VIGINTI

1.6K 58 1
                                    

Hindi makontak ni Sierra si Castiel. Ilang ulit na niyang sinubukang tawagan ito pero laging hindi sinasagot. Iniiwasan niya ba ako? She frowned upon the idea. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa lalaki. Hell, she grew up with him, and Castiel isn't the kind of guy to disregard her calls. Tatlong araw na silang hindi nag-uusap at nag-aalala na ang dalaga.

"Dapat nga ako ang nagtatampo eh. Bwiset talaga ang lalaking 'yon."

Hindi niya pa rin makakalimutan ang paghalik ng lintek niyang sekretarya sa kanya. Akala ni Sierra hahabulin siya ni Castiel at magmamakaawang kausapin siya nito tungkol doon; akala niya isu-sorpresa siya ni Castiel at sasabihing siya lang ang mahal nito---anything. She needs an assurance, pero mukhang hindi tumatalab ang reverse psychology ngayon. Hindi tumatalab ang pagpapakipot niya sa nobyo.

Naiinis niyang tinahak ang daan papuntang eskwelahan. "Nakakainis talaga ang Castiel na 'yon! I'll make him pay for ignoring me and my mes----"

"Aray! Miss, pwede ba?!"

Shit. Ang aga-aga, may nabunggo pa siya. Agad na humingi ng tawad si Sierra sa babae, "S-Sorry." The girl she bumped into glared and walked away. Muling napabuntong-hininga ang dalaga. Kailangan na talaga niyang makausap si Cas. Even though she's still mad at him, Sierra misses him.

Kumalam ang sikmura niya. Oo nga pala, hindi pa pala siya kumakain magmula kagabi. Nang silipin ni Sierra ang kanyang relo, napagdesisyunan niyang kumain na muna sa pinakamalapit na fastfood. May oras pa naman.

Naaalala niya ang mga panahong lagi pinapagalitan ni Castiel dahil sa hilig niyang kumain sa iba't ibang fastfood chains. Noong una, naiinis si Sierra dahil pinipigilan siya nito. "Ano bang problema mo? Baka naman ayaw mo lang akong tumaba! Sus. Tapos kapag mataba na ako, hahanap ka na ng iba." Panghihimutok niya rito. May period kasi siya noon kaya hindi na napigilan pa ni Sierra ang mga salita.

But her loving boyfriend only smiled, "I could hardly even care if you get fat, I'll still love you anyway. Ang gusto ko lang ipunto, baka mamaya kasi kung anong sakit ang makuha mo sa pagkain ng mga 'yan. I don't trust fastfoods. I can't stand the idea of seeing you hospitalized. Baka mauna pa akong mamamatay sa'yo kapag nangyari 'yon."

Napangiti si Sierra sa alaala. Simula noon, madalas nang nagluluto ng sarili nilang pagkain ang dalaga. She wasn't much of a cook, pero para kay Castiel, she's willing to try. Siguro ganun naman talaga kapag nagmamahal ka. May mga pagkakataong gusto mo nang sapakin ang sarili mo sa sobrang pagmamahal na 'yon. Love is anyone's strength and weakness.

Pero nang naghanap ng mauupuan si Sierra, agad siyang napahinto.

"Cas?"

Lumingon ang lalaking abala sa pakilipagkwentuhan sa isang nurse. Napasimangot si Sierra, naramdaman niyang bumigat ang kanyang dibdib sa nakikita. What the hell is her boyfriend doing here?! At ang mas nakakapagtaka pa, wala man lang reaksyon si Castiel. He only stared at her, coldly. Mas lalo namang walang reaksyon ang babaeng kalandian ng boyfriend niya. Sierra took in a deep breath and calmed herself down---pero sa totoo lang, pinagsasasaksak na niya ang dalawa sa utak niya. How dare they?!

"Anong ginagawa mo dito? And why aren't you answering my calls?!"

Napatingin na sa kanila ang staff, pero mukhang walang may gustong makigulo. When it comes to the matters of the heart, no one wants to intrude.

"I'm busy, love. Can't we talk later?" Malamig na sabi ni Castiel. Napapailing na lang si Sierra. This is bullshit! Ano bang nangyayari sa kanya?

Tumango si Sierra pero humakbang papalapit sa lalaki. She smiled sweetly at him. Napasinghap na lang ang lahat ng mga nanonood nang biglang hatakin sa kwelyo ni Sierra si Castiel. Nakakuyom ang kanyang mga kamao. She made him stand up, and glared.

"Siguraduhin mo lang na may maganda kang maidadahilan sa'kin mamaya, Castiel Lavoisier. Siguraduhin mo lang."

At isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa paligid. Napanganga ang mga tao, maging ang nurse sa nangyari. Pero sa kabila ng galit ni Sierra, napatigil siya nang makita ang apoy sa mga mata ni Castiel.

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now