CHAPTER SEVENTEEN

8.4K 230 6
                                    

HIS LUNA

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

Mabilis na lumipas ang limang araw na halos iglap lamang. Halos hindi na nga napansin ni Cyan ang pagdaan ng oras dahil sa nagiging abala na rin siya sa maraming bagay. Nakaschedule and work out training niya tuwing alas nueve ng umaga hanggang alas onse. At sa hapon naman ay ang training niya para sa kaniyang advance self defense.

Si Dennis ang nag-eensayo sa kaniya, dahil noong minsang si Gabriel ang nagbantay sa kanya ay puro kalokohan lang ang pinag-gagagawa nito. Samantalang si Dennis ay ubod ng seryoso at istrikto. Iyon naman ang gusto ni Cyan dahil mas matututo siya kung mas mahigpit ang nagtuturo sa kaniya. Iyon nga lang ay hindi siya nito napagbigyan ni minsan na matamaan ito, bagay na ikinaaburido niya ng sobra. Bawat suntok at sipa na ibinibigay niya rito ay mabilis nitong naiiwasan na para bang hangin lang ang dumadaan.

"You can do better than that," minsan ay sabi ni Dennis sa kaniya sa tonong nang-uuyam. "I have already seen what you can do. Kailangan mo lang ilabas iyon in full extent," dagdag pa nito habang walang hirap na umiiwas sa bawat pag-atake ni Cyan.

Napahinto si Cyan sa pagod at napahawak sa kanyang mga tuhod, hinihingal. Ni dulo ng daliri niya ay hindi pa niya naihahawak sa balat ni Dennis. Sinisigawan na nga siya ng puwersa sa likod ng diwa niya na hayaan na niya itong humawak ng kontrol. Tumuwid siya sa pagkakatayo at mariin na pinakatitigan si Dennis na tila naiinip ang ekspresyon. Nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito habang natatitig sa kanya.

"You need to learn this naturally, Cyan. Without relying on your 'other' skill," sita nito sa kanya.

Inis na binawi ni Cyan ang tingin dito. Nakita siguro nito ang pagbabago sa kanya. Her breath was knocked out of her as she fell on the ground, hard. She growled out of frustration.

"Number one rule in fighting, Cyan. Do not ever look away from your opponent," istriktong pagpapaalala nito sa kanya.

Natapos ang buong maghapon na hindi man lang siya nakasuntok ni isang beses dito, pati na rin sa mga sumunod pang araw.

At sa wakas, the day of her introduction has finally arrived.

Hindi niya masasabing maayos para sa kanya ang limang araw na nakalipas dahil sa mga nakakabaliw na pangyayari na pinagdaanan din niya sa loob ng mansyon. Ilang beses na nga niyang naisip na umalis nalang ng mansyon sa tuwing pinupuwersa siya nina Gian at Miranda sa mga damit na ibinili nito sa kanya. Isang tanghali ay muntik pa niyang makalmot sa mukha si Miranda nang minsang subukan siya nitong pag-suotin ng lace na underwear, mabuti nalang at isa itong werewolf kaya mabilis itong nakalayo sa kaniya, bago magasgasan ang makinis nitong mukha.

Napapansin na rin niya sa sarili ang mas malalaking pagbabago sa pagkatao niya. Hindi na nga niya masabi na isa nalang siyang ordinaryong tao, dahil sa mga kakaibang kilos na ginagawa niya. Minsan ay napansin niyang mas nagiging light ang tsokolate niyang mga mata, halos katulad ng sa Mommy niya. Isang araw ay matagal siyang nanatili sa harap ng salamin sa loob ng CR, hindi makapaniwalang tinititigan ang sarili, bagay na ipinagtaka ni Lawrence kaya kinatok na siya nito sa loob.

Mabuti nalang at bumalik din agad sa dati ang kulay ng mata niya kaya napagbuksan niya ito. Minsan din ay napapansin niyang mas gumagaan at bumibilis ang mga galaw niya, dahil na rin sa mahirap na training na pinagagawa sa kanya ni Dennis. Wala ng ingay ang bawat hakbang niya, kahit kapag tumatakbo siya.

Kung kaya naman kapag oras ng 'make over' niya ay mabilis siyang nakakalabas ng kwarto niya mula sa bintana at nagtutungo sa kakahuyan kung saan sila nagtatambay ni Lawrence tuwing dumarating ito sa tanghali. Hindi siya magagawang hanapin nina Miranda o Gian dahil magtatago siya sa malalaking puno at doon aakyat. Lalabas nalang siya kapag alam niyang si Lawrence na ang nandoon o kaya ay si Dennis ang makakahanap sa kanya.

Dark SideWhere stories live. Discover now