TRIGINTA DUO

1.2K 59 1
                                    

Kinabukasan, tinawagan ako ni Tim. Naalimpungatan pa lang ako, bumungad na agad sa'kin ang maingay niyang boses, "Pare! Samahan mo 'ko mamaya sa bar. Tapos mag-impake ka na rin pala dahil isasama kita bukas pauwi ng probinsya namin!"

I rubbed the sleep out of my eyes and grunted a reply, "Good morning din. Tsk. Ano naman ang gagawin mo sa bar? Umaga pa lang ah!"

Paniguradong umirap siya dahil sa tono ng boses niya, "Ayos ka lang, pre? Syempre, ano pa bang ginagawa sa bar, kumakain ng cotton candy? Tsk!" Napahawak na lang ako sa ulo ko sabay layo ng cellphone sa tainga ko. Sinipat ko na naman ang katawan ko at nakita ang panibagong tattoo. I sighed, "Edi anong gagawin mo naman sa probinsya at dinadamay mo  na naman ako?"

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa, "HAHAHA! May raket kasi ako. Tinawagan ako ng pinsan ko kanina, sabi niya kailangan daw nila ng serbisyo ko."

"Serbisyo?"

"Yup. Kailangan nila ng macho dancer, kaya syempre game ako. Samahan mo na ako para makalanghap ka naman ng sariwang hangin."

Napahawak na naman ako sa sentido ko. Bullshit. Bakit ba sumasakit na naman ang ulo ko kapag kausap ko ang gagong 'to? "Saglit nga, Tim. Tangina, hindi mo naman ako pwedeng hatakin na lang bi---"

"Kitakits mamaya! Bye!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit na hindi na ako nagulat sa inaasta ni Tim? I stared at my phone for a few moments before calling her. Wala siyang pasok ngayon. Huminga muna ako nang malalim habang nagri-ring. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. My hands felt clammy again. Sana naman sagutin niya.

"Hello? Sino 'to?"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Nagpalit ako ng number kaya hindi niya alam na ako ang tumatawag. For a few seconds, I just listened to her confused voice. Aaminin ko nang na-miss ko ang boses niya. Yung hindi sumisigaw sa'kin.

"Sino ba 'to? Ibababa ko na 'to---"

Marahas akong umubo at tinaasan ang boses ko.

"Ay, kaloka! Pasensya na girl, na-wrong number ako." Napangiwi na lang ako sa boses ko. Damn. High-pitched and girly. Hay. The things I do for love. Matagal bago nakasagot si Sierra..

"Um.. Ayos lang. Sige, bye---"

"Sierra? Tara na, aalis na tayo."

Napasimangot ako nang marinig ko ang boses nung fiancé niya sa background. Then, the call ended. Mahina akong napamura at kamuntikan ko nang mabato sa bintana ang cellphone ko.

"Tsk. Mukhang may lakad sila ah.." Naupo ako sa gilid ng kama. Gustuhin ko mang magmukmok buong maghapon, alam kong susugurin naman ako dito ni Tim. That bastard's persistent as hell.

*
Nang maibaba na ni Sierra ang tawag, she spun around and frowned at Gregory. Don't get her wrong, maayos naman ang pakikitungo ng binata sa kanya, pero minsan nakukulitan na siya rito. Or is she just making an excuse to dislike him?

"Ihatid mo lang ako sa bar. I can handle myself from there."

Ngumiti si Greg at pinagbuksan siya ng pinto. "Whatever you wish, princess." At kumindat pa ito sa kanya. Naiilang na umupo sa passenger's seat si Sierra at isinalpak ang headset sa tainga. Ayaw niyang interviewhin na naman siya ng lalaki. Gusto lang niyang mapag-isa sa buong biyahe, kahit na imposible itong mangyari.

Sierra's mind drifted off to Castiel's letter. Kani-kanina lang ay dumaan sa bahay nila si Tim, dala ang sulat at kahon ng tsokolate. Napapailing na lang siya sa sulat na gawa ni Castiel. Her cheeks burned with the thought of it...

Dear Sierra,

                  I know you're still mad at me. I wasn't myself, and I'm truly sorry for what I did. I regret my actions. Bago mo pa man lukutin ang sulat na 'to at ihagis sa pinakamalapit na basurahan, gusto ko lang malaman mo na hindi ako titigil. You know what I mean. You know that I'm a patient man. Mark my words, you will be mine again. Ingat ka lagi, itatakas pa kita sa kasal niyo.

                                                     ----Castiel

'Walang hiya talaga ang isang yun!'

