Chapter Four

410 56 3
                                    

"AMA NAMIN, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit..."

Wala nang mas creepy pa kaysa sa Tagalized version ng Our Father. Kapag si Mama ang nagsisimula ng rosary, palaging Tagalog ang gamit niya. Masyadong malalim, hindi kami makasunod ni Jenny kaya English version ang gamit namin kapag leader na kami sa mystery ng rosary.

Yep. There I was in front of the candle lit altar, holding the rosary, closing my eyes shut, praying to God as if my life depended on it. Because it really did.

Nagpatawag na kami ng pari sa simbahan para i-exorcist ang bahay namin. White lady, suot ang kaniyang wedding gown na kinuluyan ng dugo, dead mother and child, atbp... Kung dadalaw ka sa aming three storey house, may makikita kang mga bowls na naglalaman ng rock salt at olive oil na binasbasan ng pari. Inutusan kami ni Father Lito na ilagay ito sa mga area kung saan ko madalas makita ang mga multo.

Ang sabi ni Father Lito, ilalayo nito ang negative spirits at demons. May maliit na bowl ng asin at olive oil sa hagdan paakyat ng roof deck, sa ilalim ng kama ko, sa loob ng walk-in closet, sa loob ng bathroom, sa kusina, at living room. Hindi namin ito tinatanggal. Dalawang buwan na ito sa mga sulok-sulok. Dahil sa tagal ng panahon, maitim na ito at binabahayan ng alikabok.

"Hail Mary, full of grace. The Lord is with you," dasal ni Mama, "blessed are you among women..."

Ganito po kami magdasal ng rosary. Dalawang lenggwahe.

Bago magsimula ang mistery, dinededicate ni Mama sa Tagalog ang misteryo para sa kaluluwa na nakikita ko. Tapos sisimulan niya ng Ama Namin. E, hindi namin kabisado ni Jenny ang Tagalog version kaya lilipat kami sa English. Tapos gagamit na din ng English si Mama. Being a bilingual sucked sometimes. We were never too bad and too fluent in both languages. Pero siguro si Lord, pakikinggan niya ang dasal ko. Kahit medyo Conyo. Kasi puso ang tinitignan niya. Binibigay ko nang buo ang dasal na 'yon para sa kaluluwa na nagpapanggap na si Chua Ma Qui.

Matapos ang rosary, tumayo na si Jenny at unang lumapit sa altar para hipan ang kandila. Lumutang ang usok at pumalibot sa buong living room kung nasaan ang altar. Tumahimik sila ni Mama at tinignan ako na parang specimen sa petri dish.

Lumapit ako sa altar at iniwan doon ang rosary.

"Hindi ka naman siguro nanonood ng horror movie, ano?" busisa ni Mama.

"Nakakatakot po ang pinapanood ni Ate Jaja sa TV. Katakot-takot na Kpop bullshit na sumasayaw habang kumakanta. Have you seen the outfit?? It is a real horror. Bone chills!"

"Jenny!" awat ni Mama.

"Relax!" ani ng kapatid ko, "Malalaman mo kung manonood ng horror movie 'yan. Parang wang-wang ng ambulansiya ang boses ni Ate Jaja, basag lahat ng salamin sa bahay—counted ang ear drums mo."

Far from a mean joke, Jenny was telling the truth. I was quite the scream queen.

Wala nang sinabi si Mama. Tinignan lang niya ako sa paraan na magsasabing hindi na niya alam ang gagawin sa akin. Hindi ko siya masisi. Ewan ko na ang gagawin. Si Father Lito na mismo ang nilapitan ko.

"Magdidilig na lang ako ng halaman," sabi ko at nagsimula na akong umakyat sa roof deck.

Papalubog na ang araw nang matapos kaming magrosaryo. This time, we prayed the rosary three times. And it took fifteen minutes to finish each.

May tatlong hakbang pa bago ko marating ang landing roof deck, pero naamoy ko na ang pagaspas ng sariwang hangin. Hinawakan nito ang buhok ko—tinulak papunta sa aking likod, binalot ako ng lamig, at hinalikan nang matamis nitong amoy ang aking ilong.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now