Chapter Two

463 59 5
                                    

"NANDIYAN NA SI Chua Ma Qui!!" malakas na bulong ni Deedee, lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko, "Tandaan mo. Ngumiti ka nang totoo sa Tsekwa at limang buwan kang hindi magbabayad ng renta."

"Lintik talaga! Ngayon lang kami nagmintis sa renta. Bwisit talaga si Ate Teresa. Hindi na dumating!" kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kili-kili kong basa, "Sinigawan ng bastardong 'yan si Lolo Pepe. Parang reward pa ang maganda kong cleavage sa ginawa niya kanina."

"Shhh! Wag kang maingay. Baka marinig ka ng Tsekwa. Wala tayong magagawa," kinapa ni Deedee ang boobs ko para ayusin ang push-up bra, "Ayan! Pak na pak ang boobs mo. Ang lambot talaga. Authentic."

"Uhm... Pwedeng mamaya na ang lesbian fantasy mo, beshie? Naasiwa ako," humagikgik ako.

"Iyan ang pambayad mo. OA dapat hinga mo mamaya para tumaas-baba ang boobs mo. Pramis! Baka isang taon kang hindi magbayad ng renta."

Parehas naming narinig ang yabag sa harap ng tindahan ko. Pumasok siya sa maliit na spasyo at sinuri ang mga produkto sa istante.

"Good afternoon, Sir!" bulalas ni Deedee. Humakbang siya sa gilid para iharap ako sa hilaw na tikoy.

As usual, seryoso ang mukha ni Chua Ma Qui. Iniinom pa rin niya hanggang ngayon ang Coca-Cola na binigay ni Lolo Pepe kanina.

"Good afternoon," bati niya sa aming dalawa. Kumabog nang malakas ang puso ko matapos manatili sa akin ng kaniyang tingin.

Humakbang si Deedee sa likod ni Chua Ma Qui at sinenyasan ako. Ngumiti daw ako nang totoo. OA daw dapat ang inhale at exhale.

First time kong hindi magbabayad sa tamang oras. Nasira ang record ko sa isang taon na binuksan ko ang shop sa Divisoria. Nakakahiya. Pero mas nakakahiya kung sisigawan niya ako at ipapahiya sa customers at tindero.

Tinignan ko si Chua Ma Qui na parang siya si Jon Snow. Ngumiti ako sa kaniya na parang siya ang regalo ng parents ko sa ilalim ng Christmas tree. Huminga ako nang malalim na parang sariwa ang hangin dito sa Divisoria. Kada hinga, ipit ang boobs ko sa masikip na tela. Parang puputok na balloon.

Bumaba ang mga mata niya, pinanood ang pagtaas-baba ng dibdib ko na parang stock market. Kumurap-kurap siya—mata sa boobs. Tapos ininom niya ang Coca-Cola. Inubos.

Ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko? Lord, forgive me. Itatakwil ako ng pamilya ko 'pag nalaman nila.

"Hello, Sir!" pagbati ko, "Good afternoon."

"The payment?" eyes on my balloons, he asked.

You're looking at it, asshole!!!

Sumenyas si Deedee sa likod ni Chua Ma Qui. Huminga pa daw ako nang malalim.

Inhale. Exhale. "I'm sorry. I have to catch my breath. The stairs are getting on me. I'm a grandmother. About the payment, Sir," inhale, exhale, "Hindi po dumating ang pinsan ko. Nasa kaniya ang bayad ng renta..."

Saka lang nag-iwas ng tingin si Chua Ma Qui at tinitigan ako sa mata. Hawak ang Coca-Cola in-can, pinanood ko ang ugat sa kaniyang kamay habang nilulukot ang lata na parang papel ito. "What?" asik niya.

Lunok, ngiti, hinga nang malalim, "I'm sorry, Sir. I can't pay you today. Hope it is okay. This is the first time my payment is delayed. You can take my word for it, this will be the first and last."

Here's a life hack for you. Kapag papasok ka sa embarrassing situation, dapat armado ka ng English. Aba! Wala akong pake kahit sabihin nilang crab mentality. Kung magmumukha akong dukha, gusto ko slight lang.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now