QUINDECIM

1.7K 67 5
                                    

Being inside your own head isn't a comfortable feeling. Naaalala ko ang nabasa kong article sa internet noon tungkol sa tinatawag na "sleep paralysis". Minsan ko na rin 'yong naranasan. You know you're awake but you couldn't move your body. It's like something's restricting you. Pakiramdam mo nasa pagitan ka ng pagiging tulog at pagiging gising. All you could hear is the muffled sound of everything. Pero sa sitwasyon ko ngayon, mas delikado ito kaysa sa sleep paralysis.

"H-Hijo?!"

"Pa! Anong nangyayari?!"

I can hear their voices. May kamalayan ako sa mga nangyayari pero wala akong kontrol sa mga kilos ko. A dark voice taunted me again, "Heto ang napapala ng mga pasaway, Castiel.. You are my fucking puppet! Hindi ka makakawala sa kasunduan natin."

Damn you, Lust.

Nagawa kong makakawala sa mga lubid na nakatali sa mga kamay at mga paa ko. Ni hindi ko man lang naramdaman ang sakit na dulot nito. Nagpatuloy si manong sa pagbabasa ng kung ano habang itinatapat sa'kin ang isang krus. The exorcist's hands shook in fear, at naramdaman ko ang isang ngising kumawala sa mga labi ko.

"You're a fraud.. Hindi ka totoong exorcist at ni wala kang basbas para gawin ito."

"A-Anong sinasabi mo?! Demonyo, lumayas ka sa katawan ng binatang ito!"

Pero isang nakapangingilabot na tawa ang kumawala sa'kin. Sa isang iglap, hawak na ni Lust sa leeg ang lalaki at sinasakal ito. Umangat ang mga paa ni manong sa lupa at nahihirapan na siyang makahinga. Umiiyak na ang anak niya sa isang gilid, takot kumilos at baka siya naman ang balingan ni Lust na kumokontrol sa katawan ko.

"You practice fake exorcism for the money. Sakim kang nilalang at ilang beses ka nang naglabas-masok sa kulungan. Huwag mong subukang magsinungaling dahil nakikita ko sa kaluluwa mo ang lahat," Lust yawned, "you despicable human. Matutuwa ang kapatid kong si Avarice sa ginagawa mo. Do you want me to arrange a meeting for you?"

Bakas ang takot sa mga mata ng lalaki. Sinusubukan nitong tanggalin ang kamay ko sa pagkakasakal sa kanya pero hindi niya ito magawa. Shit!

"This is no fun anymore. Shall we go, Castiel my friend?" Pang-aasar ni Lust sabay balibag ng katawan ng lalaki. Maski ako nagulat sa lakas niya at lumikha ng malakas na tunog ang paghampas ng katawan sa pader. I stared in horror as blood splattered everywhere. Bullshit! This is not good..

Napuno ng paghagulgol ng dalaga ang silid. Lust stared at her and smirked. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humakbang papunta sa dalaga na pilit na gumagapang paatras. Her back hit the wall. She's cornered.

"P-Please! W-Wag mo 'kong sasaktan.. Nakikiusap a-ako sa'yo.."

'Shit! Tangina, Lust! Wag mong gagalawin ang babaeng 'yan!'

"Why?"

Napalunok ako kahit na unti-unti nang lumalapit ang katawan ko sa nanginginig na dalaga. Natatakot akong isipin kung ano ang maaaring gawin ng demonyong ito sa babae. Hindi na talaga maganda 'to.

'Damn it! Stop!'

Isang mahinang pagtawa ang isinagot sa akin ng nilalang na nasa loob ko.

"Fine."

What?

Pero bago ko pa man isipin ang isinagot niya, biglang naglaho ang paligid. My surroundings warped into something darker. Hindi ko na makita ang patay na exorcist maging ang anak niya. Tanging mga rehas at liwanag na nanggagaling sa mga sulo ang bumungad sa'kin.

Pag-angat ko ng ulo, nagulat ako nang makita ang sarili kong katawan. My body is staring back at me, with malice filling my own features.

Lust.

"Welcome to our dungeon, Castiel."

"Bakit ako nandito?!"

Napasimangot siya, "You will stay here for six days, as a punishment for attempting to get rid of me. Gagamitin ko muna ang katawan mo. Don't worry, I won't abuse your body too much.." At tumawa ito.

Napatingin ako sa sarili ko. Shit! Kailan pa ako naging invisible?! Bakit wala akong makita? Ang ibig sabihin lang ito at nakuha na nga ni Lust ang pisikal kong katawan at malamang, kaluluwa ko na lang ang nakakulong dito ngayon. Kung nasaan man ako. Aasahan ko pa bang ibabalik niya ang katawan ko? Damn this demon. He can never be trusted..

"That hurts, you know. You have my word, Castiel. Ibabalik ko ang katawan mo pagkalipas ang anim na araw at anim na gabi.. Sana sa mga sandaling mananatili ka rito, mapagtanto mo ang ginawa mong pagkakamali."

Humakbang na papalayo si Lust tangay ang katawan ko. Lumingon pa siya sa'kin sandali bago nagsalita ulit, "Oh, and have fun dealing with my brothers."

At naglaho na si Lust, leaving me in this dark cell all alone.

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now