QUADRAGINTA UNUM

1K 57 0
                                    

Nakakatuwang isipin na ang mga komplikadong bagay ay maaaring maibuhol sa iisang pangyayari. Ninety-nine nights since Castiel made that contract with Lust, and his life became a rollercoaster of lies and distrust. Sa pagkakataong hindi, pagpatianod na lang si Castiel sa babaeng kahalikan. Hindi niya alam kung nasaan na sila, pero wala na rin siyang pakialam.

"She's the 99th woman." Pang-aasar ni Lust. Naririnig niya ang boses nito, pero parang may iba. Hindi niya mawari kung ano.

'If I could just forget the hell I've been through,' isip-isip ni Castiel. Maingat niyang isinantabi sa utak ang problema niya kay Sierra, pero nang buksan niya ang mga mata niya, napakunot na lang ng noo si Castiel. His eyes never leaving the 99th woman.

"S-Sierra?"

Paano? Bakit?

Suddenly, the woman he still loves is right in front of him. Hindi siya maaaring magkamali. Sierra's pretty lips curved into a smile as she kissed him again. Sa pagkakataong ito, hindi na iisipin pa ni Castiel ang mga posibleng mangyari. 'Nandito siya..' Gutom niyang hinalikan ang mga labi ni Sierra, his hands lovingly caressing the side of her face.

Tuluyan nang tinakasan ng rason ang binata.

Sa kabilang banda naman, hindi na makapag-isip nang maayos si Madi. Hindi niya alam kung dahil sa alak o dahil sa mga halik ni Castiel. She can vaguely remember him calling her by another woman's name but she couldn't care less. Hindi na niya inintindi ito. 'Tsk. Ano ngayon kung hindi ko narinig ang tinawag niya sa'kin? It doesn't matter', isip-isip niya. Basta ngayong gabi, handa niyang ibigay ang sarili sa lalaking ilang buwan niyang kinasuklaman---ang lalaking siya ring nakapagpabago ng isip niya.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ni Castiel, agad niya itong hinila pahiga sa kama.

They were both drunk; they were both hungry.

*

Sa wakas. Matapos ang ilang araw ng pakikipagdebate kay Tim at panunuyo sa sarili na puntahan na ang dapat puntahan. Nasa Makati na si Sierra, and nothing's going to stop her from finding that bastard ex-boyfriend of hers, unles...

"Um. Sierra, wala siya dito."

Napanganga siya nang makausap si Tim. She just grabbed a taxi and went straight to their apartment, tapos ngayon sasabihin ni Tim na wala si Castiel doon? This is bullsh*t. Nagkamot ng ulo si Tim, "Hindi ko nga alam kung nasaan siya."

Tumalim ang titig ni Sierra, she smells something fishy here, "Tim, gabi-gabi bang nawawala si Castiel?" Naaalala niya yung inamin ni Castiel sa kanya.. 'Gabi-gabi niya akong niloloko noon. Posible kayang hindi pa rin nagbabago ang gago na 'yon ngayon?' Ayaw na sana niyang isipin ang bagay na ito, pero hindi niya maiwasan.

Kahit na wala naman na talaga sila ni Castiel.

Napaubo si Tim sa tanong ni Sierra, parang namutla bigla ang binata, "A-Ah.. Oo?"

"Anong ginagawa ni Castiel gabi-gabi?" Pang-uusisa ni Sierra. Nakakaramdam na naman siya ng galit. Damn him! 'Is he still making out with other girls?!'

Nag-iwas ng tingin si Tim. Hindi ito nagustuhan ni Sierra.

"TIMOTHY CHRISTOPHE ALONZO!"

Napatakip ng tainga si Tim.

"Aish! Do you really have to yell my full name?! Kadiri!" Napabuntong-hininga ang lalaki at matamang tiningnan si Sierra, "Mas mabuti nang si Castiel na ang magpaliwanag sa'yo. Malapit na rin namang matapos ang mga problema niya.."

"What the heck are you talking about?"

"Sierra, my friend is suffering more than you think he is."

Iyon lang ang sinabi ni Tim at pumasok na sa loob ng apartment. Naiwang nag-iisa si Sierra sa masikip na hallway, ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada ang tanging pumupuno sa tahimik na paligid. Napagdesisyunan na lang ng dalagang bumalik sa hotel.

