QUADRAGINTA TRES

1.1K 63 3
                                    

I never thought that being sucked into some sort of portal will feel all but pleasing. Para bang hinihigop ang kaluluwa mo papunta sa ibang dimensyon, ilang panahon at ibang sitwasyon. Lust is manipulating, not only the surroundings but also something else. Hinigpitan ko ang yakap kay Sierra na para bang anumang oras ay handa nang mag-hyperventilate. Hinimas ko ang ulo niya at pilit siyang pinapakalma.

"It's going to be alright."

Kahit na wala akong ideya sa mga posibleng mangyari. Lust has a twisted mind, and I don't think I can catch up with all his bullshit for the rest of eternity.

Nang sa wakas ay naramdaman na namin ang lupa sa ilalim ng mga paa namin, agad kong sinilip ang kapaligiran. Napanganga ako nang nasa loob ako ng apartment ko sa Eastwood. 'What the heck?' Akala ko wala na ito! I haven't even paid my rental fees. Napansin din ito ni Sierra at agad siyang napaatras sa nakita.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Sana lang alam ko ang sagot sa tanong na 'yan."

I scanned my old apartment and saw nothing out of place. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ni Lust dito, pero paniguradong may nakaabang na sorpresa sa'min. That bastard loves games. Pero habang inoobserbahan ko ang paligid, wala akong makitang kakaiba. How am I suppose to find any answers here?

Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa tambak ng mga liham at packanges sa center table. Naglakad ako patungo doon. Naaalala ko bigla noong sinabihan ako ni Lust na buksan ang mga ito. Ilang ulit niya itong pinaalala sa'kin, pero lagi kong nakakalimutan. Does these mails have anything to do with what's happening? Naupo ako sa sahig at sinilip isa-isa ang laman ng mga package. May nahulog na kung ano sa sahig.

Agad ko itong pinulot at nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko ang bagay na 'to.

"P-Pregnancy test 'to, di ba?"

Pinagmasdan kong mabuti ang bagay na may dalawang pulang guhit. Bigla akong kinabahan at binasa ang liham na kalakip ng PT...

Dear Castiel,

         Alam kong hindi natin sinasadya, pero mukhang sharp shooter ka talaga. I'm three weeks pregnant. Magiging daddy ka na. Tawagan mo na lang ako kapag nabasa mo ito.

P. S. Panagutan mo ako.

Love,

Tara

Nanuyo ang lalamunan ko. Tara? Why does her name sound familiad? T-Teka---"Shit. Pinsan ni Tim!" Masama ang kutob ko sa lahat ng ito. Dali-dali kong binuksan ang iba pang mga sulat. May print out na ultrasound image pa ang isa!

Sir Castiel,

Nakikita mo ba 'tong ultrasound? I know it's a little too late, but I just want to tell you that you're the father of my baby. Hindi kita nilapitan noon kasi alam kong makakasira lang sa imahe ng kompanya, pero sana hindi mo talikuran ang responsibilidad mo sa'kin...at kay baby Castiel Jr. Mwah!

---Gail

"Shit! Shit! Shit!"

Napasabunot na talaga ako sa sarili ko. Shit! Biglang nag-flasback sa utak ko ang lahat ng mga gabing iyon. Every woman Lust ruined with the use of my body! Tangina, bakit ba hindi ko naisip na gumamit ng condom para makasigurado?! It was written in our damn contract that he will not impregnant any woman----pero nauunawaan ko na ang lahat. Naalala kong bigla ang sinabi niya sa'kin nang i-open up ni Tara ang topic na baka may mabuo:

'YOU FUCKING USED MY BODY!'

"O, ngayon? Ikaw ang may semen.".

'ABA! IKAW ANG KUMILOS!'

"Katawan mo pa rin. Bwahaha!"

Pieces of the puzzle finally fall into place. Katawan ko pa rin. Hindi talaga mabubuntis ni Lust ang mga babaeng iyon, dahil ako ang makakabuntis. He twisted his words in that fucking contract! That sly devil.

Nanghihina kong binasa ang mga sulat. Tangina, bakit mayroong galing pa sa pulis?! Nagbabanta pa na kakasuhan ako o ipapa-salvage ang pamilya ko kung hindi ko siya papakasalan! Damn it! Ano ba namang kalokohan ang ginawa ni Lust sa katawan ko?! My eyes trailed at the tattoos on my skin. Ang mga pangalan ng mga babaeng ito ang siya ring nagpadala ng kabundok na mga liham sa'kin----lahat sila ipinaaalam na magiging ama na ako.

Bullshit.

"Castiel, you should look at the date."

Nanghihina pa rin akong naglakad papalapit kay Sierra. Pakiramdam ko, may sumaksak ulit sa katinuan ko. I won't even be surprised if I'll go crazy in the next hours. Nagpakurap-kurap ako. Hindi ako maaaring magkamali. Mukhang hindi lang kami sa ibang lugar dinala ni Lust, kundi pati na rin sa ibang panahon.

November, 2037.

Nanlamig bigla ang katawan ko. Bakit ba kami pinapunta dito ni Lust? Isa na naman ba ito sa mga parusa ko? Huminga ako nang malalim. Nabasag bigla ang katahimikan nang may kumatok. Maingat ko sanang bubuksan ang pinto pero pinigilan ako ni Sierra, "I'll do it. Baka pulis, delikado kung makita ka." Napangiti ako sa kanya, pero hindi niya ito tinugon. Looks like she's still mad at me. I can't blame her.

Halos hindi ko marinig ang usapan nila. Nakatayo lang ako sa isang gilid, I'm still bothered with those mail. Mayamaya pa, tinawag ako ni Sierra, "U-Um.. Cas, may naghahanap sa'yo."

"PNP? SWAT? Philippine Army?"

"H-Hindi." Para bang gulat si Sierra. Anong meron? Out of curiosity, I went to the front door. Doon, bumungad sa'kin ang isang binatilyong may malawak na ngiti. His eyes seem familiar at hindi ko maiwasang isipin na magkamukha kami. Psh. That would be impossible unless...

"Dad, kanina ka pa namin hinahanap."

DAD?!

Namura ko na yata ang lahat ng murang alam ko sa isip.

"A-Anak kita?!" Damn! Year 2037 nga pala ngayon! At kung nabuntis ko nga ang lahat ng mga babaeng iyon...

"Hahaha! Oo, Dad. Nga pala, kasama ko ang 98 kong mga kapatid. Balak naming sakupin ang mundo para kay Ninong Lust, sama ka?"

Biglang bumungad ang sandamakmak na mga mukha mula sa lahat. They all smiled at me.

"DAD!"

Pakiramdam ko mahihimatay ako.

----

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now