CHAPTER TEN

8.8K 246 5
                                    

ANOTHER SECRET

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

"Why?"

"I'll explain to you later."

"Wait!" Pigil niya sa pag-alis nito at hinawakan ito sa braso.

She could feel his tension as she held his arm. His temperature is also getting warmer. Gabriel glanced at her, his eyes completely black.

"Sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyayari? Bakit hindi ako makakapasok?"

Instead of answering, his head snapped towards the direction of the woods. Bago pa man makapagsalitang muli si Cyan ay biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Ben, Klyde, at Jess, her usual guards, sa loob ng sala. Humahangos ang mga ito at tulad ni Gabriel ay alerto rin. Agad na pinaligiran siya ng mga ito na para bang pinoprotektahan siya sa hindi nakikitang kapahamakan.

Nakatingin pa rin si Gabriel sa labas na para bang may nakikita itong hindi niya nakikita. Maging ang tatlo ay ay doon din nakatingin, na para bang may inaantay ang mga itong lumabas mula sa kakahuyan.

Naguguluhang doon din tumingin si Cyan. Kanina pa nakaalis si Gian, kaya wala siyang ibang mapagtatanungan kung ano ba ang nangyayari. Cyan went to leave the living room and started to walk towards the door, but Gabriel blocked her with his arm.

After a few moments of heavy silence, nakita niyang nag-relax ang apat pero halatang alerto pa rin, hindi lang katulad kanina na para bang handang-handang sumabak sa labanan.

Cyan waited impatiently. Ang hirap ng wala siyang alam, para siyang tangang naghihintay ng kung ano.

She gazes back at the woods. Her eyes narrowing as she begins to some movements from the distance. Tinitigan niya kung ano iyon, until the movements became clear and reveal something huge approaching the mansion. Akala niya noong una ay mga kabayo, dahil sa laki at taas ng uri ng hayop na nakikita niya, hanggang sa mapag-alaman niyang hugis lobo ang anyong nakikita niya, napakalaking lobo.

Her eyes widened. Hindi pa siya nakakakita ng lobo in person. Pero alam niyang hindi ganito kalaki ang isang ordinaryong lobo. She involuntarily took a step back, only to be stopped by the couch. Bumigay ang mga tuhod niya at napaupo sa sofa, hindi siya makapaniwala sa mga nakikita. Sigurado siyang kapag nakalapit sa kaniya kahit ang pinakamaliit na lobo na paparating ay mas mataas pa rin ito sa kaniya, o kaya ay sa kabayo niyang si Gresha.

Ilang sandali pa ay nakikita na niya ng malinaw ang pitong malalaking lobo na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila. They were a few metres away when they jumped two at a time in mid air, and shifted to their human form. She gasped in surprised and covered her eyes with her hands.

She didn't just saw them naked, did she?

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakaganon bago niya narinig ang mga hakbang na papalapit sa kinaroroonan nila, noon lamang niya tinanggal ang mga kamay na pinangtakip niya sa mata.

Hindi niya kilala ang mga bagong dating, maliban nalang kay Lawrence na nakatayo sa gitna ng mga ito. Lahat sila ay tanging mga pantalong maong lamang ang suot at basa ng pawis ang matitipunong katawan. Hindi pa man siya nakakapagsabi ng kahit ano ay inunahan na siya ni Lawrence.

"Go and help Dennis, Gabriel. And bring Ben and the others with you. I'll stay here with your Luna." Utos nito sa mga kina Gabriel.

"Yes, Alpha," pormal at sabay sabay na sagot ng mga ito bago umalis at tumakbo patungo sa kakahuyan na pinanggalingan nila Lawrence.

Ang anim na kasama naman ni Lawrence ay inutusan nitong magbantay sa labas ng mansyon.

"What's going on?" tanong ni Cyan nang mapagsolo na sila ni Lawrence.

Dark SideWhere stories live. Discover now