TRIGINTA QUINQUE

1.2K 56 0
                                    

"--sige na. Tawagan mo na lang ako kapag napadala mo na.."

"Yes, Sir Castiel.. By the way, may horror movie promo sa mall, I was wondering kung gusto mong---?"

"No, Gail. I am not interested to go watch a movie with you. Tsk."

I took in a deep breath and ended the call. Agad rin akong na-distract nang halikan ako sa pisngi ni Tara na kagigising lang pala. Nanigas ako sa ginawa niya ay umusog papalayo sa kanya. Waking up with different women isn't as appealing as some guys fantisize it to be.

"Bakit ka lumalayo, babe? Hoy, papanagutan mo ako ha!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pakiramdam ko nasamid ako sa hangin. Lust laughed beside me, "HAHAHAHA! Ano, kaya pa, Castiel?" Hindi ko na lang siya pinansin at ninenerbyos akong ngumiti sa dalaga. Panagutan? Wala sa kontrata namin ni Lust ang mga bagay na 'yan!

"Err.. About that. Look, ni hindi nga natin alam kung may mabubuo---"

She rolled her eyes, "Nakailan tayo kagabi, tapos ganyan ang sasabihin mo? I just wanted to make sure that my child will have a father when the time comes---"

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya. 'Shit! Lust! Anong isasagot ko dito?! Ikaw ang managot kapag may nabuo ditong baby Lust Jr.!' Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit lang siya ng balikat, "Bakit ako? Katawan mo ang ginamit eh."

'YOU FUCKING USED MY BODY!'

"O, ngayon? Ikaw ang may semen." He smirked.

'ABA! IKAW ANG KUMILOS!'

"Katawan mo pa rin. Bwahaha!"

Naiinis kong sinabunutan ang sarili ko. To say that I'm frustrated is an understatement. Bakit nga ba ngayon ko lang naalala na hindi nga pala gumagamit ng condoms si Lust kada gagamitin niya ang katawan ko para makabiktima? Damn it. Naiipit na ako sa sitwasyon na 'to.

"Castiel, okay ka lang?"

Tipid akong ngumiti kay Tara. What the heck am I going to tell her? Nababagabag na akong isipin ang mga posibleng mangyari.

"A-Ah, oo. I'm fine. Wag na muna nating isipin ang mga bagay-bagay.." Pero kahit ako, hindi sigurado sa sagot ko. I'm pretty sure that it was written in our contract that no one will get pregnant.. Right? Natatawa ako sa naiisip ko. Edi kung sakali nga...tsk. That's ridiculous. Mabuti na lang at naagaw ang atensyon namin nang biglang kumalabog ang pinto. Tara hid under the bedsheets, natatakot na baka magulang niya ang naroon.

Bago ko pa man buksan ang pinto, Tim bursted inside the room with an umbrella in hand. Galit niya itong idinuro sa'kin.

"PATI BA NAMAN PINSAN KO?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang lumakad papalapit sa'kin si Tim. He looks pissed and it's not even my fault! Bumaling ako kay Lust para humingi ng tulong pero abala ito sa panghihipo kay Tara. Bullshit!

"T-Tim, pare.. Hindi ko 'to kasalanan. You should blame Lust for this---"

"Ayun na nga ang problema eh! Ni hindi ko nga matalo sa jak-en-poy ang isang yun!"

Napairap ako, "Kaya ako ang hahabulin mo ng payong?!"

"Oo!"

Malutong akong napamura nang bigla na lang akong sinugod ni Tim ng hawak niyang payong. I stumbled out of bed in my boxers and ran around the room. Mukhang galit talaga siya dahil nadamay ang pinsan niya sa problema namin. Bihira ko lang makitang ganito ang gunggong na ito.

"Tim! Pare! Sandali nga---ARAY! Shit!"

"PARA 'YAN SA PANG-AAKIT SA PINSAN KO, 'TOL!"

"The fuck?! Alam mo namang hindi ko kasalana---ARAY! ARAY! ANO BA?!"

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now