DUODEQUADRAGINTA

1K 49 1
                                    

"Hello, pogi. Gusto mo ng kasama?"

Tim eyed the attractive female clinging on his arm. Napadako ang mga mata nito sa hinaharap ng dalaga at ngumisi. 'What the heck, Tim? This is not the time for babe-hunting!' Suway niya sa sarili niya at bahagyang umubo, "Erm. Sorry, miss.. Wag muna ngayon."

"Psh. Bakit, may syota ka na?"

"Um.. Parang? O-Oo, meron na." That is one big lie! Naiisip pa lang ni Timothy na matali sa iisang babae, para na siyang naluluha. Pero wala na talaga siyang maisip na paraan para palayuin ang tukso na 'to!

"Hmph! Bahala ka diyan."

Umirap naman ang babae at naghanap na ng ibang kukulitin. Tim sadly stared at her figure walking away. Curvy hips, makinis na legs, malalaking hinaharap... Nakaramdam siya ng panghihinayang at inis. Abstinence was never in his dictionary, pero dahil sa obligasyon niya sa isang gago, kailangan niya itong gawin.

'Tsk. Ayun na eh! Makaka-score na sana ako..damn it.'

Galit niyang sinuyod ang magulong pub. Nang makita niya ang taong kanina niya pa hinahanap, agad siyang nakipagsiksikan sa mga nagsumasayaw sa dancefloor at hinila sa kwelyo ang lalaking nakikipagpalitan ng mukha sa isang babae.

Tim growled in anger, "TANGINA, CAS! KANINA PA KITA HINAHANAP!"

Walang emosyong kinalas ni Castiel ang kamay niya at inayos ang nagusot na damit, "Hindi kita nanay para bantayan mo ako bente-kwatro oras. Why make a big fuss over it?"

Napatingin si Tim sa mga boteng nagkalat sa lamesa at pati na rin sa mga babaeng nakapalibot kay Castiel. Marahan siyang napailing, "Pare, sana naman nagpaalam ka muna sa'kin bago ka magpunta dito. 'Tol, bigla ka na lang nawala ng tatlong araw! Alam mo namang---"

"Wanted ako? Isa akong mamamatay-tao at pinaghahanap na ako ng mga pesteng pulis na 'yon? Tsk. Tell me something I don't know, Timothy." At uminom muli ang binata ng beer. Napaawang ang bibig ni Tim sa narinig. Pinasadahan niyang muli ng tingin ang kaibigang kilala niya noon.

It's been over two months and Castiel looked like a wreck. Magmula noong tinakasan nila ang batas at nagtago sila dito sa Makati (dahil paniguradong mako-corner din sila kung bahay ni Tim ang magiging hide out), hindi na niya halos makausap ng matino ang lalaki. Castiel looked wasted and hopeless---ni hindi na nga siya nagrereklamo kapag ginagamit ni Lust ang katawan niya! At ngayon naman, mukhang suki na ito ng mga bar at beerhouse. Dinaig pa si Tim.

'Tinalo na nga ako sa macho dancing, tinalo pa ako sa paglalasing ng gagong 'to..' Mapait na isip ni Tim.

Hinala niya, may nangyari sa kanila ni Sierra noon. Castiel told him that he went to her, pero wala na siyang ibinigay na iba pang detalye. Mukhang hindi maganda ang kinakalabasan ng pagkikita nila at nauwi sa ganito ang lahat. Alam niyang masakit para kay Cas ang layuan muna si Sierra, 'but what the fudge really happened?!' Iritado siyang napabuntong-hininga.

He glared at Castiel again.

"Tigilan mo na nga 'yan, pre."

Napahinto sa pagbukas ng mga pakete si Castiel. Nakahanda pa man din ang foil at iba pang mga kagamitan sa mesa. Tim could even see some injections, at nahuhulaan na niya kung ano ang laman ng mga iyon. Pagak na natawa si Castiel, "Dito din mauuwi ang lahat, di ba? I'll be the bad guy, and no one will fucking care with what I do and what I don't."

Naikuyom ni Tim ang mga kamao niya. Nagpatuloy lang sa pagsasalita si Castiel, "Ano? Duwag kang tumikim ng ibang bisyo? Why don't you loosen up, Tim? Baka may patunguhan pa ang buhay m---"

Hindi na natapos pa ni Castiel Lavoisier ang sasabihin nang natumba. He stumbled upon the table and the bottles broke into shards. Pumailanlang sa maingay na lugar ang tunog. Napatigil maski ang iba pang mga nagsasayaw. Marahang nag-angat ng ulo si Castiel at nanghihinang umupo. He tasted the blood on his lips and wiped it with the back of his hand.

