UNDECIM

2K 81 11
                                    

"Castiel?"

"...."

"Castiel?!"

Agad akong napalingon kay Sierra na nakasimangot na. Shit. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago ako ngumiti sa kanya. "Bakit?" Pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Though, she has that suspicious glint in her eyes, nababakas ko naman ang pag-aalala sa mga ito. Mas lumawak ang ngiti ko.

"Kanina pa kita tinatawag. You're secretary's been calling you for five minutes now at ni hindi mo man lang ako pinapansin. Ayos ka lang ba?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Dali-dali kong hinablot ang cellphone ko sa center table at nakitang nakailang tawag na nga si Gail. Damn it! Ano naman kaya ang kailangan ng isang 'to?! Agad kong tinext si Gail.

To: Sec Gail
Why the heck are u calling me?

Ayoko pa ring alalahanin ang mga nangyari sa'min kagabi. I wanted to apologize to her, pero hindi ko na ito nagawa. As shitty as it sounds, nag-iwan na lang ako ng pang-taxi niya pauwi. Naabutan na rin kasi kami ng umaga. Tangina, bakit ba nag-iinit na naman ako kada naiisip ko ang bagay na 'yan?!

One message received.

From: Sec Gail
I need to see you sir. Now.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong nakasimangot pa rin si Sierra. Kumabog sa kada ang dibdib ko. Bullshit! Bakit ba sasabay-sabay siya kung kailan kasama ko si Sierra?!

"What is it?"

Masakit man sa loob ko, pinilit kong magsinungaling sa kanya..

"Wala naman. It's just about our agenda for next meeting."

Tumango naman si Sierra at sumandal sa sofa. "Castiel, sigurado ka bang hindi ka nagda-drugs? Mukha kang kulang sa tulog palagi at nag-aalala na ako sa'yo. Baka maging anemic ka na niyan." Napabuntong-hininga na lang ako at tumabi sa kanya. I scooted a little closer next to her and intertwined our fingers.

"Wag kang mag-alala, hindi ako sangkot sa iligal na gawain. Things are just getting a little..complicated."

Tumaas ang kilay niya, "How so?"

Damn, Castiel! Magsisinungaling ka na naman ba sa kanya? Kung hindi talaga mapi-prito sa impyerno ang kaluluwa ko, hindi ko na alam kung anong klaseng parusa pa ang aabutin ko.

"It's just work. The company is facing some difficulties lately."

Tumango naman siya sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko. Napapikit ako. Siguro kung hindi ko pinirmahan ang kontrata, hindi ko na kailangang magsinungaling pa sa kanya. But then again, if I didn't do it, Sierra's life will be in danger. Iniisip ko pa lang ang maaaring gawin ni Lust sa girlfriend ko, pakiramdam ko handa na akong magdeklara ng World War III.

"Castiel, I have something to tell you.."

"Go ahead."

"Kasi may la----"

Knock! Knock! Knock!

Naupo kami nang maayos nang marinig na may kumakatok. Sino naman ang bibisita ng alas-tres ng hapon? Naalala kong bigla si Fiona. Shit! Baka guguluhin niya na naman ako. Agad kong tinungo ang pintuan ako binuksan ito. I was ready to greet Fiona's irritating and flirtatious features when a pair of familiar eyes met mine.

"G-Gail?!"

What the fuck is my secretary doing outside of my apartment's door?! At nasa loob pa si Sierra! Shit!

Ngumiti siya nang makita ako at pilit kong iniiwas ang tingin sa paldang suot niya. Masyadong hapit. Masyadong maikli. Napalunok na naman ako.

"Sir naman, bakit ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kanina?" Gail started walking closer to me, "hindi mo ba ako na-miss, Sir Castiel?"  Isang pilyang ngiti sa kanyang mukha. I took a step back. Tangina! Nasaan ba kasi si Lust?!

"Cas, sino 'yan?"

Sierra suddenly emerged from the living room. Nagtataka niyang tiningnan ang secretary ko na halos idikit na ang dibdib niya sa mukha ko. Gail smiled innocently. Nanlaki naman ang mga mata ni Sierra, "Teka, ikaw yung sekretarya ni Castiel, di ba? Anong ginagawa mo dito?"

Bago pa man makasagot si Gail, agad akong sumabat, "N-Nandito lang siya para ipaalala sa'kin ang meeting bukas. Napadaan lang siya. Actually, she's already leaving!"

Pinandilatan ko ng mata si Gail. Napataaas naman siya ng kilay sa sinabi ko.

"Eh? Kakarating ko lang di----"

"Secretary Gail! I believe you still need to organize my schedule for next week. It's already October and several clients demand a lunch meeting, am I right?"

Umirap si Gail. Isang pekeng ngiti sa kanyang mga labi bago humarap kay Sierra, "Oo nga pala. I need to go now," she turned to kiss me on the cheek, "See you tomorrow, sir." At kumindat pa siya!

Natuod ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan papalayo si Gail. What the fuck just happened?! Tensyonado kong nilingon ang girlfriend ko na tumalim ang tingin sa akin. Her foot tapping impatiently on the floor.

"Care to explain why your fucking secretary kissed you?" Kalmado ang boses ni Sierra, pero alam kong patay ako nito. Ninenerbyos akong ngumiti sa kanya at sinara ang pinto, just in time when Fiona peeked her head from across the corridor. Nang maisara ko na ang pinto, tangina, gusto ko nang manalangin sa lahat ng santong kilala ko.

Sierra isn't happy. Not one bit.

*

Walang gana kong ipinatong ang mga paa ko sa antigong mesa. Being a devil as its perks. For one, you have no rules to abide to. Sa katapat kong silya, napansin kong nakasimangot ang isa sa mga kapatid ko. Pride frowned at me while flipping through a book.

"Ano ba kasi ang pinaplano mo sa mortal na 'yon? You're just wasting your time, Lust."

Napangisi ako. "Hindi porke't ikaw ang panganay, susundin na kita. Remember, demons don't follow orders, brother."

"What are you implying?"

"I can effing do whatever I want. Okay?"

Napapailing na lang sa akin si Pride. Tumayo siya't pinagpag ang suot. His chin held high, as his dark eyes bore holes into mine. Leche talaga 'tong kapatid ko. Akala mo talaga kung sino! Humanda talaga sa'kin 'to kapag naging matagumpay ang plano ko.

"You're still immature. Doesn't hurt to grow up, Lust. Act like a prince, for once."

At umalis na sa malawak na study room si Pride. Hindi ko maiwasang mapasimangot sa sinabi niya. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa inis. Who does he think he is?! Hindi porke't siya ang pinakamabigat na kasalanan ng mga tao, may karapatan na siyang husgahan ang kakayahan ko.

Well, I'll show him!

"I'll show you a deadlier sin, brother."

---

✔Thou Shall Not LustWhere stories live. Discover now