SEDECIM

1.8K 58 5
                                    

Hindi ko na namamalayan kung ilang oras na ang lumilipas. My head hung low, my hands stopped trembling a few moments ago. Tanging ang mahinang pintig ng puso ko ang pumupuno sa tahimik na selda. Nasanay na ang mga mata ko sa dilim. Ano na naman ba ang aasahan ko sa lugar na 'to? Hindi na ako magtataka kung nasa impyerno na ako. Malamang hindi na ibabalik ni Lust ang katawan ko. That bastard.

"Subukan lang niyang galawin si Sierra.."

I'd fucking murder him.

Napatingin ulit ako sa sarili ko. Ako lang ba o parang nagkakaroon na ulit ako ng pisikal na katawan? I can now feel my arms and legs. Ano na naman bang kababalaghan ang nangyayari dito?

Huminga ako nang malalim pero nang ipipikit ko na sana ang mga mata ko, napansin kong nakaawang ang pintuan ng selda. Nanlaki ang mga mata ko. Sigurado akong nakasara 'yon kanina! Baka naman namamalikmata lang ako? Damn it! Nababaliw na talaga ako.

Pero habang tinititigan ko itong maigi, hindi ako maaaring magkamali. "Shit.. Nakabukas nga." Nagpalinga-linga ako. Wala naman akong napansing pumasok o lumabas. Nakaramdam ako ng pag-asa. This is my chance to escape! Dali-dali kong tiningnan ang mga kadena sa kamay ko. Pinilit kong kapain ang bulsa ko at agad ko rin namang nakuha ang isang ballpen.

I've read in a crime novel that even the simplest ballpoint pen can be used to open locks and handcuffs.

Tumulo ang pawis mula sa noo ko. Pigil-hininga kong sinubukang kalasin ang mga kadena, picking at their locks. Hindi ko alintana ang pagbaon ng bakal sa balat ko. Makalipas ng ilang sandali, may narinig akong mahinang "click". Mabilis kong kinalas ang mga kadena at pinakawalan ang mga kamay ko. I did the same to the chain that bounded my right foot.

Noon ko lang napansin ang mga kalansay sa isang gilid pati na rin ang mga matang nakatitig sa akin mula sa dilim. Natigilan ako.

"S-Sino ka?"

Bahagya akong napaatras nang lumapit ang nilalang. When the light coming from the torch illuminated the pair of eyes, nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong isa rin itong tao. Isang matandang buto't balat na at mahaba ang balbas. Nakakadena rin siya at matalim ang tingin sa'kin.

"Hindi ka makakatakas sa mga demonyong 'yon.. Paglalaruan ka lang nila."

Napalunok ako. This is not the time to be a fucking coward Castiel! "Nagkakamali kayo.. Makakatakas rin tayo dito. Tutulungan ko rin po kayo---"

"HAHAHAHAHAHA!"

Umalingawngaw sa tahimik na kulungan ang kanyang pagtawa. Tumindig ang balahibo ko sa braso. This old man laughed without humor and spoke without reason. Nang natigil ang kanyang paghalakhak, galit siyang bumaling sa'kin at nanduro, "Sa tingin mo talaga malalamangan mo sila?! Sila ang pitong prinsipe galing sa impyerno! Nandito tayo bilang parusa dahil sa paglapastangan natin sa kanila! Ngayon, ang gusto kong malaman, hijo.." humina ang boses niya, "..ano ang ginawa mo para mapunta ka rito?"

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong sagutin ang bagay na 'yan.

Nang tuluyan ko nang makalas ang kadenang nasa paa ko, nanghihina akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng matanda.

"Tanggalin na po natin ang kadena niyo.. Kailangan na nating makaalis dito."

Walang buhay ang mga mata niya. In a split second, he grabbed a knife out of nowhere and started running after me. Nagawa kong ilagan ang pag-atake niya, kamuntikan nang madaplisan ang mukha ko. Galit na galit akong sinugod ng matanda kahit pa nanginginig na ang kanyang mga tuhod.

"WALANG TATAKAS! HINDI KA MAKAKATAKAS NANG BUHAY! HAHAHAHA!"

Wala na akong nagawa kundi tumakbo papalayo. Mabilis kong tinahak ang pasilyo nang makalabas ako ng selda. I grabbed a torch and ran through the maze of dark corridors. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Tangina! Tuluyan nang nawala sa katinuan ang matandang 'yon. Hindi na ako magtataka kung magiging pareho ang kapalaran namin kung hindi ako gagawa ng paraang makatakas sa lugar na 'to.

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now