OCTO

2.7K 89 5
                                    

"Pare, paki-ulit nga?"

Pagod kong binalingan si Tim na natigil na sa panonood ng Star Wars. Kanina niya pa 'yan inuulit-ulit at sa kauna-unahang pagkakataon magmula nang isalang niya ang pelikulang 'yan, I finally had his whole attention. Napasimangot ako, "Aling parte ng masaklap na kapalaran ko ang kailangan kong ulitin sa'yo?"

"Lahat sana."

Sinamaan ko siya ng tingin. The heck? "Tangina brad, hindi ka naman pala nakikinig kanina eh!" Tim raised his hands up in defense. Nakangiti pa rin siya. "Hoy! Nakikinig kaya ako kanina. Hindi lang talaga ako mahilig sa fairytales."

Binato ko sa kanya yung bote ng Mountain Dew sa gilid. It's a shame that he was fast enough to dodge it. Ano pa nga bang aasahan ko? This bastard's an athlete.

"I am not telling you fairytales! Totoong nakipagkasundo ako sa demonyo!"

Pero natawa lang talaga ang gago. "HAHAHAHA! Sige na nga.. Though I really think you're on drugs, bilang matapat at makisig mong kaibigan, I'll believe you, Cas."

Napailing na lang ako. Nandito ako ngayon sa bahay niya. Kanina ko pa sinusubukang ipaliwanag sa kanya ang mga nangyayari, pero mukhang hindi talaga maniniwala sa'kin si Tim. Hindi ko rin naman siya masisisi. I doubt anyone in their right mind would believe me.

Napabuntong-hininga na lang ako. I leaned back into the sofa and closed my eyes. Ayoko nang alalahanin ang mga nangyari kagabi.

"Cas, seryoso, ayos ka lang ba?"

"Hindi."

I heard Tim sigh, "Mahirap kasi paniwalaan na sinasapian ka gabi-gabi ng kung anumang lamang-lupa.. Ano yun, naka-schedule? Hindi naman ako exorcist para matulungan ka sa bagay na 'yan."

Mas bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Bakit ko nga ba sinabi kay Tim?

Naalala ko na naman ang panibagong tattoo na nakita ko kanina sa dibdib ko. Not surprisingly, "Katherine" was written there. Bago pa man siya nagising, nagawa kong umalis ng motel at dumiresto dito kina Tim. When I checked my phone, I had several missed calls from Sierra. Lumalala na ang sitwasyon ko.

"Tim?"

"Bakit?" He uncapped a new bottle of Mountain Dew.

"Help me hide my affairs from Sierra."

Naibuga niya ang iniinom niya at agad na bumaling sa'kin. Nanlalaki ang mga mata niya, "HA?!"

Napalunok ako. Kailangan kong gawin ang desisyon na 'to. It's the only way. Huminga muna ako nang malalim bago ipinaliwanag sa kanya, "Whether you believe it or not, I've been sleeping with different girls for the past two nights..and there will be more. Ayokong masira ang relasyon ko kay Sierra. I need you to help me hide this."

Napasimangot ang kasama ko. Sa isang dekada kong kakilala si Tim, ngayon ko lang nakita ang pagiging seryoso niya. He's the kind of guy that would accurately define "happy-go-lucky" at nakakalugmok lang talagang isipin na dahil sa sinabi ko, any trace of humor left his face.

"Castiel, hindi na nakakatuwa ang sinasabi mo. Kilala kita.. Y-You wouldn't cheat on Sierra, right?"

Napayuko ako. Sana nga hindi ko ginawa 'yon.

"Tim, you're an expert in this field. Isa kang notorious playboy. Kailangan mo akong tulungan para maitago kay Sierra ang night life ko."

From the corner of my eye, I can see Lust smirking at me. Alam kong tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari sa'kin ngayon. He finds it amusing to destroy my life and I fucking hate it.

Hindi ako inimik ni Tim hanggang sa matapos ang pinapanood niya. I found myself staring blankly at the television screen. Two girls down, 98 to go--at ayoko nang isipin kung anong mga klaseng sitwasyon ang mangyayari. If only I have the guts to commit suicide, malamang kanina ko pa ito ginawa.

"Commit suicide and I shall torture your soul for all eternity."

