CHAPTER TWENTY-SIX

7.5K 226 37
                                    

WE MEET AGAIN

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

DENNIS MUST HAVE seen her outside from the transparent glass of the convenience store while he was patrolling the town.

Hindi ito pinansin ni Cyan at kalmadong itinapon ang wala ng lamang bote ng mineral water sa isang basurahan na mabuti nalang ay nandoon. Ramdam niya ang bawat pagsunod ng tingin nito sa mga galaw niya, kung kaya kaswal siyang nagpatuloy sa paglalakad at kunwari ay nagtitingin-tingin muli ng mga paninda. Paminsan-minsan ay kinakausap ang mga tindera na para bang hindi niya alam na sinusundan siya ni Dennis.

"Miss, ito bagay sayo," sabi ng isang matabang tindera ng mga damit at kinuha ang isang kulay rosas na bulaklaking blusa.

Pinigilan ni Cyan na mapangiwi dahil alam niyang pinanonood pa rin siya ni Dennis. Ngumiti siya na kunwari ay nagustuhan ang damit.

"Magkano po ba ito?" tanong niya na bahagyang siniglahan ang boses.

"Eighty pesos nalang sayo, miss. Tutal maganda ka naman."

Nararamdaman na ni Cyan ang paglapit ni Dennis sa gawing kanan niya.

"Sige sa susunod nalang. Wala na akong dalang pera dito eh," sabi niya.

"Sayang naman, Miss. Sige na kunin mo na, seventy nalang sayo," pamimilit pa rin ng tindera.

Halos mapigil ni Cyan ang paghinga nang makalapit na si Dennis sa tabi niya.

"I'll buy it for the lady," sabi ni Dennis.

Namula ang tindera sa bagong dating. Nagwapuhan at nalula sa tangkad at laki ng katawan ni Dennis. Pinilit ni Cyan na ngumiti at tumingin kay Dennis.

"Wag na. Sa susunod nalang talaga, kuya," tanggi niya.

Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Dennis at ginamit ang pagkakataon na hindi ito nakasagot para magpaalam na sa tindera. Kaswal siya muling naglakad at pumasok sa palengke, kunwari ay nagtitingin-tingin muli, sinusubukang iligaw si Dennis na hindi pa rin siya tinatantanan. Nang may dumaang grupo ng mga estudyanteng namamalengke ay sumingit siya sa mga iyon, saka nagmamadaling lumabas ng palengke.

She flashed out of the place, trying to be invisible. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na niya maramdaman si Dennis. Kailangan na niyang makaalis doon, bago pa man ito magtawag ng mga kasama.

She turned left on another empty street going to the direction of the subdivision, still making sure that no one is following her. She sighed in relief and looked ahead, only to froze on her tracks when she met a pair of green eyes.

A very gorgeous tall man is already standing ahead of her, completely blocking her way.

"We meet again, Cyan."

She heard him purred softly, while giving her a very intense stare.

Cyan's heart dropped heavily in her stomach, recognizing who the man is.

It's Lawrence.

Nakatayo si Lawrence ilang metro ang layo sa kaniyang harapan. Hindi siya maaaring magkamali, kahit na pa parang mas tumangkad at lumaki pa ang pangangatawan nito suot ang isang asul na t-shirt, at itim na pantalon. Si Lawrence talaga ang nakikita niya.

Dark SideWhere stories live. Discover now