QUINQUE

2.7K 99 11
                                    

"Shit, shit, shit, shit..shit!"

Paano nga ba ulit nangyari ang lahat ng 'to? Baka naman parusa 'to sa'kin ng impyerno dahil nagbabanal-banalan na naman ako? Hay. Bakit ba ang hirap maging gentleman sa panahon na 'to?

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama. I don't bother checking the time. Basta umaga na, at nahanap ko na lang yung boxers ko na nakasabit sa lampshade. And of course to make my life even more miserable, natagpuan ko na lang si Fiona na duguan sa kama ko. Yup, I just took away her virginity at nagsisisi na ako---

"Nagsisisi ka pa ng lagay na 'yan? Pagkatapos niyong mag-twelve rounds of boxing kagabi? HAHAHAHAHA!"

I can almost see a mental picture of Lust rolling on the floor, laughing. Hinimas ko ang sentido ko. He's invading my thoughts again, at hindi na talaga ako magtataka kung nasa loob ko pa rin siya.

Sa totoo lang, ikaw ang may gawa 'non! You took her virginity away at ako ang naiipit sa lecheng kontratang 'to!

Bukod pa diyan.. Napatingin ako sa tattoo na nasa braso ko. Napangiwi ako nang una ko itong makita kaninang umaga. Sinubukan kong tanggalin, pero ayaw talaga. Parang itim na tintang awtomatikong gumuhit sa balat ko.

Fiona.

Oo, ang tattoo na nakadisenyo sa balat ko ang walang iba kundi ang pangalan ni Fiona.. Ang alam ko lang nakipag-sex lang ako sa kanya kagabi at hindi ako nagpunta ng kung saang tattoo shop!

"Oops."

ANONG OOPS?!

Bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Lust. He's sitting casually on my study table, isang pilyong ngiti sa kanyang demonyong mukha.

"I forgot to tell you, sa kada babaeng masisipingan mo, uukit ang pangalan nila sa katawan mo. A tattoo of their names. Parang listahan kung nakakailan na tayo."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Y-You must be kidding me?!"

Pero lumawak lang ang kanyang ngitim. Shit! I've been tricked! Paano na lang kung makita na lang ni Sierra ang mga tattoo?! Anong idadahilan ko sa kanya? Patay na talaga ako. "Akala ko ba hindi 'to malalaman ni Sierra?!" I glared at him and wished that he would just burn to ashes.

Umiling si Lust, "Hindi niya ito malalaman.. kung hindi mo ito ipapaalam sa kanya. Kaya kung ako sa'yo, galingan mo ang pagtago." Kumindat pa talaga ang hudas.

Naiyuko ko na lang ang ulo ko. I'm screwed. Sana kasi hindi na lang ako pumayag sa kontrata. Edi sana tahimik lang ang buhay ko ngayon.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Mayamaya pa, may mga brasong pumulupot sa likod ko. Naningas ako nang maramdaman ko rin ang paglapat ng dibdib niya sa balat ko. Bullshit. Ano bang klaseng parusa 'to?!

"I'm glad you're my first, Castiel.."

Huminga ako nang malalim at kinalas ang kanyang mga kamay. Hinarap ko si Fiona na hindi na nag-abala pang takpan ang hubad niyang katawan sa'kin. Sabagay, nakita ko na rin naman 'yan ("And we did something more!"---Fuck you, Lust!) pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. I grabbed the bedsheets and covered her body. Pinalaki akong maginoo at hindi tamang makipag-usap ako sa isang babae kung may...distraction...akong makikita. I need to talk to her face, not to her boobs.

Napasimangot naman si Fiona sa ginawa ko.

"May oras ka pa talagang maging gentleman? Di na uso 'yan."

"Shut up and get out of my apartment."

Napanganga siya. "Wow! At sino bang humatak sa'kin papunta dito?"

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "At sino bang magdodoorbell na lang bigla ng alas-dos ng madaling-araw?!"

Hindi na umimik pa si Fiona. Nang akmang tatayo na sana ako para bigyan siya ng privacy para makapagbihis, agad kong narinig ang isang pamilyar na boses sa labas.

"Cas? Gising ka na ba? Papasok na ako ah!"

Nanlaki ang mga mata ko. Si Sierra! Patay na talaga!

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now