TRIGINTA QUATTOUR

1.2K 64 0
                                    

"Cas, alam mo bang may nabasa ako noon sa magazine.. Tapos nalaman ko na ang pinagkaiba ng identical sa fraternal twins!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Kanina pa natapos ang mga lessons ni Lust at nakarating na kami dito sa Quezon province, pero mukhang may energy pa rin si Tim. Nahiga ako sa kama at sinilip ang orasan. 4:00 p.m. Tim sat beside me and wiggled his eyebrows.

Alam kong hindi na naman ako tatantanan ng isang ito.

"O, sige nga. Anong pinagkaiba nila maliban sa spelling?"

Tim cleared his throat and started his explanation, "Alam naman natin na kapag identical twins, magkamukha at magkapareho ang gender di ba? It's because they came from the same egg cell! Same gender lagi. Tinatawag din silang 'monozygotic twins' dahil nanggaling lang sila sa iisang zygote na nahati sa dalawang embryo habang nagdedevelop ito!" Kuminang ang mga mata ni Tim. Napangisi naman ako, "Then? How about fraternal twins?"

"Kapag fraternal twins naman, pwedeng magkapareho o magkaiba ang gender, nanggaling sila sa magkahiwalay na egg cell. Kumbaga dalawang magkaibang egg cells, nafertilize ng dalawang magkaibang sperm cells. Dizygotic twins naman ang tawag sa kanila. Sabay lang silang lumaki sa sinapupunan. Kaya poof! Fraternal twins."

Nagkunwari na lang akong nakikinig kahit na alam ko naman na ang mga bagay na iyan. Ang totoo niyan, mas madalas ang fraternal twins kaysa sa identical twins. Of all twin births in the world, two-thirds ay fraternal and only one-third are identical. Sa kaso ng fraternal twins, tanging ang babae lang ang may kinalaman dito dahil sila ang nagre-release ng egg cell. Nasa kanila na yun kung dalawa ang mare-release na egg cell na maaaring mafertilize. Unlike identical twins, na nanggaling lang sa iisang egg cell na nahati lang sa dalawa.

Napa-poker face ako sa kanya. Pagod ako sa biyahe at minsan talaga nakakasawang kausap itong si Tim. Subukan niyo. Hay. "Masaya ka na? Ano bang kinalaman niyan sa pagiging macho dancer mo mamaya?"

Nagkibit siya ng balikat, "Wala! Share ko lang. Well, I gotta go! Kailangan ko pang ihanda yung sayaw ko mamaya. Bwahaha! Paniguradong maglalaway na naman sa'kin ang mga chikababes!"

At dali-dali na siyang tumakbo papalabas ng silid. Napapikit na lang ako. Tahimik lang si Lust mula kanina. Ano na naman kaya ang pinaplano ng isang 'to? Bago pa man ako makapagtanong, biglang may kumatok. Nang silipin ko ang trespasser, isang matamis na ngiti ang agad na binungad sa'kin ni Tara, ang pinsan ni Tim.

"Ilalagay ko lang 'tong mga tuwalya sa banyo." She timidly said and went towards the bathroom. Hindi ko maiwasang mapatingin sa legs niya. She's wearing short shorts, and her hair's in a messy braid. Nginitian akong muli ng dalaga at lumabas na ng silid.

"She'll be our next victim."

Nagulat na lang ako nang magsalita sa gilid ko si Lust. He's still staring at the spot where Tara left. Napasimangot ako sa kanya. "Pati ba naman ang pinsan ng kaibigan ko? Tsk. Hari ka na nga talaga ng kamanyakan."

Tumawa lang ito, "That's what I need your body for, Castiel my friend. "

Tsk. This bastard is hopeless.

*
Maingay ang paligid. Napupuno ng mga babae ang bar, at hindi ako kumportable dito. Si Lust, kanina pa kumakalabit sa'kin at tinuturo ang ilang kababaihang nakatingin na pala sa direksyon namin (well, not like they can actually see Lust). The demon chuckled, "This is erotic heaven, Castiel! Why don't you loosen up?"

"Nagbibiro ka ba? Tsk!"

Napalunok ako nang kumaway at kumindat sa'kin ang ibang babae. I feel like a fucking lamb trapped in the lion's den. Bakit ba kasi dito nila naisipang isagawa ang bachelorette party?! This is madness! Napatingin ako kay Tim na kausap ang organizer ng gulong ito. Agad ko silang nilapitan.

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now