"Ano nang gagawin ko ngayon? Saan ko naman siya hahanapin?"

Gabing-gabi na at hindi pa siya naghahapunan. Wala na naman siyang gana. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa sitwasyong ito. Lutang na tinahak ni Sierra ang daan patungo sa silid niya. She scanned the empty corridors and noticed a door left ajar. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong tumulak sa kanya para lapitan ang kwartong iyon.

'No. Bakit ko naman gagawin iyon?'

"You know you want to."

Nanigas si Sierra nang marinig ang pamilyar na boses. Matagal na niyang hindi naririnig iyon. Napalunok siya at dumako ulit ang atensyon sa nakaawang na pinto. Dahan-dahan at maingat niyang sinilip ang loob ng kwartong iyon. The dim light coming from the room only gave her a glimpse of what's happening.. Pero sapat na iyon para mapahinto siya.

Sierra's heart raced.

Kilala niya ang dalawang taong nasa loob. Nang mahimasmasan siya, walang pagdadalawang-isip niyang binuksan ang pinto at marahas na isinara ito. Sierra's anger flared when she met the woman's eyes. Para bang nakakita ito ng multo nang pasadahan ng tingin ang babaeng nakatayo sa tapat ng kama.

"S-Sierra? Anong ginagawa mo dito---"

"I want to ask you the same thing, Madi," masamang tingin ang ipinukol niya dito. She spat her bestfriend's name like a disgusting word, the pain of betrayal now surfacing, "AT NAGAWA MO PA TALAGANG LUMANDI KAY CASTIEL?! WHAT THE FUCK?!"

Sa pagkakataong ito, humikab at naupo sa kama si Castiel, pagod at mukhang inaantok pa.. Pero nang makita niyang halos bumuga na ng apoy si Sierra sa kanila, napabalikwas siya sa gulat.

"S-Sierra?! P-Pero kanina lang..." Castiel's eyes darted to the naked woman beside him. Namutla siya nang makitang si Madi pala ang kasama.

Well, shit.

Umagos ang luha sa mga mata ni Sierra. Kaya pala wala ang lalaking ito sa apartment nila ni Tim. Ngayong tinititigan niya ulit ang katawan ni Castiel, she can see a small tattoo on his neck.

Madi.

"Sierra, I-I can explain..."

Pagak na natawa si Sierra, "No need. Nakipagbreak na ako sa'yo noon, hindi ba? By the way, congratulations! You've just slept with my bestfriend." Puno ng sarkasmo ang pananalita niya at padabog na umalis.

Naiwang nakatulala sina Castiel at Madi. The woman closed her eyes, nauunawaan na ni Madi ang sitwasyon, "Damn it."

*

Nakatitig lang sa orasan si Tim. Ala-una na ng madaling-araw. Sanay naman na siyang mag-isa kapag ganitong oras, pero sa pagkakataong ito, hindi maganda ang kutob niya sa mga nangyayari.

Bigla ulit lumitaw si Lust mula sa kawalan at binuksan ang telebisyon. Sumimangot si Tim dito. Hindi niya alam, pero kanina pa nandito sa apartment nila ang demonyo. Umalis lang ito sandali kanina at ngayon, heto na naman siya. Tim eyed Lust's smirking face.

Doon niya lang napagtanto kung ano ang kakaiba sa sitwasyon.

"T-Teka, kung kasama kita dito buong magdamag...i-ibig sabihin, hindi mo sinaniban si Castiel?!"

Shit! Akala ba niya nasa kontrata iyon?! Castiel acted on his own? Nakadali ba siya ng babae?

Lust grinned wider and nodded, "Nope. I didn't need to take over his body earlier.. For the first time since our contract, ang self-proclaimed gentleman na mismo ang gumawa ng kasalanan nang mag-isa."

Tim's blood ran cold, lalo na nang humahalhak nang tawa si Lust. Nababaliw na talaga ang isang 'to. Tim sighed, "Matatapos na bukas ang kontrata niyo.. May I know who's the 100th female he needs to fuck?"

Kuminang sa saya ang mga mata ni Lust at sumagot. Ang sagot na iyon ang tuluyan nang nakapagpakaba kay Timothy.

"Who else? His beloved ex-girlfriend will complete the list."

---

✔Thou Shall Not LustDonde viven las historias. Descúbrelo ahora