UNDEQUADRAGINTA

984 47 0
                                    

"Kailan ba balik mo?"

Napahinto si Madi sa tanong ng kaibigan. Nagpalinga-linga muna siya sa maingay na pub at napangiti nang makitang naroon pa rin sa table ang target niya.

"Hindi ko alam eh. Babalik ako kapag natapos na ang...inaasikaso ko."

Hindi na nagtanong pa si Sierra, at nagpapasalamat si Madi doon. Nang matapos ang usapan nila, agad na ibinulsa ni Madi ang kanyang phone at inayos ang suot na dress. Black and fitted; sexy and deadly. 'I'll have my revenge tonight', isip-isip niya habang nakikipagsiksikan sa mga taong nasa dancefloor.

It's been more than two months since she found out who killed Sofia's father. Magmula noon, nanaliksik si Madi ng impormasyon tungkol kay Castiel at sinuyod na ang lahat ng posible niyang pagtaguan. Naaalala niya noong pumunta siya sa apartment nito, nang ilang ulit siyang sumilip sa bintana kung may tao doon, his neighbor came out and have her a bitchy smile.

"He's not home. Isa ka ba sa mga naghahabol sa gagong 'yon?"

Kumunot ang noo ni Madi, pero agad ring nagtaas ng kilay, "Salamat. Sino ka naman? At anong naghahabol?"

Nagkibit ng balikat ang babae, "Fiona. Isa sa mga babaeng naloko niya." At pumasok na ito sa loob ng sariling apartment. Naiinis na nagtungo naman si Madi sa opisina ng kompanya nila Castiel, pero ang sabi ng sekretarya niya hindi pa raw ito bumabalik doon.

Sa huli, hindi niya rin nahanap ang mamamatay-tao na yun.

Until now.

Isang mapang-akit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang huminto sa tapat ng lamesa ng lalaki. Naupo si Madi sa lamesa para makuha ang atensyon ni Castiel. Hindi naman siya nabigo nang lingunin siya ng binata.

'I've found you, bastard.'

"Miss, may kailangan ka ba?" Walang emosyon nitong sabi. Pinasadahan ni Madi ng tingin ang kabuuan nito. He looked like a mess. Kumpara sa litratong nasa mga wanted posters, bahagyang mas payat ang lalaking kaharap niya at magulo ang buhok. Madi's eyes scanned his tattooed body at napasimangot siya sa dami ng mga pangalang naroon.

Ynna.

Faye.

Mia.

Penelope.

..and the list goes on.

'This man is crazy!' Sigaw ng utak ni Madi pero hindi pa rin nawawala ang mapang-akit niyang aura. She smiled seductively at him, "Kailangan ko? Pwedeng ikaw?"

Nang akala niyang bibigay na si Castiel, pagak itong natawa at ngumisi sa kanya, "It'll take more than that pretty smile to seduce me, miss."

Napaawang ang bibig ni Madi. Lalo na nang bigla na lang itong tumayo kasama ang isang babae at umalis na ng pub. Naiinis niyang sinundan ang dalawa hanggang sa makalabas siya ng gusali. Sa magulong kalye ng lungsod, bigla na lang naghalo si Castiel at ang kalandian niya.

"Damn it!" Sinipa ni Madi ang isang basurahan at naglabas ng sigarilyo. Naiistress na naman siya at kasanan ito ng lalaking iyon!

*

Another name.

I emotionlessly emptied the contents of my beer bottle. Medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hang-over pero wala na akong pakialam. Beside me, Lust spoke, "Eight ladies to go. Anong gagawin mo kapag nakalaya ka nasa kontrata?"

"Suicide."

Natawa si Lust sa sinabi ko pero hindi ko naman makita kung ano ang nakakatawa sa bagay na iyon. Para saan pa ba? Engaged na si Sierra. Kung hindi naman sapat na dahilan 'yon, sige, idagdag na rin natin ang pagiging kriminal ko. Malamang galit na sa akin si Sierra, pati na rin ang mga magulang ko. Baka ang tatay ko pa mismo ang magbigti sa'kin dahil sa kahihiyang idinulot ko sa pamilya. To top it all, Tim hates my guts now.

Wala na akong kakampi at lalong hindi ko aasahan itong hudas kong katabi.

Ni hindi ko alam kung may babalikan pa ba akong buhay pagkatapos ng kontrata. "Will these fucking tattoos disappear after the 100th girl?"

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Lust at tumingin sa malayo, para bang may malalim na iniisip, "We'll find out. Oo nga pala, kailangan kong ipaalala sa'yo na kapag tinanggihan mong tapusin ang kontrata natin, may mangyayaring kakaiba."

Umirap ako, "Sinira mo na nga ang buhay ko. Sa tingin mo ba hindi ko pa tatapusin ang sinimulan mo?"

"Point taken."

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa counter, mukha namag walang pakialam ang bartender. "Lust, ano ba talaga ang pinaplano mo? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to?"

Narinig ko ang boses niya, "I told you, I'm damn bored. Hmm.. At kailangan ko ring tapusin ang trabahong ito and I'll finish it with all the tricks I have up my sleeves."

"Fuck you, Lust."

Malamang kanina pa ako tinitingnan ng bartender. Alam ko na kung anong iniisip niya.

"Just trust me, Castiel."

Hindi ko maiwasang pansinin na mahina at parang walang halong pang-aasar ang boses ni Lust, pero nang lingunin ko siya, wala na ito sa kanyang pwesto. Where the heck did he go?

Mayamaya pa, may kumalabit sa'kin.

Naningkit ang mga mata ko nang mamukhaan ko ang babaeng nagpansin sa'kin kagabi, "Are you following me, miss? Hindi nakakatuwa."

Ngumiti lang ang dalaga at naupo sa tabi ko, "Gusto ko lang makipagkilala. Is it hard to make a new friend every now and then?" Umorder siya ng alak at kunindat sa'kin. Mukha namang hindi niya ako sinusubukang akitin ngayon. Good.

"What's your name?"

"Castiel." Walang ganang sagot ko sa kanya. Lumawak ang kanyang ngiti at inilahad ang kamay, "Nice meeting you. I'm Madi." Wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin ito at makipagkamay sa kanya.

And that morning, I didn't expect to be comfortable with her presence. Namalayan ko na lang na napapahaba na pala ang kwentuhan namin at natatawa na rin siya sa mga biro ko.

Pero siguro, ang dahilan kung bakit madaling mapalagay ang loob ko sa kanya ay dahil---

"She reminds you of Sierra?"

Hindi ko na lang pinansin ang boses ni Lust na pumailanlang sa tahimik na silid. Wala na rin naman akong pakialam, dahil ako lang naman ang nakakarinig at nakakita sa kanya. Whatever his plansa are, I could only hope that this all ends well.

---

✔Thou Shall Not LustOnde histórias criam vida. Descubra agora