Umiling-iling si Sierra. Why does the thought of running away with Castiel seem so tempting? Ugh. 'Tama na, Sierra. You should be mad at him!' Ilang ulit pa niyang sinuway ang sarili niya hanggang sa marating na nila ang bar na pinagtatrabahuan ni Madi. Tahimik siyang lumabas ng sasakyan, hindi na siya nag-abala pang magpaalam kay Greg. She just wants to talk to her bestfriend.

Pagkapasok niya sa loob, nagulat siya nang madatnan ang ilang kalalakihan na nag-iinuman sa kabilang gilid. She rolled her eyes. Mga lalaki talaga. Hindi siya nahirapang hanapin si Madi. She greeted her with a charming smile.

"Akala ko mamaya ka pa makakapunta?"

Sierra sat on a stool, "Wala akong magawa sa'min. I'd rather chat with you than endure my parents' rants about the wedding. Nakakatulili na ng tainga." Naupo sa tabi niya si Madi, pinaglaruan ang isang shotglass na nasa counter, "May plano ka ba talagang pakasalan si Greg?"

Nagkibit ng balikat si Sierra, "Why not? He's a decent guy. Mayaman, gwapo at mukha namang may gusto siya sa'kin. An ideal man."

Pero habang sinasabi niya ito, isang mapang-asar na ngisi ang sumilay sa labi ng kaibigan. "You're a terrible liar."

Napahinto si Sierra at nag-iwas ng tingin. Minsan iniisip niya kung paano ba nila nagkasundo ng isang 'to. "H-Hindi ako nagsisinungaling.. I'm marrying Greg after college."

Umiling si Madi at nagpakuha ng Jack Daniels sa bartender.

"Paano na ang boyfriend mo?"

Sierra wantaed to argue that Castiel is not her boyfriend, pero naaalala niyang hindi pa nga pala siya nakikipaghiwalay rito. Umirap na lang siya kay Madi at inagaw ang bote ng alak bago nilagok ang laman nito.

*
"Tim, you must really be a drunken bastard to drag me here in broad daylight."

Pero imbes na mabahala sa sinabi ko, natawa na lang si Tim at inubos ang laman ng baso niya. Iminuwestra niya ang bar na mukhang tambayan ng mga walang magawa sa buhay nila---tamang-tama para kay Timothy. Tsk.

"Cas, pare.. Ito ang tinatawag nating langit! Maraming magagandang chicks dito kahit umaga. Gusto mo magtawag ako para sa---"

"Ayoko."

Umirap si Tim sa agaran kong sagot at binalingan si Lust na nakaupo sa tabi. "Hoy, ikaw! Di ka iinom? Lalaki ka ba ha?!" Napasapo na lang ako sa noo ko. Nakakailang baso na ba itong lokong 'to?

Lust shrugged, "Mas lalaki pa ako sa'yo, mortal."

I can almost see Tim's ears animatedly puff smoke. Bago pa man siya makapag-eskandalo dito sa bar, tinila ko siya sa jacket niya at sinamaan ng tingin, "Tim, baka nakakalimutan mong magmumukha kang takas sa mental kapag nakipag-away ka dito kay Lust?" Kami lang ang nakakakita sa hudas na 'to and I'm in no mood to join him in the mental hospital.

Napakamot na naman siya sa ulo niya, "Aish. Oorder na lang ako ng brandy. Mga limang bote lang, tapos ayos na. Hahaha! Cas, ikaw magbabayad ah!"

"Gago."

"Sige na, pare! Isasama na nga kita bukas para maging alalay ko eh. Syempre kapag dakilang macho dancer ka, kailangan may assistant! BWAHAHAHA!"

Malala na talaga ang tama niya. Nasobrahan na naman sa paracetamol.

Napahalukipkip na lang ako. "Bahala ka dyan, pre." Minsan talaga naiisip kong ang purpose ko sa buhay ay maging baby sitter ng siraulong ito. Malamang sinama niya lang ako dito para may magmaneho sa kanya pauwi. Walang gana ko na lang sinilip ang emails ko sa cellphone. Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina.

Tinawag ni Tim ang isang waitress. Wala na akong pakialam nang umorder pa siya ng alak, ni hindi na nga ako nag-angat ng tingin.

"Iyon lang, sir?"

From the corner of my eye, I could see my friend grin mischievously. Tsk. Siguro sexy yung waitress kaya na naman siya aligaga.

"Yup. Thanks, Madi."

Umalis na ang babae.

I took a sip from my glass of beer. Saktong pag-angat ng mata ko, napansin ko ang isang dalagang umiinom mag-isa malapit sa counter. Kumunot ang noo ko. Si Sierra ba 'yon? Tsk. Imposible. She's having a date with her fiancé. Paano naman siya mapapadpad dito?

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now