EPILOGUS

2.2K 88 14
                                    

Thou shall not lust
nor heed the voice of desire;
yet the devil himself crept upon me
with a contract to conspire.

And if thou shall relive the lies
nestled upon your fears
may regret lead me astray
to atone for all your tears.

Alas! Consequences might smolder thee
In pits of blazing embers;
Yet thy sins of lust will leave you untouched
past a love that shall remember.

----"Thou shall not lust", Nox Vociferans

* * *

Nakangising hinarap ni Lust si Pride na kasalukuyang umiinom ng tsaa. Lust leaned against the wall opposite from his brother and spoke, "Mukhang mas magaling na ako sa'yo pagdating sa panlilinlang. I'll spare you the embarrassment kung aaminin mong nahihigitan ko na ang skills mo sa pagma-manipulate ng mga tao."

Lust was sure of it. Matagal na panahon siyang nag-ensayo para higitan ang mga abilidad ng leche niyang kapatid at mukhang nagawa niya ito ng tama kay Castiel. He never wanted to make him suffer, but that's the part of the plan. Nang kausapin siya ni Sierra tungkol sa problema nito sa boyfriend, he saw this as an opportunity to teach both of them a lesson. And what better way to demonstrate the consequences of the contract than to put him in an illusion?

Dahil ang talunin si Pride sa panlilinlang mismo ang hidden agenda ni Lust.

Pride finished his tea and adjusted his eyeglasses. His dark eyes calmly stared at Lust, "Are you done with your nonsense? And if you're expecting me to admit defeat, then I will take a lot more than that, brother."

Napanganga si Lust sa sinabi ni Pride. "Ano?! Psh! Wala ka namang ginawa!"

"Really?"

"Bullshit, Pride! Why won't you just swallow your ego and admit that I'm better than you?!" Naiirita na talaga si Lust.

Pero marahang umiling ang nakatatandang kapatid, "Wala akong dapat aminin."

Lust groaned in annoyance. Minsan talaga gusto na niyang ihampas kay Pride isa-isa ang lahat ng mga libro nila sa library.

*

Castiel woke up the next morning. Napadako ang mga mata niya sa kalendaryo at napabuntong-hininga nang makitang nasa September 2018 ito. Ibinalik na siya ni Lust, at sa wakas, natapos na rin ang bangungot na iyon. 'Baka nga panaginip lang ang lahat ng 'yon.. Isang masamang panaginip.'

Castiel checked his phone. May text message mula kay Tim. 'Bro, samahan mo 'kong mag-babe hunting mamaya!' Mabuti na lang ligtas ang siraulong ito. The real Tim wasn't in the illusion, isang replica lang din ang inilagay ni Lust doon. Castiel sighed and deleted his message.

Mayamaya pa, may tumawag sa kanya mula sa sala ng apartment niya.

"Cas? Gising ka na?"

Sierra.

Ngumiti si Castiel at mabilis na tumakbo papalabas ng silid. Upon seeing his girlfriend standing at the doorway, agad niya itong niyakap at siniil ng halik. Natatawa na lang si Sierra sa ginawa ng binata at aksidente pang nabitawan ang dala-dalang regalo. When their lips parted, Sierra whispered, "Happy Anniversary."

Huminga nang malalim ang lalaki at matamang tinitigan ang dalaga, "Sierra, m-may gusto ka bang pag-usapan?"

Nanlaki ang mga mata ni Sierra sa tanong niya. "H-Ha? A-Ano naman ang pag-uusapan natin?" Pero nakikita ni Castiel ang katotohanan sa likod ng kanyang mga mata. She was never a good liar.

"Sierra, matagal na tayong magkasama. You know how much I respect you, right? Kaya 'wag mo sanang isipin na may ibang dahilan kung bakit hindi tayo masyadong 'intimate'. Hindi iyon ang sukatan ng pagmamahal. You don't need to feel insecure or anything because out of a hundred women, I will always choose you."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, namuo ang luha sa mga mata ni Sierra."H-How did you know?" Castiel pulled her close and let her cry on his chest. Pumuhit ang kanyang mga hikbi sa katahimikan ng paligid. Marahang hinimas ni Castiel ang likod ng kasintahan.

"Cas.."

"Hmm?"

"I had a bad dream last night...and I think I did a mistake a few months ago."

The two of them spent the rest of the day chatting about the events. Tama ang hinala ni Castiel na kinulong rin ni Lust si Sierra sa ilusyong iyon. The two of them were the only real people inside Lust's twisted story. Magkasama nilang hinarap ang consequences ng kanilang mga desisyon. Castiel told her everything, too. Nangumpisal sila sa isa't isa. Forgiveness came and trust strengthened---and it was the  best anniversary gift they could've given each other.

They have both sinned.

"What are we going to do now? Hindi na tayo nakagala.." Paglalambing ni Sierra habang nakahilig ang ulo sa balikat ng kasintahan. Castiel grinned and lightly touched her hand, "We still have a few minutes before the afternoon mass, right?" Linggo nga pala ngayon, at mukhang tamang-tama lang.

Ngumiti si Sierra sa ideya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sopa.

Pero nang nasa sasakyan na sila, Sierra spoke up the thought that kept disturbing her, "Sino kaya yung babaeng pula ang buhok na nagbigay 'nong libro sa'kin? Iyon talaga ang nagpasimula ng lahat." At ni hindi na naaalala ni Sierra kung saan niya itinabi ang libro.

Castiel furrowed his eyebrows, "Hindi ko alam.. Pero hindi na 'yon mahalaga."

And they drove off, hands intertwined.

*

Padabog na umalis si Lust sa private study ni Pride. Mayamaya pa, lumitaw si Envy na kanina lang ay tahimik na nakamasid sa kanila mula sa isang sulok. Pride sipped his tea again before addressing his brother, "You have played your role well, Envy. Buti na lang hindi naghinala ang baliw nating kapatid."

Envy cheekily grinned and placed two objects on Pride's desk: a small black book and a red-haired wig. Sinunod niya lang naman ang inutos sa kanya ni Pride na ibigay sa dalaga ang libro. "Yeah. That bastard thinks he outwitted you in manipulation."

'I am not the master of manipulation, Lust..because I AM manipulation,' Pride mused. Minsa talaga kailangan niyang ipaalala sa kanyang mga kapatid ang bagay na iyon.

Mahinang natawa si Pride at kinuha ang wig at libro, ibinalik niya ang mga ito sa kanyang drawer at tumayo.

"Tara na. Kanina ko pa naririnig ang pagta-tantrums ni Lust sa kusina. Baka nadamay na naman ang kawawang si Gluttony na natutulog sa refrigerator."

Natawa na lang din si Envy at sumunod sa kapatid, "Let's just hope that Wrath doesn't hear them. Baka masunog na naman itong mansyon."

Napabuntong-hininga na lang si Pride, "Sana nga."

-------THE END-------

"I still managed to keep in mind that being a gentleman is the core of manhood."

--Castiel Lavoisier

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now