perfect woman is you?" tanong niya rito na hindi man lang naapektuhan sa mga sinabi nito.

Pinsang-buo siya ni Lawrence, for pete's sake!

Miranda glared at her. "I'm his cousin, that's what you are thinking. But I am only his cousin in name. Hindi kami blood-related. I can be a perfect Luna for him, a perfect she-wolf. Kaya ko siyang tulungan sa pagpapatakbo ng pack ng walang kahirap-hirap."

Nakaramdam ng galit si Cyan. Kaya naman pala mabigat na ang dugo niya rito noong una palang dahil ito pala ang totoo. She clenched her teeth, not wanting to get violent, especially now that the force is demanding to take control again. Ayaw niyang ipaubaya rito ang sarili dahil baka kung ano ang magawa niya sa babaeng ito.

"I'll be in the ceremony, Miranda. You can keep dreaming," sabi niya, bakas sa boses niya ang gigil na pagtitimpi.

Miranda smirked. "I'm not dreaming. I already have what I want. But you..," ngumiwi ito na parang nandidiri sa kanya. "You won't be able to keep up with me. You are just a plain human. You don't even know how to make yourself pretty on your own."

Nagpanting ang tainga ni Cyan. Hindi naman niya hiniling na ayusan siya nito para lang magmukhang maganda.

"I don't need tons of make up to look pretty, unlike you, Miranda," malamig niyang sabi dito. "Lawrence wants me. I am his real beloved."

Nabura lahat ng emosyon sa mukha ni Miranda. "Believe me, Cyan. Mas magiging madali para saiyo kapag hindi mo na ito itinuloy," seryoso nitong sabi.

Tinitigan ito ni Cyan, tila ba may iba pang ibig sabihin ang tono ng pananalita nito.

"What do you mean?" tanong niya.

"I know you're still meeting with your mother. Hindi ko narinig ang pinag-usapan ninyo. Pero puwede kong sabihin kay Lawrence ang nakita ko at ang 'narinig' ko," banta nito sa kanya.

Hindi hinayaan ni Cyan na maapektuhan sa banta nito.

"He'll never believe you."

Miranda cocked her head to the side. "He'll probably not. Pero wala na siyang choice kapag ang mismong nasasakupan na niya ang nagprotesta laban saiyo."

"You wouldn't..." galit niyang sabi.

" 'Wag kang mag-alala. I don't need to tell them anything. Ikaw mismo ang magpapakita sa kanila at magbibigay ng dahilan, to hate you," sabi nito.

Dark SideWhere stories live. Discover now