QUATTOURDECIM

1.9K 63 8
                                    

Lust sat calmly inside the library of their mansion. Nakasandal siya sa sopang malapit sa malaking bintana na pinapalamutian ng magagarbong kurtinang gawa sa satin. Walang gana niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa muli niya itong maimulat sa ingay na narinig. His eyes turned into slits as he frowned upon the source.

"What the heck are you doing here, Envy?"

Nakasandal sa isang gilid ng bookshelves ang prinsipe, arms crossed over his chest. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi niya habang binabalewala ang nabasag na plurera.

"I heard from Pride that you're playing with a mortal, again. Makes me want to steal him from you, brother."

Ibinato ni Lust ang magazine na hawak niya na agad namang nasalo ng kanyang kapatid. Envy laughed upon seeing the cover. "Seriously? Ilang ulit mo na bang binabasa ang issue na 'to ng Playboy, hindi ka pa rin nagsasawa?"

Lust rolled his eyes, "Pwede bang maghanap ka na ng ibang iistorbohin?"

"Like who?"

"Leche. Pwede mo namang guluhin si Sloth! Wala nang ginawa ang batugan na 'yon kundi magkulong sa kwarto niya at matulog."

Pero imbes na sumunod, mas malalong natawa si Envy. Ibinato niya sa malapit na fireplace ang magazine at umiling sa kapatid niya, "Nah. Even I don't want anything to do with him. Sayang nga lang at nakaligtas pa siya matapos namin siyang ibitin ng patiwarik last week. Malala na talaga ang isang 'yon."

What can they expect? He's Sloth. At maging si Lust ay wala nang magawa para impluwensiyahang kumilos ang kumag na 'yon. Pinapahiram na nga niya ang koleksyon niya ng porno, pero pakiramdam niya sa sobrang katamaran ng kapatid, hindi rin nito pinapanood. What a useless sin!

Natigilan si Lust nang may maramdaman siyang kakaiba. Teka, ano yun? Masama ang kutob niya rito at sa pag-iling ni Envy, alam niyang nararamdaman rin nito.

"That human is a pain in the ass." Envy muttered.

Lust sighed. "You don't need to fucking remind me." At bumalik na siya sa kinaroroonan ni Castiel.

*

Kanina pa ako kinakabahan sa maaaring mangyari. Nang masiguro kong mahigpit na ang pagkakagapos ng mga kamay at paa ko sa kama, tumango na ako kay manong na may kung anu-anong gamit para kung sapian man ako mamaya. This dude is supposed to be the best exorcist in town, at sana talaga mapalayas niya ang demonyong sasapi sa katawan ko mamayang gabi.

Yup. Nilubos ko lang ang sandaling naglaho si Lust at tumakbo rito. Hindi ko alintana ang mataas na presyo, mapalayas lang ang siraulong sumasapi sa'kin. Nasabi ko na rin kay manong ang problema.

"Hijo, hintayin na lang natin.. Paniguradong mapapalayas natin ang masamang elementong gumugulo sa buhay mo."

"Sana nga manong. Kundi, baka 'yang dalaga mong anak ang guluhin niya.." Binulong ko lang ang huling pangungusap. Tangina naman kasi, kanina pa kasi ako nilalandi ng anak niya. From the corner of my eye, I could see the exorcist's daughter smiling flirtatiously at me. Nag-iwas ako ng tingin. Bad influence na talaga ang Lust na 'yan.

Ilang minuto na lang at mag-aala-sais na. Huminga ako nang malalim.

Then, I felt him sitting on the edge of the bed. Nang tingnan ko si Lust, napansin ko ang galit sa mga mata niya. I can almost see the flames of hell inside his eyes. Bigla tuloy akong kinabahan---shit. Just be brave, Castiel. Kakayanin mo 'to.

"What's the meaning of this, Castiel? We had a deal." Kalmado lang ang boses niya pero mababakas mo pa rin ang pagbabanta. Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. He looks like a damn lion ready to kill.

"Nagkamali ako nang makipagkasundo ako sa'yo, Lust.. You're only tormenting my life! Ayokong tuluyang masira ang relasyon namin ni Sierra.."

It was the truth. Unti-unti nang nagkakaroon ng lamat ang tiwala sa'kin ng girlfriend ko at ayokong masaktan ko pa siya. She doesn't deserve this bullshit. Nangako ako sa mga magulang niya na hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasakit niya pero nabasag ko na ang pangakong iyon mula nang makipagkasundo ako dito sa demonyong ito. I knew I shouldn't have signed that contract.

Lalong napasimangot si Lust.

"Kailangan ko pa bang ipaalala sa'yo na kapag sinuway mo ang usapan natin, kukunin ko ang kaluluwa niyo ni Sierra? I can fucking torture you both in hell and she'll be my sex slave for all eternity.. Do you want that, Castiel?"

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ako dapat nagpapadala sa mga sinasabi niya. Ano bang kasiguraduhan ko na kapag sinunod ko nga siya, hindi na niya guguluhin ang buhay namin? I'm dealing with a demon. It's highly impossible to get out of this deal alive. Nang mapansin ni Lust na hindi ako aatras, lalong tumalim ang tingin niya sa'kin. He then glanced at the exorcist who stared at me, weirdly.

"Ah, hijo? Ayos ka lang ba? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo.."

Lust smirked. Muli siyang bumaling sa'kin, "Fine. Kung tatalab nga ang kalokohan ng exorcist na 'to, I won't bother you anymore. But if not, mark my words Castiel, a punishment awaits you.."

Napalunok ako. Gagana naman ang plano naming ito di ba? I should just have faith that the exorcism will work once Lust takes over me. Pero habang lumilipas ang bawat segundo, hindi ko maiwasang kabahan. Namamawis na ang mga kamay ko at alam kong alam rin ito ng demonyong nakabantay sa akin mula sa sulok ng silid. Nakahanda na ang kagamitan ng exorcist--which consisted of holy items--at nang pumatak na ang ala-sais, naramdaman kong namanhid ang buong katawan ko.

Nagdidilim na naman ang paningin ko habang naglalakad papalapit sa'kin si Lust. Hindi ko na narinig ang binabasa ng exorcist mula sa bibliya at nahihirapan na rin akong huminga.

Lust suddenly held me with his demonic gaze, sending fear into my system.

"Game over, Castiel."

At nawalan na ako ng kontrol sa katawan ko.

---

✔Thou Shall Not LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon