QUADRAGINTA QUINQUE

1.1K 57 2
                                    

Sa pagkakataong ito, parang mas interesante nang pagtuunan ng pansin ang binabagtas naming kalsada. The engines hummed soothingly while the tires accelerated and stopped momentarily upon reaching a red stoplight. Pakiramdam ko, nabingi ako nang panandalian, pero hindi ko magawang ialis ang boses ni Sierra sa utak ko habang pilit niya itong pinapaliwanag sa'kin. Tahimik lang ang anak namin ni Madi (na napag-alaman naming Cammy ang pangalan) at nagpapasalamat ako doon.

Sierra's voice made me avert my attention back at her.

"H-Hindi ko sinadya, believe me, Cas... I thought I was actually doing the right thing---"

"Right thing? Sa tingin mo ba tama na hayaan mong paglaruan ng isang demonyo ang boyfriend mo?"

Nang makita ko ang sakit sa mga mata niya, agad akong nag-iwas ng tingin. This is impossible. Paano niya naman nagawang i-summon si Lust? Is she out of her mind?! Akala ko noon, naiintindihan ko na ang girlfriend ko but it turns out that I will never understand the complicated female population.

"Castiel! Hindi ko alam na mangyayari 'to! When you started cheating on me, I had no idea na dahil iyon kay Lust! Hindi ko alam na ginagamit ka niya!"

"Tsk. Paano mo ba kasi nakuha ang librong iyon at nagkandaleche-leche na ang buhay natin?!"

Hindi ko sinasadyang mapataas ang boses ko. Napansin kong napapitlag doon si Sierra pero pinili niya pa ring sagutin ang tanong ko.

"Sa parke noon.. Noong pauwi na ako galing school at hindi mo ako naihatid, may nakasalubong akong babae. She had red hair and she just told me that the black book is the answer to my problems. K-Kinagabihan, biglang bumuklat sa isang partikular na pahina and I studied the enchantment," napabuntong-hininga si Sierra, halata ang tensyon sa kanyang mga balikat, "hindi ko naman alam na gagana pala."

Bullshit. My own girlfriend is the fucking culprit!

Hindi ako sumagot. The silence engulfed the inside of the car until a single thought sparked in my head. Ito ang kanina pa talaga gumugulo sa utak ko, "Why?"

Parang namutla si Sierra sa tanong ko.

"H-Ha?"

Seryoso ko siyang tinitigan. I've known this girl for too long to figure out that she always has a reason. Sa lahat ng mga desisyon niya sa buhay, mayroon siyang kaakibat na mabigat na dahilan. Nakita ko ang nerbyos sa kanyang mukha at panginginig ng mga kamay. Anxiety gripped the girl sitting next to me, though I wasn't even initiating it. Ano bang itinatago ni Sierra?

"Basta...Cas, we can----"

"Hindi iyan ang sagot na hinihingi ko."

Napalunok siya.

But before she can even open her mouth to speak, nagulantang na lang kami nang biglang tumigil ang sasakyan. The tires screeched against the asphalt road, at sa likod ng manibela, nakita ko ang galit sa mga mata ni Cammy habang nakatingin nang diretso. Nang sundan ko ang mga mata niya, pakiramdam ko nanlalata na naman ako. Tangina, seryoso ba?!

"Bakit tayo tumigil?!" Nag-aalalang tanong ni Sierra sa anak ko.

Cammy cursed under her breath and pointed at the barricade of police cars blocking our path. May mga pulis na ibinibida ang mga baril na nakatutok ngayon sa direksyon namin. Konti na lang talaga at pakiramdam ko masisiraan na ako ng bakit. Bakit ba parang ang laki ng galit sa'kin ng mundo?!

"Wanted pa rin ba ako hanggang ngayon?! Damn it!"

Tumawa si Cammy at may kinuha sa isang compartment, sa rearview mirror, nakita ko ang isang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi. Wait, why is my daughter smirking like that?

"Dad, they're not here to arrest you. Ako ang pakay nila."

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

Cammy shrugged like it was no big deal.

"May ninakawan kasi akong bangko last week. I've been on Eastwood's most wanted list since then."

Nalaglag ang panga namin ni Sierra. What in the name of condoms?! Pero parang hindi naman siya nagbibiro! Shit. Kanino ba talaga nagmana ang dalagang ito? Natawa si Cammy sa ekspresyon namin, mayamaya pa, binalingan niya kami sa backseat.

"Gusto pa kita sanang maka-bonding Dad, but it looks like we need to make a stunt for this. I'll distract the police while you make a run for it. Malapit na rin naman ang bahay dito nila tita Sierra."

"A-ANO?!"

Isang matamis na ngiti lang ang iginawad sa'min ni Cammy bago lumabas ng sasakyan. After a few moments, gunshots were heard. Doon ko lang napagtantong mas marami pa pala siyang armas na itinatago sa loob ng jacket niya. She even had a grenade!

"Kailangan na nating umalis!"

Hinatak ko si Sierra papalabas ng backseat. We had to take cover several times because of the stray bullets. "Shit! Paano tayo makakalagpas sa mga pulis?!" Sigaw sa'kin ni Sierra sa kabila ng nakabibinging ingay at  amoy ng pulbura. Lumibot ang mga mata ko sa paligid. Damn, she's right. Nakaharang sa kalsada ang sasakyan ng mga pulis!

"We need to run and jump over the roofs of those shitty police cars."

"Nababaliw ka na ba, Ca--?!"

"Sierra, this a matter of life and death at ang tanging iniisip mo ay ang mental state ko?! Bullshit! TAKBO!"

Agad rin naman siyang sumunod sa'kin. Tangina, ang hirap tumakbo kung pilit mo pang iniilagan ang mga lumilipad na bala! Cammy saw us and shot the officers that were aiming our direction. Panandalian kaming nagkaroon ng pagkakataon ni Sierra para humakbang sa hood at tumalon sa bubong ng mga sasakyan.

The police vehicles' roofs made a deafening sound as we swiftly jumped and ran over them. Napanganga ang ilang pulis sa ginawa namin. Nang papaputukan na sana kami ng ilan, mabilis na kumilos si Cammy at hinagis sa kanila ang granada.

Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Masyadong malapit sa'min!

"DAMN IT! SIERRA, BILISAN MO!"

Isang malakas na pagsabog ang pumunit sa kaguluhan. Sierra and I went flying for several meters before landing on the ground. Bago pa man kami lumagapak sa lupa, nagawa ko siyang saluhin sa ere at yakapin bago tumama ang mga katawan namin sa sementadong sidewalk.

The explosion left a cloud of smoke and a fire that made the authorities frantic.

"Castiel?! A-Ayos ka lang?"

Nagtama ang mga mata namin ni Sierra. She was on top of me, my arms still wrapped around her. Nanghihina akong ngumiti, "Let's find that damn book."

*
Lust smirked and flipped the page of his magazine. Matamang nakatingin sa kanya si Pride na napapailing na lang sa ugali ng kapatid, "Looks like you're having fun. May nangyari na bang interesante?" Mahinang natawa si Lust at sinara ang binabasang---o, mas maigi nang sabihing "pinagnanasaang"---magazine. He had an amused glint in his eyes as he replied, "Oo naman. Things are going smoothly. Ano na lang masasabi mo ngayong sasakupin ko na ang mundo?" At tumawa pa ito nang malakas habang ipinapatong ang paa sa mesa.

Pero imbes na mainis, isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi ni Pride.

"You can't fool me, brother." At inayos nitong muli ang salamin sa mata.

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now