CHAPTER TWENTY-FIVE

7.3K 215 11
                                    

SEEN

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

ARAW-ARAW ANG pasok ni Cyan, bagay na sobrang kinaiirita niya, kaya madalas ay nag-i-skip siya ng klase. Sa tuwing hindi siya papasok ay dumidiretso siya sa isang bookstore na noon pa man ay paborito niyang pinupuntahan noong bata pa siya. Mahilig siya sa libro, kahit anong libro, wala siyang pinipili.

Sinigurado niyang walang taong lobo o bampira sa paligid bago siya pumasok sa loob ng bookstore. Pinakinggan niyang mabuti maging ang mga malayong kanto, sa kabila ng iba't ibang ingay ng mga sasakyan, at mga taong namimili sa bayan. Agad siyang dumiretso sa Educational Section, nagtingin ng hindi pa niya nabibili at nababasa. Pagkatapos ay nagbasa ng ilang mga libro sa Free Reading Section.

Magdidilim na nang mag ring bigla ang cellphone niya, bagay na ikinagulat niya at ng iba pang mga naroroon na nagbabasa rin. Masakit na tingin ang ipinukaw sa kaniya ng mga naroon dahil sa pagkaistorbo niya sa mga ito, kung kaya agad niyang sinagot ang tawag ni Trisha.

"Mom?"

"Where the hell are you?!" napangiwi si Cyan sa lakas ng boses nito na sumalubong sa tainga niya.

Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa labas ng shop.

"Don't yell please, it's really hurting my ears," sabi niya dito na inilipat sa kabilang tainga ang cellphone.

"Oh, sorry, forgot about that," sarkastiko nitong sagot.

Cyan rolled her eyes.

"I'm here at the bookstore. I didn't realize it was so late," sabi niya. "Pauwi na 'ko."

Ilang segundo lang ay nasa kanto na siya papasok ng subdivision kung saan naroon ang bahay nila. Hindi niya napansin na lagpas ala-sais na pala ng gabi, nakalimutan na niya ang regular training at pagtse-tsek nila sa paligid. Napatapik siya sa noo habang nilalakad ang kalsada papunta sa bahay, maingat na tumitingin sa paligid at nilalanghap ang hangin, para alamin kung may nakasunod ba o nakakita sa kaniya.

Nakarating siya sa bahay, pumasok sa loob at sinalubong ang galit na tingin ni Trisha.

"It's not like I can't take care of myself, Mother. Hindi ko lang napansin ang oras," sabi niya.

Sinimangutan siya ni Trisha, si Gerald ay tahimik na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo sa salas katabi nito, tila walang pakialam.

"You skipped school," sabi ni Trisha, nagbabadya ng isang malaki at mahabang sermon.

Cyan raised an eyebrow.

"I didn't know that I should always attend it."

"You should atleast tell us where you're going," pilit ni Trisha, nakakunot pa rin ang noo at nakapamaywang sa harap ng anak.

Cyan sighed. It's her mom, right, she is always her mom, human or not, always the same as before.

"Fine. I'll tell you next time."

"There will be no next time. You are grounded from now on," seryoso nitong sabi, walang emosyon ang mukha, istrikto ang tingin na ibinibigay sa kaniya.

Cyan stared at her mother blankly. Hindi niya alam kung ano ang pakulo ng mommy niya, pero hindi siya nag-react at tumitig lang pabalik dito. Narinig nilang naubo si Gerald, halatang nagpipigil ng tawa.

"It's not funny," sabi niya kay Gerald.

Napahinto siya sa paglalakad patungo sana sa kuwarto na katapat lang ng sala ang pintuan, katabi naman niyon ang kuwarto ng dalawa.

Dark SideWhere stories live. Discover now