UNUM

3.7K 142 24
                                    

Noon pa man, tinuruan na ako nina mama na rumespeto sa kababaihan. So even when she passed away five years ago, I still managed to keep in mind that being a gentleman is the core of manhood.

"Castiel, may dumi ba sa mukha ko? Hindi ako sanay na ganyan ang titig mo sa'kin. It's creepy."

Mahina akong natawa sa sinabi ni Sierra. Iniabot ko ang kanyang pisngi at pinisil ito. Agad naman siyang napairap dahil sa ginawa ko at marahang tinabig ang kamay ko bago ako niyakap. I wrapped my arms around her too and inhaled the fragrance of her shampoo. Hinimas ko ang kanyang likod.

"You should be in jail for being so pretty. Kasalanan mo kung bakit ako nainlove sa'yo.."

Nag-angat siya ng tingin. Kitang-kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. Sierra and I have been friends since childhood. We're still managing our relationship, at bukas ang anniversary namin. At wala akong balak na gumawa ng anumang bagay na ikasisira ng pagtitiwala niya sa akin.

Truth be told, ni hindi ko pa siya pinagtangkaan. The mere thought of it creeps me out. I watch porn (sino ba namang lalaki ang hindi?) but I never give in to urges. Pinalaki akong gentleman ng mga magulang ko, at wala akong planong baguhin iyon. Lalo na sa babaeng pinakamamahal ko.

"Alam mo, hindi ba parang ang weird na nandito tayo ngayon sa isang kwarto.. Magkasama.. Walang ginagawang--alam mo na." Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay ni Sierra.

Natapaas ang kilay ko sa sinabi niya. "You want me to rape you or someth----ARAY!"

"Bastard! Grabe ka naman sa 'rape'!"

Natatawa kong hinimas ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang sakit mula sa pagkakabatok niya sa akin. Tsk. This girl can really be something else. "Oo nga pala. You can only call it rape if it's against your will. Psh. Pero sa tingin ko naman, ikaw yung mangre-rape sa'kin. Hahaha!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kahit naman yata maghubad ako sa harapan mo, ni hindi mo iisiping pagsamantalahan ako eh."

"So, you're disappointed?"

"Hindi," huminga nang malalik si Sierra at humilata sa malambot niyang kama. Nakita ko ang patitig niya sa kisame na tila ba malalim ang kanyang iniisip, "not many guys can do that, you know.. Restraining their hormones. Siguro sa populasyon ng mga kalalakihan, kasama ka sa 1% na maginoo at virgin pa."

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ko at tumabi na ako sa kanya. We're inside her bedroom, pero malaki naman ang tiwala kasi sa akin ng mga magulang niya. They knew that I would never do anything to their daughter. Siguro nga, tama si Sierra.

"Yeah. I just can't bare the idea of lust."

Dumako sa akin ang mga mata ni Sierra, "Bakit? Ano bang hinanakit mo sa pagnanasa?" She smirked. Marahan na lang akong napailing, at ako naman ngayon ang napatitig sa kisame.

"Wala lang.. I just couldn't imagine myself turning into those jerks at school."

"Specifically?"

Napasimangot ako kay Sierra. "You know exactly what I mean. Tsk. Yung mga gagong walang ibang alam kundi bayuhin at i-kama ang mga babae. Kahit yata sino, basta may vagina, papatulin ng mga gunggong na 'yun eh. They're all narrow-minded bullshits."

Mayamaya pa, naramdaman ko ang paglapat ng mga labi ni Sierra sa akin. I closed my eyes and deepened our kiss. When we separated, nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.

Hinawakan niya ang gilid ng aking mukha, isang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ang swerte ko talaga sa'yo, Cas.. Promise me you won't give into lust, okay?"

Ginulo ko ang buhok niya at tumawa nang mahina. "Believe me, iyon ang huling bagay na gagawin ko sa buhay ko."

Lust is a piece of shit. Sino ba naman ang matinong lalaki ang magpapadala sa kanyang libog at babastusin ang mga babae? Para sa'kin, napakababa ng tingin ko sa mga ganoong lalaki. "Fuckboys", ika nga. And I don't plan to be one of them.

But as these thoughts twirled into my head, napansin kong may lalaking nakatayo sa labas ng bintana ng kwarto ni Sierra. Matipuno ang katawan nito at kakaiba ang kulay ng mga mata. Pitch black.

At nakatitig siya sa akin.

Kumurap ako at sa isang iglap, naglaho ang lalaki sa bintana.

Nang makauwi ako sa amin, doon ko lang napagtanto ang isang bagay.

Tangina, di ba nasa second floor ang kwarto ni Sierra?!

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now