VIGINTI QUATTOUR

1.4K 49 3
                                    

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakakulong sa mansyong ito. Hindi na ako nagpapahinga. Wala na akong ibang ginawa kundi libutin ang mga pasilyo at maghanap ng pwedeng daanan palabas. Even so, I always end up walking around in circles, always ending at the beginning of my journey.

"Ano nang gagawin ko?"

Sa paglalakad ko, nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Walang kagana-gana niyang tinahak ang daan papunta sa kwarto niya. Maybe it won't hurt if I ask him for directions? Mukha naman siyang walang pakialam sa mga nangyayari dito sa mansyon.

"Sloth, sandali!"

Pero bago ko pa man siya mahabol, napagsarahan na ako ng pinto sa mukha. I rolled my eyes at his behavior. Malakas na pagkatok ang ginawa ko, "Sloth! Hoy! Magtatanong lang sana ako---"

The door slightly creaked open, nakasilip siya mula sa loob.

"What?"

Huminga ako nang malalim at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "I just want to ask where the exit is. Gusto ko nang umalis dito."

Silence. Then, "Naka-drugs ka ba, mortal?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. What the fuck? Napasimangot ako. Oo na, desperado na akong makaalis sa impyernong ito.

"Hindi! Look, I need to get out of here. Malamang may HIV na ang katawan ko dahil sa pang-aabuso ng hudas niyong kapatid and my girlfriend's virginity is in danger!" Naiisip ko pa lang ang mga maaaring magawang kamanyakan ni Lust kay Sierra, parang gusto ko nang maging si Wrath. Subukan lang talaga niya. I don't fucking give a damn if he's the prince of hell or whatever shit.

Pero nang akala kong makikisimpatya na si Sloth, the bastard yawned.

"Too troublesome. Ayoko. Bye."

"Sandali---ARAY!"

Tangina! Naipit pa ako sa pinto. Pinilit kong buksan ang pinto nang akmang isasara ulit ito ni Sloth. Napamura na lang ako sa gulat nang may mga aninong umatake sa'kin. The shadows suddenly popped out of his bedroom and slashed at me. "Shit!" Naramdaman ko ang pagdaloy ng sariwang dugo mula sa sugat ko sa braso. These monsters are wild! Ano ba ang mga ito?!

"Ayan tuloy. Inistorbo mo sila." Walang gana sabi ni Sloth at pumito. Instantly, the ferocious creatures crawled back inside his room. Umalimgawngaw ang malakas na pagsara ng pinto sa silid ni Sloth kasabay ng katahimikang bumalot sa pasilyo.

Natuod na lang ako sa kinatatayuan ko, hingal sa mga pangyayari.

Ano ba ang mga halimaw na 'yon?

Nabigla na lang ako nang sumulpot sa gilid ko si Envy, a sly smirk on his face, "He hasn't cleaned his room for centuries. Lumaki na ang mga alaga niya doon. What an advice?" Envy's eyes darted at me, "Wag kang papasok sa kwarto ni Sloth. Dangerous creatures reside within the walls of his personal space."

At naglakad na papalayo si Envy, hands in his pockets. Napabuntong-hininga na lang ako.

*
"Mukhang hindi pa rin susuko si Castiel. That idiot is still finding ways to get out of the mansion," mahinang sabi ni Envy habang nakasandal sa kabilang gilid ng pader. Nasa loob siya ng private study ni Pride. Ang nakatatanda naman nilang kapatid ay walang imik, habang nagbabasa ng libro.

Pride sighed, "Ilang araw na lang naman at babalik na dito si Lust."

Napasimangot si Envy. Kung siya ang nasa kalagayan ni Lust, malamang hindi na siya babalik. Hahayaan na lamang niyang mabulok ang kaluluwa ng mortal na 'to dito sa mansyon nila. Lust finally has a vessel to use. He finally acquired a body that can be an ideal fucking machine. Bakit naman babalik pa ang kapatid nila?

Mukhang nabasa ni Pride ang iniisip ni Envy.

"Kilala ko si Lust. He may not know it, but he keeps his word. Ibabalik niya ang katawan ni Castiel. He's just punishing him for now."

Seriously?

"But demons twist their words. We can't be trusted."

Himigop ng tsaa si Pride at saka sumagot, "Exactly. But somehow, he intends to return Castiel's body. Hindi ko alam kung anong plano ng kapatid natin, pero may hula na ako sa mga susunod na pangyayari.." He smirked and adjusted the eyeglasses on his nose.

Napapailing na lang si Envy. Alam niyang hindi sasabihin ni Pride ang mga naiisip niya. What would he expect? Malihim ang mga kapatid niya. Minsan nga gusto na niyang ihagis ang mga ito sa bintana. They're too damn secretive. Ito ang pinakakinaiinisan niyang ugali ng mga ito.

And what the heck is Lust planning to do?

Envy could only wait until the next events unfold.

*
After his morning shower, pinasadahan ni Lust ng tingin ang hubad na katawan ni Castiel sa salamin. His body is still well-conditioned at nababakas pa rin ang mga pangalan ng mga babaeng nakatalik na niya. Bea's name is visible just below his chest. Napangisi na lamang siya.

"We'll get there."

Matapos niyang magbihis, agad siyang sinalubong ng mga yabag ng paa sa labas. Nang buksan ni Lust ang pinto, binati siya ng kaibigan ni Castiel. Ano nga ulit ang pangalan nito? Tom?

Ah, natatandaan na niya.

"Tim. Anong meron?"

Tim rolled his eyes. "Sabi mo sasamahan mo 'ko ngayong mag-babe hunting! Anong oras na pare!"

Ano? Babe hunting? Natatawa na lang si Lust sa naiisip. Mukhang magkakasundo sila ng ugok na 'to. "Really?"

"Oo! Last month ka pa nangako.. Tara na, dala ko yung kotse ko. Kaso ingat lang, may naiwan pa yatang underwear doon."

Agad namang kumuha ng jacket si Lust at sumunod kay Tim. Nagtaka tuloy siya sa underwear. "Underwear mo?" Grabe naman. Siguro hindi na talaga naglalaba ang isang 'to.

Tim laughed evilly and winked, "'Tol, syempre hindi. Let's just say na 'remembrance' ko ang mga 'yon."

Ah. Napapailing na lang si Lust. Siguro kung hindi siya ang prinsipe ng pagnanasa, malamang naagaw na ng Tim na 'to ang trono. Pero dahil isasama naman siya nito sa pagahahanap ng mabibiktima, sige na nga. Wala nang angal si Lust.

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now