VIGINTI SEPTEM

1.4K 51 0
                                    

Isa na namang nakakapagod na gabi. Maagang pinauwi si Madi dahil kahapon pa talaga siya nilalagnat. Of course, she'd force herself to work, hindi naman napupulot ang pera. Pero ang manager na mismo niya ang sumaway sa kanya at pinilit siyang umuwi kahit pa may tatlong oras pa sana siya sa trabaho.

Matutuwa na sana siya sa concern ng manager niya, kung hindi niya lang alam na ayaw lang nitong mareklamo kung sakaling may customer na magsumbong na may sakit ang empleyado niya. 'Pakitang-tao.. Tsk.' She pulled out a cigarette and rounded a corner. Alas onse na ng gabi pero maingay pa rin ang lansangan. That's Eastwood, alright.

Mauwi coughed and went towards an empty parking lot. Akmang sisindihan na sana niya ang sigarilyo nang may marinig siyang ingay.

Napalingon siya sa gilid at nakita ang isang babaeng umiiyak sa tabi.

Madi frowned, "Great. May nauna na pala sa pwesto ko. Damn.. Bakit ba ang malas ko talaga sa buhay?" Mahina niyang bulong. Mukha namang walang pakialam ang babae. Madi rolled her eyes and tried to ignore the sobs, pero naiirita na talaga siya. She puffed out smoke and walked towards the girl.

"Hoy, miss, anong oras na. I don't want to sound depressing, but there are bad guys who'll probably rape you out here."

Take note, nagsasabi ng totoo si Madi. Last month pa talaga niya nababalitaan na may mga grupo ng mga kalalakihang nanggagahasa sa parteng ito ng lungsod. Those horny bastards would do anything to have sex. Walang respeto sa kababaihan. 'Tangina, sana lamunin na sila ng lupa'.

Aalis na sana si Madi nang biglang magsalita ang dalaga, "What's the difference from the monster I ran away from?" Nang mag-angat siya ng tingin, napakunot ang noo ni Madi. Teka, parang nakita na niya ang babaeng 'to.

The light bulb finally clicked. "Ah! Ikaw yung lokang bumangga sa'kin noon.. Anyare 'te? Nagbreak na kayo ng boyfriend mo?"

The other woman glared at her through tears. "Shut up. Wala kang alam sa buhay ko."

Napabuntong-hininga na lang si Madi at humithit muli sa hawak na sigarilyo bago ito tinapon sa lupa. She stepped on it and sat next to the bitch who is still glaring daggers at her.

"Well, you're not the only one with problems, brat. Mas mabigat ang problema ko kaysa sa'yo, pero hindi naman ako nagmumukmok nang ganyan."

It's true. Pasakit na nga para kay Madi ang kumayod para sa pangkain niya sa araw-araw, nadagdagan pa ito ng pag-aalaga sa kaibigang hanggang ngayon ay hindi niya makausap nang maayos dahil sa trauma. Sofia is speaking to her, minimally. Pero kapag naaalala niya ang nangyaring pagpatay sa tatay niya, humahagulgol ito ng iyak. Pati tuloy si Madi, nahahawaan ng negative vibes.

Kung kilala niya lang sana ang demonyong pumatay sa tatay ni Sofia, malamang pinagtataga na ni Madi iyon. Which reminds her, kailangan na nga pala niyang pumunta ng presinto bukas. Baka naman may lead na sila kung sino ang suspect.

The girl sitting on her side sighed. Napansin ni Madi na parang punit ang suot nitong blouse at may mga pasa pa siya sa braso. Abusive boyfriend? Probably.

"That man disgusts me.. Crap, I think I even hate him now."

Madi smirked. Marami na siyang napagdaanang ganyan. Boys are fairly as complicated as women.

"Let me guess, boyfriend problems? Too aggressive?"

Walang emosyong tumango at umiwas ng tingin ang kasama. That confirms it. Madi doesn't need to be a freakin psychologist to know the answer. Pero syempre, minsan na rin niya iyong pinangarap. Hay. Kung natuloy lang sana siya ng pag-aaral.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. The two females are both lost in their own thoughts.

