QUADRAGINTA SEPTEM

1.2K 52 5
                                    

Castiel remained silent as Sierra tried helplessly to hide her tears. 'Nababaliw na talaga ang babaeng ito,' hindi mapigilang mapangiti ni Castiel habang yakap ang dalaga. Siguro nga, hindi niya maiintindihan ang mga kababaihan, pero hindi siya titigil sa pag-unawa kay Sierra. He should be mad, yes. Si Sierra ang nagpasimula ng gulong pareho nilang ikinawasak---but how the fuck can you be mad with someone you'd endure hell for? Namayani ang katahimikan sa loob ng apat na sulok ng silid.

"I-I'm sorry, Cas.."

Paulit-ulit. Sierra kept repeating her apologizes like a mantra. Mahina ang boses niya, ngunit dama ni Castiel ang bigat ng pinapasan nito. He kissed the top of her head, "Hindi mo kasalanan."

Nagtama ang kanilang mga mata.

"Bakit mo naman nasabi? Cas, nang dahil sa'kin, kaya nangyari ang lahat ng 'to! If I haven't been stupid enough to let my insecurities eat me, e 'di sana hindi ka rin nahihirapan ngayon! I'm a fucking idiot, no matter how I see it..."

"Yes, you're an idiot."

Nanlaki ang mga mata ni Sierra sa sinagot ng binata. Aray. Bakit ba parang ang sakit na kapag siya na mismo ang nagsabi nito? Pero natawa na lang si Castiel at ngumiti nang matamis sa kanya, "But you're an idiot I'm willing to risk my soul for, over and over again. Dapat nga ako ang nagso-sorry. I shouldn't have made you feel ignored in the first place." Napabuntong-hininga si Castiel.

Agad siyang napasigaw.

Sa hindi inaasahang pangyayari, naramdaman ni Castiel ang hapdi ng mga tattoo niya sa katawan. "SHIT!" He stumbled back in pain, wincing as his skin felt like it was set on fire. Tila ba ang bawat isang pangalang nakaguhit sa kanyang balat ay unti-unting sinusunog ang kanyang kalamnan. 'Anong nangyayari?!'

"C-Castiel!"

Agad siyang dinaluhan ni Sierra, pero maski ito, walang magawa. Bakas ang pag-aalala at takot sa mga mata nito, pero hindi na magawa pang intindihin ni Castiel iyon. His is suddenly torturing him to the core. Isang malakas na sigaw niya ang pumunit sa tahanan, hanggang sa mapadako ang mga mata niya sa itim na librong nakapatong sa kama. 'Lust.. Show yourself, you fucking bastard!' Kinakapos na siya ng hininga at namumuo na ang pawis sa noo ni Castiel. Para bang mawawalan na siya ng malay anumang sandali.

'How could I loose consciousness at a time like this?! Hindi pa namin naibabalik sa dati ang lahat!'

Castiel Lavoiser screamed in pain.

'TANGINA, LUST! MAGPAKITA KA! TAPUSIN NA NATIN 'TONG KAGAGUHAN NA ITO!'

Then, it stopped.

Hingal niyang pinasadahan ang silid. Hindi na siya nagtaka nang makita niyang nakaupo sa gilid ng kama ang prinsipe ng pagnanasa, si Lust. The devil looked the same as before. The man smirked devilishly at them. Isang mapang-asar na kinang sa kanyang mga mata. Sierra gasped and held Castiel's hand.

"Alam mo bang ang National Demographic Survey ng DOH ay nakapagtala ng papalagong bilang ng mga 'teenage pregnancy' noong 2017? Some 9% from women of ages 15-19 have already started childbearing, and don't get me started with the consequences."

Consequences. That single word rings inside his head. Sinamaan niya ng tingin si Lust, nanghihina niyang ikinuyom ang mga kamao. Bastard.

"I hate drama. How are you, Castiel, my beloved friend? Masaya bang magkaroon ng siyamnapu't siyam na mga supling---?!"

"IBALIK MO NA ANG LAHAT SA DATI! Kung parusa ito dahil hindi ko nagawang galawin si Sierra, then go ahead and fry me in hell dahil hinding-hindi ko gagawin 'yon!"

Humikab si Lust at napahalukipkip. "Ibalik sa dati? Akala mo ba madali ang lahat? You two have played well as my pawns."

"PAWNS?! NABABALIW NA KA TALAGANG DEMONYO KA!" Pinigilan siya ni Sierra bago pa man niya sugurin si Lust.

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now