CHAPTER TWENTY-THREE

7.3K 211 19
                                    

MISSION

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

"Hindi ako katulad ng mga bampirang nakakasagupa mo," kalmado nitong sagot, naiintindihan ang biglang pagbabago ng mood niya.

Lawrence growled. What could be so important to talk about between him and a certain vampire?

"Tell me. What exactly do you want?"

"We need to talk in person for this."

"That's not gonna happen. I might end up killing you," sabi niya, walang halong biro ang tono.

"I know. Kung kaya nga sinasabi ko ito. Alam ko kung gaano mo ikinamumuhi ang mga bampirang katulad ko. Pero sana ay mapagbigyan mo ang hiling ko," sabi nito sa kalmadong tinig.

Napaisip si Lawrence. Ito ang unang beses na may makausap siyang bampira, ng pormal, ng matino. Mukhang importante ang sasabihin nito dahil nag-abala pang tawagan siya.

"Where?"

"Anywhere you want. I will come on my own," agad na sagot ng bampira, halata sa tinig na hindi na nito inaaksaya ang pagkakataon.

"That's ridiculous," komento niya, para kasing naghahanap ng ikapapahamak ang bampira na ito.

Handa itong makipagkita sa kaniya? Ng mag-isa?

"I mean it. I will come alone, kahit saan mo gusto. Ang importante lang ay makausap kita agad," sabi nito.

"Fine. I'll meet you outside the west boarders of my teritory."

"Alright. Maganda sana kung ngayon na tayo mag-usap, kung wala kang ginagawa."

Lawrence was even more surprised.

"Sige. I'll go there now," sabi niya dito.

Hindi na nag-aksaya ng panahon pa si Lawrence at nagtungo na sa west boundary. Alam niyang maaaring patibong lamang iyon, pero wala siyang pakialam. Hindi siya magagalaw ng mga bampirang iyon.

Nadaanan niya ang mansyon at nakaramdam ng munting kirot. Lagi niyang binibisita iyon araw-araw sa tuwing manggagaling siya sa kakahuyan tuwing hapon. Inaalala ang bawat sandali na magkasama sila ni Cyan. Hindi rin niya iyon pinababayaan katulad ng pangako niya rito.

Pagdating niya sa lugar na pagkikitaan ay naroon na ang isang matangkad na lalaki na nakasandal sa isang puno, naghihintay. Itim ang suot na damit, a suit, parang galing ito sa isang opisina. Tinitigan niya ito, and just like the other vampires, this one also looks like a corpse, dahil sa sobrang putla nito, sa pula ng mga labi, ng ilalim ng mga mata. Napatitig siya sa mga mata nito at kumunot ang noo.

They are the same shade with Cyan and her mother's. Light brown, and almost glowing.

Marahang lumapit ang bampira sa kaniya bago huminto ilang talampakan ang layo. Ngumiti ito ng pormal. Base sa itsura nito at sa maayos na pananamit ay hindi ito katulad ng mga usual na bampirang nakakalaban nila. Disente itong tignan, bakas din sa anyo nito ang pagiging wais, na tila ba marami na itong mabibigat na karanasan.

"I'm glad that you came, Alpha," marahang sabi nito.

"What do you want?" muli ay tanong niya, ayaw na niyang pahabain pa ang usapan.

Pinigil niya ang instinct na atakihin ito. Wala itong ginagawang masama. Wala pa.

Ngumiti muli si Collin Royce bago ibinalik sa pagiging pormal ang mukha.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon