DUODEVIGINTI

1.7K 65 4
                                    

Napahakbang ako paatras. Shit! Anong klaseng gulo na naman ang inabot ko ngayon?! Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa seven cardinal sins, pero mukhang wala akong maaalala sa sitwasyon ko ngayon.

'Patay na talaga, Castiel..'

Pride walked steadily towards me, his eyes ablaze. Tila ba repleksyon niya ang apoy na halos lumamon na sa buong silid. Bigla akong nanghina at sinubukan kong buksan ang pintong pinanggalingan ko pero nakalock na ito. I pounded hard, hoping someone would help me. Pero sino ba naman ang niloloko ko? Nasa teritoryo nila ako.

"You're not going anywhere, human."

Halos kumawala ang hangin sa baga ko nang bigla niya akong sinakal. His grip tightened around me at para bang mas lalong sumiklab ang matinding takot at kaba sa dibdib ko. I stared at this demon's soulless eyes and even with those fucking eyeglasses on, it made no difference.

Napangisi siya.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa leeg ko para man lang makalanghap ng hangin, ngunit masyado siyang malakas. The fire licked my feet and I almost howled in pain. Tangina talaga! Ano bang nagawa kong kasalanan sa demonyong 'to?!

"You are inside my mansion and until my idiot of a brother drags you out, you will obey my rules. Understood?"

I fucking gasped for air. Pilit akong tumango. Shit! Pakiramdamn ko mababali na ang leeg ko sa higpit ng hawak niya. Alam kong ilang sandali na lang, tuluyan na akong mawawalan ng malay sa impyernong ito. Nang mapansin ni Pride ang paghihingalo ko, mas lumawak ang kanyang ngiti. A cruel and sinister smile to match the burning surroundings.

Biglang may kumatok.

Knock! Knock! Knock!

"Yo, brother?! Pahiram nung susi sa entertainment room! Kailangan ko lang talunin si Envy sa table tennis!"

What the fuck?

Napansin kong napabuntong hininga na lang si Pride at pinakawalan na rin ako. Hindi nakalagpas sa'kin ang iritasyong pilit niyang ipinatago. He snapped his fingers and the room instantly morphed back into normal. Nawala bigla ang apoy. Ni wala akong makitang nasunog na libro! Kahit amoy ng usok, biglang naglaho. What that just an illusion? Napapailing na lang ako sa naiisip. This place is getting weirder by the second. Pride grunted under his breath just in time as the door swung open.

Pumasok bigla ang isang lalaking nakapulang turle neck sweater at inilahad ang palad kay Pride. This dude has a mischievous aura about him.

"Keys, please."

Pride frowned, "Say that fucking word one more time and I'll rip your throat out," at bigla niyang kinuha sa isang drawer ang set ng napakaraming susi. Hindi ako nagbibiro, ang dami talaga! Binato niya ito sa bagong dating na walang kahirap-hirap niyang sinalo. Paniguradong mabigat 'yon!

But the red sweatered guy only grinned, "What word, my devil brother? Please? Oh, right! Forbidden nga pala ang mabuting salita na iyon dito, hindi ba? Please please please please!"

"Shut the hell u---!"

"PLEASE PLEASE PLEASE!"

Pride glared, looking ready to murder.

"HAHAHAHAHAHA! Always the control freak, brother. Alam mo namang bukod kay Wrath, ikaw ang sunod kong paboritong asarin. Take that as a compliment," at kumindat pa ito. Nakamasid lang ako sa palitan nilang dalawa. Magkapatid sila, that's for sure. Pero sino ba ang isang 'to? Nagulat ako nang bumaling ang mga mata nung lalaki sa'kin.

"Hindi ba't sinabi ko na kay Lust na sa akin lang ang kaluluwa ng mga makasalanang 'to?" The man's eyes flared with danger at bigla na namang bumigat ang pakiramdam ko. Pero bago pa man siya makalapit sa'kin, pinigilan siya ni Pride, "Avarice, stop scaring our beloved guest. Hindi mo nanaising galitin ang kapatid nating si Lust. That pornographic psycho will probably burn the mansion down once he finds out his plans are ruined."

Tangina.. Avarice?

Biglang lumingon si Avarice kay Pride, an annoyed smirk, "Bullcrap. Ilang ulit ko na bang sasabihin sa inyong I'd prefer to be called Greed?! Tsk tsk tsk!"

Walang emosyong bumalik si Pride sa kanyang kinauupuan kanina, ni hindi man lang pinansin ang sinabi ng kapatid. Well, what the heck would I expect?

"Take that human out of my study room. Ikaw na muna ang magbantay sa kanya."

Greed then slung an arm over my shoulder, as if we were best buddies. Tumawa na naman siya, isang tawang muntik nang nakapagpanindig ng balahibo ko.

"Sure. Can I kill him after?"

Umirap si Pride, at muling binuklat ang binabasang aklat, "No."

At wala na akong nagawa nang bigla akong kaladkarin ng hudas na si Greed papalabas ng silid ni Pride. Nagpalingalinga ako sa piligid, nagbabakasakaling may makita akong bagay na pwede kong gamiting panlaban sa kanila. Nang mapansin ako ni Greed, napailing na lang siya, "I wouldn't even think of escaping if I were you."

---

✔Thou Shall Not LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon