QUADRAGINTA QUATTOUR

1.1K 52 4
                                    

"Castiel?"

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. I groaned and slowly opened my eyes. Nakita ko agad ang mala-anghel na mukha ni Sierra, nakatitig sa akin at bakas ang pag-aalala. Tipid akong ngumiti. Sana ganito na lang lagi.

"Hello, beautiful."

Sumimangot ang dalaga, "Hinimatay ka."

Agad akong naupo, ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Nasapo ko na lang ang noo ko habang pilit na inaalala ang mga pangyayari. Hinimatay ako? Leche. Nakakahiya ah. Wait, then everything must be some dream? Baka naman panaginip lang ang lahat ng nangyari?

Pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan na ako ng isang boses...

"Dad, kailan mo na huling nilinis 'tong apartment mo? Mukha nang kulungan ng baboy dito."

"I couldn't agree with Andrew more! At masyadong maliit! Paano kami magkakasyang lahat dito? You better have 99 rooms ready!"

Napalingon ako sa mga nagsalita at pakiramdam ko nawalan na ako ng dugo sa katawan. One boy was flipping through some magazines, while the other lazily watched television. Panandalian silang sumulyap sa'kin. Shit! It wasn't a dream?!

"Castiel, kanina ka pa hinihintay na magising ng mga anak mo..."

Nakita kong umiwas ng tingin sa'kin si Sierra nang sabihin niya iyon. Napansin ko ring parang nabasag ang boses niya sa huling mga salita. It doesn't take a genius to figure out that she's hurting...again. Dahil na naman sa'kin. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. Tangina, paano ba kasi ako nagkaroon ng sandamakmak na mga anak?!

Bumaling ako sa mga binatang nasa sala. Only now have I noticed that there are about twenty of them crowded up in my apartment. Kung hindi ka ba naman maiistress sa tanawing ito, hindi ko na alam!

The one named Andrew stood up, hinagis niya sa kapatid ang magazine na binabasa. Siya rin ang kumausap sa'kin kanina at kumatok sa pinto. He had my brown eyes, but there's something awfully familiar with his smile. May hinala na ako kung sino ang ina nitong batang ito!

"Ikaw ang panganay, hindi ba?"

Andrew smiled, "Opo."

Tsk. Naalala kong bigla ang unang gabi ng pagtataksil ko kay Sierra. His fucking mother returned my charger at midnight! Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang magbabalik ng charger ng hating-gabi?! Napahilamos na lang ako sa mukha. Pilit kong pinapakalma ang natataranta kong utak. This all seems absurd! Imposible!

Pero syempre, sa vocabulary ni Lust, walang imposible. Even the wildest things can become your worst reality.

"Dad! Bakit ba nandito pa 'yong sulat sa'yo ni mama pati yung ultrasound? Oo nga pala, naifile na raw niya ang monthly reports sa opisina." Nakangising sabi ng isang binatang may magulong buhok.

I stared at all the boys (bullshit! Bakit puro lalaki ang mga anak ko?!) and noticed their resemblances to their mothers. One had Katherine's hair color and nose; ang isa naman, nakuha ang nunal sa mukha doon kay Janine;  'yong isa naman, singkit, parang si Tara, at napamulagat na lang ako nang makakita ako ng mestiso (KAILAN PA AKO NAKADALI NG FOREIGNER?!). Napapikit na lang ako.

"This is a fucking nightmare..."

Why didn't I use a damn condom in the first place?! Sana nalaman ko agad na ang unprotected sex ay maaaring makapagdulot ng hindi inaasahang "consequences"! Sa sitwasyon ko ngayon, imbes na isang biyaya, isang sumpa ang magkaroon ng 99 na mga anak!

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong makaisip ng paraan para malusutan ang sitwasyong ito. I need to find Lust! Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Andrew kanina. Napalingon ako sa kanilang lahat, nang magsalita ako, lahat sila nakinig and it damn as hell creepy!

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now