I glared at the demon who leaned against the opposite wall. Ano pa bang pinagkaiba 'non? Isa na akong makasalanan. Lust one of the seven cardinal sins.. An instant ticket to hell.

Tinapik ako sa balikat ni Tim.

Isang makahulugang ngiti sa kanyang labi. Masama ang kutob ko dito.

"Castiel, pare.. Naiintindihan ko na ang drama mo!"

"Oh?"

"Oo! After so many years of being a pathetic gentleman, ngayon-ngayon mo lang naisipang talikuran ang pagiging maginoo at sumapi sa'ming mga nagloloko! You're a rebel. Makes perfect sense why you want to cheat on Sierra! Idol mo ako!"

Kuminang ang mga mata ni Tim.

Halos masapo ko na ang noo ko sa inis. Hindi ako makapaniwala sa isang 'to! Does he really think I intend to follow his footsteps? Kung hindi ako nagkakamali, hindi na namin mabilang kung ilang babae na ang napaiyak nitong si Tim. Kulang pa yata ang daliri namin sa kamay at paa para bilangin. Don't ask.

"Sige na lang."

Natawa na naman si Tim at sa pagkakataong ito, pati si Lust nakikitawa na. These spawn of Satan! Baka naman magkamag-anak itong dalawang ito?!

"Pero ang hindi ko mawari.. Kung gusto mo talagang maging playboy na tulad ko, bakit hindi mo na lang hiwalayan si Sierra?"

Napalunok ako. The words then came automatically out of my mouth, "No. That's not gonna happen."

Nagkibit ng balikat si Tim, "Bahala ka." Pati si Lust nakatitig na sa'kin ngayon. Tumalim ang tingin ko sa kanilang dalawa. By now they should understand that breaking up with my girlfriend is not an option.

Hindi ko gagawin 'yon.

*

"Tension and stress can trigger a man's arousal system and aid performance. Kapag tensyonado o pressured ang isang lalaki, mas malaki ang posibilidad nitong galingan."

Kung hindi lang ako naglalakad papunta sa eskwelahan nila Sierra, malamang kanina ko pa tinakpan ang mga tainga ko. Still, Lust's voice drifted and rang in my fucking head.

"However, women need to relax and open up to enjoy sex. Ang masyadong stress at pag-aalala para sa kanila ay maaaring magdulot ng kawalan ng interes para tugunan ang pakikipagtalik."

"Tsk. Hindi ka ba talaga titigil sa mga discussion mo? Are you some kind of sex instructor?" Inis kong sabi sa kanya nang malapit na kami sa gates. Mabuti na lang wala nang masyadong tao. I still find it damn difficult to talk to Lust in public. Ngumiti ang demonyo, "I'm Lust. Sex is my expertise. Alam ko namang kakailangin mo balang araw ang mga sinsabi ko."

Balang araw. Tsk. Kung hindi ako papatayin ng girlfriend ko balang araw kapag nakita niya ang tattoo ng pangalan ng ibang mga babae sa katawan ko, sigurado akong hindi ko na maaabot ang "balang araw" na 'yan. Besides, he's the one who's using my fucking body! It's his problem to know these stuff, not mine. Wala akong planong dagdagan pa ang mga kasalanan ko.

Nasa campus na ako nang bigla na namang magsalita si Lust.

"Tim is right. You should just leave your girlfriend."

"Fuck you."

Hindi ko na siya pinansin pa nang makita ko na ang babaeng pakay ko. Sierra's sitting on a bench with her legs crossed, reading a book. She really loves to read everything, and that's a major turn on for me----tangina, Castiel. Magsitigil ka nga! Tsk.

Nang makita niya ako, agad na nagliwanag ang ekspresyon niya.

"Castiel, anong ginagawa mo dito?"

"I just wanted to see you."

I handed her the flowers and offered an apologetic smile, "Pasensya na pala.. Nakatulog ako agad kagabi. I haven't even noticed your missed calls until this morning."

Ngumiti si Sierra, "Really? Ayos lang. I was a little worried about you.." At pinagmasdan niya ang mga bulaklak na dala ko.

Shit.

"Chrysanthemums."

Wrong choice of flowers. Sa gilid ko, naririnig ko na ang paghalakhak ni Lust.. Because these flowers symbolizes fidelity, faithfulness.

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now