QUADRAGINTA DUO

1K 52 0
                                    

"Who else? His beloved ex-girlfriend will complete the list."

Hanggang ngayon, naririnig pa rin ni Tim ang boses ni Lust sa utak niya. Those same words kept playing inside his head over and over again. Hindi niya alam kung paano na lulusutan ni Castiel ang problemang ito para matapos ang kontrata. Castiel needs to have sex with his ex-girlfriend.

"At si Sierra lang naman ang naging girlfriend niya."

Napapailing na lang si Tim sa naiisip at lumagok muli sa baso ng gin. 'Well played, Lust.' How can Lust expect Castiel to screw Sierra? Hindi magagawa ni Castiel ang bagay na iyon kahit gaano pa kagago ang kinalabasan niya sa pakikipagkasundo kay Lust. Tim knows for a fact that Castiel can't touch Sierra, hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil sa katotohanang masyado niya itong mahal.

'That bastard wouldn't even dare..'

Kailangan niyang balaan si Castiel sa posibleng mangyari mamayang gabi. Nanganganib na ang virginity ni Sierra.

"Minsan talaga, hindi ko maisip kung ba't pa ako nadamay sa magulong kwentong ito. Psh." Huminga na lang nang malalim si Tim at napatitig ulit sa orasan. Mag-uumaga na pala. Bakit ba parang ang tagal bumalik ni Castiel?

*

"Bakit hindi mo sinabi?!"

Sinamaan ako ng tingin ni Madi, pero kita ko sa mga mata niyang malapit na rin siyang umiyak. Naiinis akong tumayo at nagbihis. Sierra just saw me sleep with her bestfriend, damn it! At bakit naman hindi ko napansin agad na si Madi pala ang nakalantari ko?! Damn this.

"How should I know?! Hindi ko naman kailangang maglagay pa ng name tag na nagsasabing kaibigan ko ang ex mo!"

"I called Sierra's name while we kissed! Hindi mo ba napansin o nagbingi-bingihan ka lang?!"

"Tangina, Castiel! Pareho tayong lasing! Stop being such a jerk!"

Halos mapasabunot na lang ako sa sarili. This situation is too frustrating. Huminga ako nang malalim, "Madi, I've already hurt her so many times. Sa ngayon, sigurado akong kahit magmakaawa ako sa kanya, she'll never forgive me." Mahina ang boses ko sa huling pangungusap. The weight of the situation is finally grasping onto me. Unintentionally, pinalala ko pa ang sitwasyon namin.

Napapailing na lang ako, "Madi.. What we did is a mistake. I-I'm sorry."

"You still love her. Ano pa nga ba ang makakagawa ko? L-Lahat naman tayo nagkakamali..."

Hindi ko na siya nilingon pa at naglakad na ako papalabas ng silid. Bago ko pa man pihitin ang seradura, binasag ng mahinang boses ni Madi ang katahimikan, "May mga pulis na nag-aabang sa ibaba. Mas maganda kung sa likod ka na lang dumaan."

Kumunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko? My eyes darted at her, "What's the fucking police doing here?! At paano mo nalaman?" Naghihinala na talaga ako sa babaeng ito. Shit. Kung mahuhuli ako ng mga pulis dito, paniguradong kakaladkarin nila ako pabalik ng Eastwood. Masaklap talagang mapagkamalang kriminal.

Nag-iwas ng tingin si Madi at hinapit lalo ang bedsheets sa katawan niya, "Basta. Mahabang kwento.. Sa ngayon, kailangan mo nang umalis."

Wala na akong inaksayang oras at mabilis na akong tumakbo papalayo. Hindi ko na alintana ang mga nabubunggo kong staff ng hotel at dali-dali akong nagtungo sa emergency exit sa likuran. Nang magawa kong makalabas, umalingawngaw sa dilim ng madaling-araw ang mga sirena ng mga pulis sa tapat. Several police vehicles are waiting at the entrance and I even saw some officers went inside. Napalunok ako sa kaba.

Mukhang tama ang tip na binigay ni Madi.

Nagtawag ako ng taxi at pinadiretso sa apartment namin ni Tim. Makalipas ang ilang sandali, parang hindi ako mapakali kay manong driver. Tahimik lang naman siya buong biyahe, but I get this nagging feeling that I know him. Nang mapatingin ako sa rearview mirror, napasinghap ako.

✔Thou Shall Not LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon