CHAPTER TWENTY-FOUR

7.4K 207 7
                                    

DISGUISE

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

Tinitigan niya ang ina, pero nanatili itong walang ekspresyon sa mukha. Pagkaraa'y nagkibit-balikat nalang din siya. Noon naman napabuntong-hininga si Gerald. Disappointed ang itsura nito.

Cyan raised an eyebrow and glanced questioningly at him.

"I was hoping that you will be able to talk to your mother out of this," sabi nito.

"Wala naman akong nakikitang dahilan para gawin iyon."

"You're right, though. Delikado ang gagawin ninyo," pilit pa rin nito.

Naiintindihan naman ni Cyan kung bakit ito nag-aalala. Siya man ay hindi komportable sa magiging misyon nila ng gabing iyon. Pero hindi nga rin sila dapat namimili.

Maaga silang umalis dahil pitong oras ang byaheng gagawin nila bago sila makarating sa pack ni Alpha Dominic. Iinspeksyunin pa nila ang lugar bago sila pumuwesto sa mga malalaking puno kung saan sila hindi makikita ng mga matalas na paningin ng mga lobo at bampira. Isa pa ay aantayin pa nila ang pagdating ng mga aatake at susubukang harangin na ang mga ito bago pa man makapasok sa teritoryo ni Alpha Dominic.

Hindi mapanatag si Cyan. Pakiramdam niya ay mayroong hindi mangyayaring maganda ng pagkakataong iyon.

Inihinto ni Gerald ang kotse sa tapat ng isang hotel sa loob ng bayan na siyang sobrang pamilyar kay Cyan. Lumabas mula sa kotse sina Cyan at Trisha. Sila lang ang pupunta sa pack at maiiwan si Gerald sa hotel at maghihintay roon. Pagkatapos ay uuwi na rin sila agad at hindi na magtatagal pa sa lugar kung saan napakalapit ng mga iniiwasan nila.

"Please take care," bilin sa kanila ni Gerald, maging ito ay hindi rin panatag ang pakiramdam sa gagawin nilang iyon.

Agad na pumasok sa kakahuyan ang dalawa, wearing their black clothes and dark brown cloaks to help them blend in the darkness. Halos walang marinig sa bawat pagdaan nila sa mga puno dahil sa magagaan nilang hakbang, ni hindi na sila makita sa sobrang bilis ng kanilang mga galaw. Just the light whooshing in the air is the only sound that can be heard, and the black blur is the only thing that can be seen.

Anyone that will witness these things might think that they are just tricked by the light and shadows, or just hallucinating.

Tandang-tanda ni Cyan ang kakahuyang iyon, dahil doon sila tumakbo ni Trisha nang mahanap siya nito sa ilog. Napapikit ng mariin si Cyan, pilit na itinataboy sa isip ang mapait na ala-ala.

Mabuti nalang at maaga silang nakarating, kaya medyo maliwanag pa ng kaunti ang kalangitan. Wala pang sign na paparating o dumating na ang mga aatake kaya naghanap na sila ng maayos na puwesto. Saktong pagkaakyat nila ng puno ay narinig na nila ang mabibigat na yabag ng mga lobong paparating. At sa ingay na inihahatid niyon ay sigurado si Cyan na hindi lamang trenta ang susugod.

Sinalubong niya ang tingin ni Trisha, maging ito ay nagtataka. Sinilip nila ang mga paparating at halos mahulog si Cyan sa tinutungtungang sanga nang makita ang pamilyar na itim na lobo na tumatakbo sa unahan ng grupo.

Si Lawrence.

He is leading atleast fifty werewolves behind him, and going in the direction of Alpha Dominic's pack.

Anong nangyayari? Ito ba ang mga aatake?

Agad namang nasagot ang katanungan sa isip ni Cyan nang makita ang isang lalaking may matipunong pangangatawan, suot ang isang puting t-shirt at pantalon, na lumabas mula sa teritoryong kinaroroonan nila, si Alpha Dominic.

Dark SideWhere stories live. Discover now