TRIGINTA TRES

1.2K 52 0
                                    

I sighed. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Now, I'm hallucinating that Sierra is at the bar. Inagaw ko ang boteng lalagukin na sana ni Tim. Tinungga ko ito at napangiwi sa init na dala ng alak. What the heck is this? Tim glared at me.

"You owe me another one!"

"Whatever."

I turned to Lust who had a smirk on his face. Mukhang may pinaplano na naman siyang hindi maganda. Napabuntong-hininga na lang ako. "What are you up to this time?" Pero inosente lang siyang umiling, "Grabe ka naman. Do I look like a freakin' troublemaker?"

Napa-poker face na lang ako sa prinsipe, "Oo." Natawa na lang si Tim sa mukha ni Lust na parang na-offend sa sinabi ko. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa screen ng cellphone nang magmessage si Gail. Tsk. Bakit ba hindi ako tinatantanan ng babaeng ito?

Sumilip si Tim at sumipol, "Nice. Mukhang yung karisma mo, epektibo pati sa sexy-tary mo! Hahaha! Have you..?"

"Shut up."

Nanlaki ang mga mata ni Tim at pumalakpak pa sa'kin, slow clap. "Pare! Ang galing mo talaga! Pati sekretarya mo, naika---" agad kong tinakpan ang bibig ni Tim at sinamaan siya ng tingin. Baka mamaya palayasin pa kami dahil sa laswa ng bunganga niya. Damn this.

"It wasn't me! Si Lust ang may kasalanan. Tsk."

Tumango-tango na lang si Tim at saka ngumisi. May itinuro siyang direksyon, "Well, it looks like Lust found another victim." Walang gana kong sinundan ang mga mata niya. True enough, I saw the Prince of Temptation walking towards the woman who was drinking alone. Lumuwa ang mga mata ko nang matitigan kong maigi ang babae.

Shit! Si Sierra nga! Ano na namang planong gawin ni Lust sa kanya?!

Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo ako sa kinaroroonan nila. Tumabi si Lust kay Sierra at hinimas ang mga braso ng dalaga. Nakita kong tumayo ang mga balahibo ni Sierra sa ginawa niya. She doesn't know that the demon was standing right beside her. Isang malokong ngiti ang ibinigay sa'kin ni Lust.

"Stop!"

Napalingon sa direksyon ko ang babae. Kumunot ang noo niya nang makita ako. "C-Castiel.." Hingal akong tumayo sa harapan niya at palihim na sinamaan ng tingin si Lust na hinihimas naman ang hita niya. Shit, shit, shit!

Sierra look uncomfortable, pero hindi niya pa rin inaalis ang atensyon sa'kin.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Tumabi ako sa kanya, "I should be asking you the same. Bakit ka nandito sa bar? Hindi mo ba kasama ang fiancé mo?" Oo na, alam kong medyo may pait sa pagkakasabi ko ng huli, pero wala na akong magagawa.

"She's not yours anymore, Castiel.."

Damn you, Lust!

Nag-iwas ng tingin si Sierra at tumayo, "Kailangan ko nang umalis." Akmang lalayo na siya sa'kin nang hawakan ko ang kamay niya. Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Lust sa likod ko, pero pilit ko 'yong hindi pinansin. He seems hellbent on ruining my relationship with Sierra. Ano ba ang mapapala niya rito? Tsk.

"Wait, I'll drive you home---"

"Susunduin ako ni Greg."

Pilit kong tinago ang inis ko sa sinabi niya. It's fucking hard to restrain jealousy and keep it locked up in a cage. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ng dalaga. Mataman ko siyang tinitigan.

"Sierra, just give me another chance. Please.."

Sumimangot siya, "Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa'yo, Cas.. At hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang totoo, mahihirapan akong patawarin ka."

✔Thou Shall Not LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon