DUODETRIGINTA

1.3K 53 0
                                    

"WHAT HAVE YOU DONE TO HER?!"

Nakita kong bumuka ang bibig ni Lust para sumagot, pero agad rin naman niya itong sinara. He sighed and avoided eye contact. Para bang may ayaw siyang sabihin sa'kin and it fucking angers me more. Wala na akong nagawa kundi takbuhin muli ang magulong kalsada. Hindi ko na ininda ang pananakit ng mga paa ko. I need to find my girlfriend. This demon did something to her!

"Sierra?!"

Sinubukan kong puntahan ang mga lugar na madalas naming tinatambayan. Even that old coffee shop down the street was empty. Kabado akong makipagsiksikan sa mga taong hinahabol ang rush hour. I felt my hands shake nervously as I checked the shop windows in search for her.

Wala.

Nang mapadpad ako sa parke, agad ko siyang hinanap sa swing set na paborito niya noon. Pero ang tanging sumalubong lang sa'kin doon ay ang malakas na ihip ng hangin at ang unang patak ng ulan.

"Sierra?!"

I called her name again, while hopelessly running through the streets. Hindi ko na halos maaninag ang liwanag na nagmumula sa mga streetlamps dahil sa ulan. Papalakas nang papalakas. Naramdaman ko ang lamig na nanunuot sa kalamnan ko. By the time I decided to leave the city, my clothes were already drenched.

'Shit! Nasaan naman kaya siya?'

Susubukan ko sana siyang tawagan nang maalala ko na namang nasira nga pala ni Lust ang cellphone ko. Tangina, ninenerbyos na talaga akong isipin kung anong nangyayari sa kanya. What the fuck did that devil do to my girlfriend?!

Lalo pang lumakas ang ulan.

"Stop searching for people who don't want to be found."

Sinamaan ko siya ng tingin. May gana pa talaga siyang sabihin sa'kin ang bagay na 'yan?!

"THIS IS YOUR FAULT! Anong ginawa mo sa kanya?!" Asik ko kay Lust na nakasandal sa isang kalapit na poste. Wala na akong pakialam kung nagmumukha na akong mental sa mata ng mga taong nagmamadali para makasilong.

Napabuntong-hininga na naman siya.

"Try crossing the streets."

At bigla na namang naglaho ang gago bago pa man ako makapagsalita. Naiinis kong binalingan ang kalsada. Halos wala na akong makita at maramdaman dahil sa tindi ng ulan. I cursed under my breath and ran across the pedestrian's lane.

Hindi ko napansin na naka-kulay berde pa rin ang traffic lights. The pedestrian lights dangerously flashing crimson.

BEEEEEEEEEEP!

Nabulabog ako nang may biglang bumusina sa gilid ko. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang mahagip ng mata ko ang paparating na sasakyan. I froze on the spot, hindi ako makagalaw. My senses no longer responding to reaction time. Shit! Napapikit na lang ako. Dito na ba magtatapos ang buhay ko?

But just when I anticipated the impact, narinig kong bumulong sa aking gilid si Lust, "You're safe, you idiot."

Nang silipin ko ang nangyari, natulala na lang ako nang makita kong iilang pulgada na lang ang layo ng kotse sa akin. May ilang tao nang napahinto sa paglalakad at nakikitingin. The driver of the sleek black car rolled down his window and yelled, "ARE YOU TRYING TO GET YOURSELF KILLED?! BULLSHIT!"

Just my luck. Sabagay, matagal nga namang mamatay ang masamang damo. Gagamitin pa ni Lust ang katawan ko. Malamang hindi ko pa nga oras.

"HOY! BAKA NAMAN MODUS MO 'TO?!"

Pero hindi ko na halos maunawaan ang sinasabi niya. Mabilis na akong tumawid papunta sa kabilang bahagi ng kalsada at nawala sa kumpulan ng mga tao. Dripping wet, I searched the alleys and bars. "Sierra?" Pero sa bawat minutong lumilipas, para na akong nawawalan ng pag-asa. Hindi ko pa rin siya makita. Napatingala na lang ako sa langit.

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now