CHAPTER FOURTY-THREE

6.7K 197 8
                                    

POWER OF TRUE LOVE

(DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

BEEP...

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ni Gian ang katawan ni Cyan. She thinks that she just heard the monitor beeps, meaning that Cyan's heart just started to beat again. Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa kinaroroonan ni Cyan. Nagsisimulang mabuhayan ang mga anyo.

"Cyan?" mahinang tawag ni Lawrence.

Marahan nitong inihigang muli si Cyan at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. Kitang-kita sa mga mata ni Lawrence ang pagsibol ng pag-asa. Muling naghilom ang sugat nito sa pulso. Nakinig silang mabuti, dahil baka dala lamang ng imahinasyon ang kanilang narinig. Ilang sigundo pa muli ang nakalipas, bahagyang nawala ang kanilang pag-asa.

Beep...

They all gasped in shocked, not able to believe what they just heard. Nagpatuloy pa ang mabagal at pahinto-hintong pagtunog ng monitor. Hanggang sa pumasok na sa kanilang pang-unawa na hindi iyon imahinasyon lamang.

Beep... Beep... Beep...

"Cyan!" sigaw ni Trisha na ngayon ay mabilis na nakatayo mula sa sahig at patakbong lumapit sa kabilang gilid ng hinihigaan ni Cyan at hinawakan ang isang kamay nito at hinagkan iyon ng ilang ulit. Mabilis din na nagsilapitan ang iba pa sa paligid ng hinihigaan ni Cyan. Nabubura na sa mga anyo ang pighati at napapalitan na ng pag-asa.

"Look!" malakas na sabi ni Gian, nakaturo sa dibdib ni Cyan.

Lahat sila ay natungo roon ang paningin.

"H-Her wound.. It's h-healing," halos pautal-utal na sabi ng pack doctor na si Megan, hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Oh, thank God!" hagulgol muli ni Trisha at yumakap ng mahigpit kay Gerald bago muling humarap sa anak.

It was truly miraculous as they watched Cyan's wound on her chest heals so slowly. Hanggang sa tuluyan na iyong maghilom at hindi na kakikitaan ng anumang bakas. Unti-unti na ring nagiging normal ang heart rate ni Cyan na kanilang pinakikinggang mabuti sa monitor. Mabilis na natauhan ang mga pack doctors, causing them to immediately tend to their Luna again. Si Lawrence naman ay nanatili lamang sa tabi ni Cyan, mahigpit na hawak-hawak ang kamay nito at hinahagkan kung saan unti-unti ng bumabalik ang temperatura niyon.

"Thank you, love... Thank you..." mahina nitong bulong kay Cyan.

"Mother!" narinig nilang tawag ni Gian sa ina.

Nagmamadaling pumasok muli sina Martha kasunod ang tatlong pack doctors na nagsilabasan nang magwala si Lawrence.

"Bakit? Ano na ang nangyayari?" tanong nito bago sila tumingin kay Cyan.

Pagkatapos niyon ay mabilis silang napalingon sa monitor na siyang nagdi-display ng heartbeat ni Cyan.

"W-What--- H-How...?" hindi malaman ni Martha ang sasabihin.

Gian explained everything in a rush.

"We can't also understand what's happening, Mom," sabi ni Gian. "One moment Cyan was dead, then Kuya made her drink his blood. Suddenly, her heart started to beat again," she explained in one breath.

Ibinalik nilang lahat ang tingin kay Lawrence na hindi pa rin umaalis sa tabi ni Cyan at minamasdan lamang ang mukha nito. Marahan din nitong hinahaplos ang pisngi at buhok ni Cyan. Bakas sa mukha ang tuwa na ligtas na ang babaeng minamahal.

"Thank goodness, Mom. I thought Cyan would be gone forever," mahinang bulong ni Gian.

Nagtataka man din ay sumilay pa rin ang ngiti sa labi ni Martha bagay na nakapagpaliwanag sa mukha nito. Hindi na mahalaga kung paano iyon nangyari. Ang importante ay ligtas na si Cyan at nagawa nitong makawala mula sa pagkakagapos ni kamatayan. Niyakap niya si Gian at pabulong din na nagpasalamat. Hinarap niya si Lawrence at marahan itong hinawakan sa braso.

Dark SideWhere stories live. Discover now