Hindi pa rin nawawala ang nakakaasar na ngisi sa kanyang labi. Pinigilan na ni Tim na suntukin ulit ang kaibigan---ngayon, ni hindi na niya alam kung kaibigan pa ba ang turing niya sa baliw na 'to.

"You fucking broken-hearted asshole! Kung nakikita mo sana ang sarili mo ngayon, malamang hindi mo na rin makikilala ang gagong nasa harap ko. I'm trying to help you, Cas, but it looks like you can't even help yourself."

Wala pa ring emosyon ang mukha ni Castiel, pero sa sandaling iyon, nakita ni Tim ang sakit sa likod ng kanyang mga mata. This man is tormented inside out, at wala na siyang magawa para dito. Castiel's lips turned into a smirk, "I don't need any help. Pwede ka nang umalis."

Napailing na lang si Tim. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa sofa malapit sa kinaroroonan nila. Lust gave him a smirk, "You heard him. Go. Malapit na rin kaming mamili ng biktima."

Naiinis na rin si Tim sa demonyong ito. Wala na itong ibang ginawa kundi sulsulan ang katarantaduhan ni Castiel! "Ilang babae na lang ba?" Mahinang tanong niya rito. Ngayon niya lang kasi napapansin na halos itim na ang buong katawan ni Castiel dahil sa dami ng tattoo. Tim wonders how long this torture is going to last.

Humikab si Lust at may lumitaw na maliit na planner sa kanyang kamay. Maingat niya itong binuklat at ngumiti, "Tonight will be the 92nd victim."

Napangiwi si Tim sa naiisip. Ninety-two na pala kung isasama ang magiging biktima nila ngayon. 'Ano naman kaya ang mangyayari kapag natapos na 'to?' Napabuntong-hininga si Tim at umalis na ng lugar bago pa man siya hatakin ng mga bouncer.

Tim will be left to witness the mystery that will unfold.

*

Sa loob ng kanyang kwarto, nakahiga si Sierra sa kama. Kanina pa siya nakatitig sa kisame habang nakalapat ang cellphone sa kanyang tainga. Hindi na niya pinansin ang maingay na bakcground music sa linya ng kausap.

"It's been two months, masyado mo nang minahal 'yang jowa mo kaya hindi ka pa rin maka-move on?" Boses ni Madi. Kanina pa sila nagkukwentuhan hanggang sa tinanong kanina ni Madi kung ayos na ba siya. When Sierra didn't reply, the other girl sighed.

"Mads, h-hindi madali. How can you expect me to move on from him? Halos kasama ko na siya buong buhay ko.." Marahas na pinunasan ni Sierra ang mga luhang namuo sa kanyang mata. She doesn't need this. She shouldn't be weak. Not this time.

Mahinang tumawa si Madi sa sinabi niya, "Hahaha! Sino ba kasi ang boylet mong 'yan? Baka naman mamaya hindi naman pala pogi kung pagluksaan mo."

Napangiti na lang din si Sierra. She never told Madi what her ex-boyfriend name is. Wala siyang sinabi tungkol kay Castiel bukod sa problema niya rito at na pinilit siya nitong hiwalayan siya dalawang buwan na ang nakakalipas. Madi doesn't need to know. Iyan ang paulit-ulit na rason ni Sierra at mas lalong hindi niya sasabihin ang tungkol sa pagiging wanted nito. Baka isipin ng kaibigan na nababaliw na siya at isang "kriminal" pa ang ex niya.

Nababasa niya noon ang mga article sa dyaryo. May pinatay raw na exorcist si Castiel, pero imbes na maniwala sa mga nakasulat dito, pinunit ni Sierra ang dyaryo at hinagis sa basurahan. She doesn't believe them. No matter how heartless he seems, hindi magagawa ng Castiel niya ang bagay na iyon.

"Bakit, kung hindi ba gwapo ang ex ko, wala na akong karapatang umiyak para sa kanya?"

"Aba naman! Tanga ka ba? Syempre, kung magda-drama ka na rin lang at magpapaka-martir, doon sa may hitsura para may thrill! Tsk.. Pero kung pangit naman pala 'yang iniiyakan mo, naku girl, magpatingin ka na sa optical."

Hindi na napigilan ni Sierra ang pagtawa. Minsan talaga, nagiging "happy pill" niya ang babaeng ito. They have opposite personalities, and she doesn't even know how they became friends.

"Salamat, Mads."

"Whatever."

"Kailan ba balik mo?"

Sa pagkakaalam ni Sierra, umalis ito ng Eastwood noong isang araw. Wala itong sinabi kung saan ito pupunta.

"Hindi ko alam eh. Babalik ako kapag natapos na ang...inaasikaso ko."

Sierra nodded. Hindi na niya inalam pa kung ano iyon.

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now