Nagulat na lang si Madi nang biglang inilahad ng babae ang kanyang kamay, "I'm Sierra. Sorry, I should've introduced myself earlier."

Natawa na lang si Madi. Seriously? Tsk. Kinuha niya ang kamay nito at ngumisi, "No problem. I'm Madi."

*

I opened my eyes and scanned my surroundings. Napangiti na lang ako nang mapagtanto kong akin na ulit ang katawan ko. Buti naman. I flexed my fingers and stared at the mirror in front of me. Sumilip ang isang panibagong tattoo sa braso ko. I frowned and took off my shirt.

Damn. Ilan na ba? Shit.. Mahihirapan akong itago kay Sierra ang mga 'to. And speaking of which, I need to see her.

"Wag mo nang hanapin ang cellphone mo."

Lust suddenly popped out of nowhere, nakaupo siya sa study table ko. Tumalim ang tingin ko sa kanya. What the fuck? "Don't tell me you lost my damn cellphone?!"

Ngumisi siya. "Nope. Sabihin na lang nating nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng cellphone mo."

"Nagka-LQ kayo?"

"Yeah. Something like that."

Tsk. Wala na talaga. Magmula nang dumating si Lust sa buhay ko, lahat napahamak na---pati yung cellphone ko! Psh. Ano pa nga bang aasahan ko? Malamang hindi marunong gumamit 'non ang isang kampon ng kasamaan. I shouldn't even assume that there's WiFi down in hell.

Napahilamos na lang ako ng mukha at nagpalit ng damit. Alas-onse na ng gabi pero siguro naman gising pa siya. Pupunta na lang ako sa bahay nila.

Habang nag-aayos ako at sinisiguradong hindi ako mukhang gusgusin para sa girlfriend ko, napansin kong tahimik lang na nakatingin sa'kin si Lust. That's weird. Usually this bastard would annoy the hell out of me. Ano kaya ang problema ng hudas na 'to?

"You haven't harrassed my girlfriend while I was away, have you?" Sinamaan ko siya ng tingin, seryoso na ang tono ng boses ko. Tangina, malaman ko lang talaga may ginawang kalokohan si Lust, baka sunugin ko siya nang buhay.

Lust grinned innocently. "Me? Wala akong ginawang harrassment sa girlfriend mo.. Chill ka lang."

Pero hindi ako kumbinsido. Bigla naman akong kinabahan. I need to check if Sierra is alright.

"Siguraduhin mo lang, Lust."

At hindi na siya sumagot pa. I ran out of my apartment and into the busy streets of Eastwood.

Kamuntikan na akong masagasaan dahil sa pagmamadali ko. Mabuti na lang at walking distance lang ang bahay nina Sierra. I pushed past people and stumbled several times. Masama na ang kutob ko, at hindi ko alam kung bakit. Nang marating ko ang bahay nila, bumungad sa'kin ang ama ni Sierra. The expression on his face confused me.

"Tito, anong problema? Si Sierra po?" Hingal kong tanong habang sinisilip ang loob ng bahay nila.

"Hindi pa siya umuuwi mula kanina.. Hindi mo ba kasama?"

Natuod ako sa kinatatayuan ko. "H-Hindi po.." Wala si Sierra? Damn it! What on earth is happening here?! Nag-aalalang lumapit sa'kin si tita, may hawak siyang cellphone at natataranta siya, "Hindi ko siya makontak! C-Cas, sigurado ka bang hindi mo siya nakita? Anong oras na.."

"Have you tried calling her friends, tita?"

Umiling lamang ang nanay ni Sierra. Bakas ang pag-aalala at takot sa mata nila. Hindi ugali ni Sierra ang hindi nagpapaalam sa'min.. Where could she be?

Napalunok ako.

"Hahanapin ko po siya."

At mabilis na akong kumaripas ng takbo paalis. Pero nang balingan kong muli si Lust, napansin ko ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata ko. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa galit. Kaya ba niya ibinalik ang katawan ko ngayon?!

"WHAT HAVE YOU DONE TO HER?!"

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now