CHAPTER TWENTY

7.5K 219 14
                                    

THE VAMPIRE WITHIN

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

THE NEXT DAY, Cyan woke up very early again, feeling another burning pain in her body. Isa pa ay masakit ang lalamunan niya na para bang tuyot na tuyot. She slowly rose from the bed, managing not to wake Lawrence up, and clumsily went to the window to breathe the cold fresh air. The early morning breeze slightly lessen the prickling heat she is currently feeling, as soon as it caressed her sweating face.

She let out a low groan nang makaramdam naman siya ng sakit sa dibdib at palibot ng panga. Napapansin niyang mas dumadalas na ang mga nararamdaman niyang sakit lalo na at papalapit na ang birthday niya. Natatakot siya sa magiging pagbabago sa katawan niya, kung kaya pa ba niyang itago ang mga iyon. Kung hindi man, ay magagawa ba siyang tanggapin ng lahat?

Para namang nanunuksong nagpakitang muli sa kanyang balintataw ang mala-halimaw niyang itsura.

'I can't be a monster like that!' sigaw niya sa isip.

She clutched on her chest, wincing in so much pain. Naninikip ng sobra ang dibdib niya. Para bang may kung anong pumipilit na pahintuin iyon sa pagtibok. She hissed out of exertion, gripping the edge of the window for support, and slowly kneeled down on the floor.

Naupo siya sa sahig at napapangiwing sumandal sa pader. Cyan attempted to calm herself, and tried to convince herself that it isn't as bad as it seems. Maglalaho rin maya-maya ang sakit na nararamdaman niya, katulad ng sa dati.

Nakita niyang gumalaw sa higaan si Lawrence at kinapa ng kamay ang katabing espasyo. Kung kaya kahit hirap na hirap ay mabilis na nagtungo si Cyan pabalik sa higaan at tumabi rito.

Sa unang pagkakataon ay hindi kumalma ang nararamdaman niya nang makatabi muli si Lawrence. Tila mas lalo pa nga iyong lumala nang maramdaman ang mainit nitong balat. Nagsisimula na siyang pagpawisan muli. Hindi niya maintindihan kung ano na naman itong nararamdaman niya. Nakakarinig siya ng mga mahihinang kaluskos sa labas, parang mga maliliit na mga paang gumagapang sa kung ano.

Kumunot ang noo niya at nakinig mabuti. Malakas na umihip ang hangin, at napangiwi siya dahil sa malakas na tunog na inihatid niyon na para bang sa tainga niya mismo ibinubuga ang ingay, lalo na nang magsihuni ang mga ibon mula sa kakahuyan. Nadagdagan pa ang mga maiingay na tunog na naririnig niya, iba't ibang tunog at huni, mga kagagawan ng hayop sa kakahuyan, malakas na agos ng sapa, bawat pag-ingit ng mga puno sa tuwing umiihip ng malakas ang hangin, maging ang tila mga tambol na humahampas sa pandinig ni Cyan.

Hindi na siya nakatiis at tinakpan ang dalawang tainga at pumikit ng mariin. Unti-unti namang humina ang mga ingay na naririnig niya, pero kapag papakinggan niya muling mabuti ay malinaw niya uling maririnig ang mga iyon na para bang nasa tabi lang niya. Ilang oras siguro siyang ganoon lamang ang puwesto, hanggang sa natutunan na niyang ituon lang sa ilang ingay ang pandinig niya.

Ang hindi lang nawala at bahagya lang na humina ay ang paulit-ulit na pagtambol. Nakinig siyang mabuti at nilingon ang pinanggagalingan. Napatingin siya sa natutulog na si Lawrence.

Her gaze went to his wide bare chest, narealized na tibok ng puso nito ang naririnig niya kanina pa. Unti-unting nagtungo ang paningin niya pataas sa leeg at lalamunan nito. Cyan's mouth watered, she could feel her eyes shifting to another color. She shook her head and avoided the appetizing sight, or the pull to do the unwanted.

Nagsimula na naman ang kirot sa lalamunan niya. Hindi siya nakatiis at muling tiningnan ang mahimbing na si Lawrence. She clenched her fists and tightly closed her eyes. The continious sound coming from his pulse is luring her to get even more closer.

Dark SideWhere stories live. Discover now