TRIGINTA SEX

1.2K 62 0
                                    

Lust stared at the crackling fireplace. Isang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Naaayon na ang lahat sa mga plano niya. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Pride, "Lust, tigilan mo na 'to. These games won't end well, I'm warning you." Sa madilim na silid na napupuno ng ancient artifacts at bookshelves, napalitan ng galit na ekspresyon ang mukha ng prinsipe ng pagnanasa. He glared hard at his brother who sat in his favorite chair.

"No, I'm warning YOU.. Huwag kang makialam sa laro ko. It will only be a matter of time until Castiel's life goes down in hell---"

"Hindi pa ba? Kasi sa nakikita ko, ginagawa mo lang ang bagay na ito para magpasikat. This is not a fucking competition, brother." Kalmado ngunit maririnig mo ang pagbabanta sa tono ng pananalita ng nakatatandang kapatid.

Sa pagtataong ito, pagak na natawa si Lust at naglakad-lakad sa silid. Sunud-sunod na nahulog ang mga libro sa kanyang pagdaan. Nararamdaman na niya ngayon ang tensyon at bigat ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Kahit kailan talaga, masyadong nagmamagaling ang lintik niyang kapatid. 'This bastard thinks he's the only one good at human manipulation? I'll fucking show him', isip-isip niya at huminto sa tapat ni Pride.

"Mahilig ka sa mga sorpresa, hindi ba, kapatid? About two months from now, it will all happen...just wait and see!"

"Lust, hindi mo naiintindihan. This job is---"

"Huwag mo akong sermonan kung paano ko dapat gawin ang trabaho ko! Alam ko ang ginagawa ko!"

Trabaho. Ang isang simpleng trabahong ginagawang komplikado ni Lust. Ang isang simpleng trabaho kung saan maraming maaapektuhan sa magiging kahihinatnan.

Pride adjusted his eyeglasses and leaned back in the sofa. Pinanood niya ang muling paglaho ni Lust papunta sa mundo ng mga tao. Napabuntong-hininga na lang ito. 'He's acting immature again', isip-isip niya. Minsan talaga, ang hirap alagaan ng mga kapatid niya. Pride knows what's going to happen. Sa totoo lang, wala naman siyang pakialam sa mortal na iyon, pero sumosobra na si Lust. He thinks he can show off with this kind of manipulation.

"That bastard. Dalawa naman ang ulo niya, pero mas madalas niyang gamitin 'yong nasa ibaba. Tsk."

Pride sighed.

*

Castiel sighed.

Dumarami na ang tambak ng mga liham at packages sa kanyang mailbox, pero wala siyang planong buksan ang mga iyon. He's too busy with other matters. Kailangan pa niyang asikasuhin ang kompanya nila; nagkakaproblema sila sa pagbaba ng demand sa kanilang serbisyo. Kailangan nilang mapataas ang sales, kung hindi siguradong tatanggalan siya ng pamana ng pinakamamahal niyang ama. 'Tsk. Talk about being a control freak', he thought bitterly.

Hindi pa rin siya tumitigil sa panunyo kay Sierra. Magmula nang umuwi sila ni Tim galing probinsya, sinusundan niya pa rin ang dalaga at nagpapadala ng rosas. Castiel will win her back and unless something awful happens, hindi niya ito susukuan.

"Kahit pa ikakasal na siya sa iba.." Napapikit na lang si Castiel. Minsan talaga, sumasagi sa isip niyang kumuha na lang ng assassin para matapos na ang problema niya kay Greg. Iniisip niya pa lang ang bagay na 'yon, gusto na niyang tumakbo sa pinakamalapit na kapilya. "Ayoko nang dagdagan ang mga kasalanan ko.."

Knock! Knock! Knock!

Napamulat ng mata si Castiel. Napatingin siya sa direksyon ng pinto. Sino naman ang kakatok ng tanghaling tapat? Naalala niyang bigla ang pagkatok ni Fiona noong madaling-araw noon. His first victim. 'No, Lust's first victim', he corrected and made his way to the door. Sana naman hindi si Fiona ang kumakatok.

Pinasadahan ni Castiel ang kalat sa sala bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

When he did, Castiel expected someone like a delivery guy or a girl to be standing there. Sa dami ng kagaguhang ginagawa ni Lust kapag sumasanib sa katawan niya, hindi na talaga siya magtataka kung may maghabol na babae.

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now