VIGINTI DUO

1.5K 63 9
                                    

Ilang pasilyo pa at hagdan ang dinaanan namin bago kami nakarating sa engrandeng dining hall. The large mahogany double doors opened and the spacious room greeted us. May candle lights pang nakalutang sa paligid at mga dekorasyong kalansay at gargoyle sa pader. Hindi ko alam kung isa na naman ba ito sa Gothic theme ng mansyon o sadyang naghahanda lang sila para sa Holloween.

Naglakad sila patungo sa unahan ng mahabang mesang napupuno ng masasarap na pagkain; a platter of roasted turkey, pork chops, Italian pasta, and the enormous bowl of fruits among them. Masyadong marami. Kaya ba nilang ubusin 'to?

Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Napansin kong nakasara ang mga bintanang stained-glass at walang ibang daanan. Well, shit.

"Gluttony,"

Napatingin ako sa lalaking binati ni Pride. His features are prominent. Para bang modelo ng isang magazine brand. Abala siya sa pagkain, pero ang labis kong ipinagtaka sa hitsura niya ay---"Bakit hindi ka mataba?"

Napalingon silang lahat sa'kin. The twins bursted out laughing. Tangina, ano bang problema ng dalawang 'to? The guy called Gluttony barey raised his eyes and answered, "Naimbento ang gym. Hindi mo ba alam 'yon, mortal?"

Mas lalo akong napasimangot, hindi ko na lang pinansin ang nakakairita niyang paglamon. Naggy-gym ang mga demonyo? Nababaliw na talaga ang mundo. Napabuntong-hininga na lang si Pride at naupo sa tabi ni Gluttony (na hinila papalayo ang lechon mula sa harapan ng kapatid) at iminuwestra ang mga katabing upuan, "Let's just eat what we can."

"But Castiel has a point, brother. Bakit ba hindi mataba si Gluttony, samantalang halos dito na sya natutulog sa dining hall?" At natawa si Greed habang pinupuno ang plato niya ng buttered shrimps. Envy followed and sat on his opposite side, "Talaga? Akala ko sa refrigerator natutulog si Gluttony. HAHAHAHA!"

Gluttony stopped eating and glared at them, "Tigilan niyo ako at baka iprito ko kayong dalawa sa mantika."

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Wala akong balak kumain. Baka mamaya lasunin lang ako ng mga hudas na 'to. Napadungaw ako sa pinto nang may maramdaman akong presensiya. Sino na naman ba ang manggugulo sa buhay ko? Mayamaya pa, may pumasok na dalawang lalaki.

Yung isa, kinakaladkad 'yong isang parang tulog.

Mukhang alam ko na kung sino ang mga ito. Envy stood up and helped the guy who looked like he could massacre everyone in Eastwood. Bumaling siya kay Pride, galit na galit, "We should just kill that good for nothing brother of ours! Wala na siyang ibang alam kundi matulog at katamaran ang mga bagay-bagay!" Nanlilisik ang kanyang mga maya nang naupo sa tapat ni Pride.

"Wrath, magtaka ka kung hindi tamad si Sloth. That's his specialty. He's a sin for a reason."

Wrath grunted under his breath. Kinuha niya ang isang tinidor at pinagsasaksak ang peking duck na nakahain sa kanyang harapan. Walang imik na inilayo ni Gluttony ang kinakain niya.

I watched as Sloth sat slumped on a chair. Walang kagana-gana niyang nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. Mukhang kahit abutin ang kutsara, kinatatamaran pa ng isang 'to.

Pinagmasdan ko silang anim. Kailanman, hindi ko aakalaing makikilala ko ang mga demonyong ito. No, not like this.

Pride.

Wrath.

Greed.

Envy.

Gluttony.

Sloth.

Lust.

Sila ang Seven Deadly Sins o ang Capital Vices. Ngayon, naaalala ko na. Isa silang klasipikasyon sa Kristiyanismo ng mga kasalanan o gawaing naaabuso ng mga tao.

Noon pa man, kinikilala na ng tao ang mga pagkakasalang ito. In Aristotle's "Nicomachean Ethics", he listed seven "virtues" or human positivities. Inilahad niya rin dito na sa bawat virtue, mayroon itong dalawang negatibong gawain, bilang kabaligtaran. For example, "courage" or bravery has two negativities associated with it. Excessive courage makes a person "rash" or "impulsive" while the lack of courage makes him a "coward". Masama ang sobra, masama rin ang kakulangan ng virtues na 'to. Aristotle pointed out that we should find the middle. The "golden mean".

Ang modernong pagkilala natin sa seven deadly sins ay kalakip ng konsepto nito ng mongheng si Evagrius Ponticus, na naglista ng "eight evil thoughts" na kailangang lagpasan ng tao. He listed these in Greek:

1. Gastrimargia (gluttony)
2. Porneia (prostitution or fornication)
3. Philargyria (avarice)
4. Hyperēphania (pride)
5. Lypē (sadness) sa ibang konteksto, ito'y sinasabing "sadness at another's good fortune" o envy.
6. Orgē (wrath)
7. Kenodoxia (boasting)
8. Akēdia (acedia) tinawag ding "dejection" o depression.

Nai-translate ang mga ito sa Western Christianity sa tulong ng mga akda ni John Cassian. Magmula noon, kinilala na ang mga ito bilang:

1. Gula (gluttony)
2. Luxuria/fornicatio (lust, fornication)
3. Avaritia (avarice, greed)
4. Superbia (pride, hubris)
5. Tristitia (sorrow/despair)
6. Ira (wrath)
7. Vanagloria (vainglory)
8. Acedia (sloth)

Noong AD 590, inayos itong muli ni Pope Gregory I, pinagsama ang "tristitia" sa "acedia", at "vanagloria" sa "superbia". Idinagdag niya rito ang "invidia" o envy. Ito na ang kinikilala nating "Seven Deadly Sins".

Napailing na lang ako. Kahit na paano pa iayos ang listahang ito, minsan hindi pa rin natin alam na nagkakasala na tayo. Sins can be as deadly as they are silent. Isang magandang halimbawa nito ang "fornication" na kasama sa "lust". Ang fornication ay ang pagsiping ng dalawang indibidwal na hindi kasal. Oo, ang mga mag "live-in partners" kung tawagin natin sa panahon ngayon ay may nagagawa na palang kasalanan. It's a sin to have sexual intercourse if there is no marriage, and no matter how modern our world turns into, it will remain a deadly sin.

Well, bullshit. Dahil habang inaalala ko ang ginagawang pagsapi sa'kin ni Lust gabi-gabi, alam kong nagkakasala na ako ---and there is no redemption, no escape for my actions.

---


✔Thou Shall Not LustWo Geschichten leben. Entdecke jetzt