Chapter Six

426 55 26
                                    

"SIGURADO KA BANG dito nakatira si Lolo Pepe?" tanong sa akin ni Maki Reyes.

Sumuway ako sa family tradition namin na sabay-sabay magsimba tuwing Sunday, at family lunch na din pagkatapos ng misa. Kailangan. Gusto kong marating ang puno't-dulo ng problema. Susugod kami ni Maki sa matandang nagdulot ng malaking problema sa buhay naming dalawa.

Nakatira si Lolo Pepe sa lumang bahay dito sa Gerona Street ng Tondo, Maynila. Dalawang palapag ang bahay niyang gawa sa bulok na kahoy, hindi lalagpas ng seven feet. Enclosed ang gate, pangontra sa akyat bahay gang. Kupas na ang poster ng Nescafe. Selyado ng lumang kawayaan ang mga bintana, nakasabit doon ang kupas na palaspas noong Palm Sunday.

Masikip ang eskinita sa Gerona Street. One way lang. Ang mga residente na may sasakyan, ginawang parking lot ang kalsada. Maraming bata ang naglalaro sa labas, sinusulit ang araw ng Linggo.

"Siya lang ba ang mag-isang nakatira dito?" tanong ni Maki.

"Yes, sir. Wala namang pamilya si Lolo Pepe," sagot ko, "kaya madalas ko siyang dalawin para siguruhin na buhay pa siya. Sa totoo lang, ako ang private nurse ni Lolo. Tinutulungan ko pa siyang kunin sa supplier ang paninda niya. Minsan kasi ginogoyo siya in terms of product quality. Ayun! Tumataas ang blood pressure. Lalo na 'pag kulang ang pambayad niya sa renta."

Saglit natahimik si Maki. Kahit maliwanag at hindi ko siya nakikita, lumingon ako sa kaniya.

"Ano pang inaantay mo?" aniya, "Kumatok ka na."

Antipatiko! Hindi man lang na-gets ang pasaring ko. Ang tsekwa na kasama ko ngayon ang dahilan sa pagtaas ng blood pressure ni Lolo Pepe. Lahat ng aking imaginary guns, kasado at tutok sa kaniya. May kaluluwa pala ang Tsekwa na 'to, sinisilapan ako sa loob ng kubeta?!

Hindi daw niya nakita ang breast examine na ginawa ko kahapon. Pumikit daw siya. Pero kahit na. Ramdam niya ang hinahawakan ko. Mahal ko si Lolo Pepe, pero kakalbuhin ko talaga siya mamaya.

"Tsk! What are you waiting for?!" asik ni Maki, "I said, kumatok ka na!"

"Ito na po, Bossing! Ito na po!" sigaw ko.

Tumigil ang mga residente sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay. Ngumiwi ako sa kanila.

"I told you," sabi ni Maki, "Kung kakausapin mo ko, ilagay mo ang cellphone sa tainga mo para hindi nila iisipin na nagsasalita ka mag-isa—maluwag ang turnilyo. Mukha kang baliw."

Ikaw ang mukhang baliw! Demonyo!

Inangat ko ang kamay at kumatok sa bakal na gate. "Lolo Pepe," knock, knock, knock, "Lolo Pepe."

Walang sumagot.

"Lolo Pepe," knock, knock, knock, "Lolo Pepe."

Saka lang may lumabas sa front door. Kunut-noo ang babaeng lumabas. Mukhang nasa forties. May tapis ng tuwalya, litaw ang maputi niyang kutis. Basa ang buhok at may bula ng shampoo. Humahalimuyak ang amoy ng Dove bar soap.

"Ano 'yon?" tanong niya, "Sensiya na, hija. Naliligo ako."

"Whoa!" komento ni Maki, "Akala ko ba mag-isa lang si Lolo Pepe? Tsk! Mukhang matinik ang Lolo mo, Jaja. Parang hindi tinatamaan ng rayuma sa kama."

"Shut up!" paninita ko sa bastos na kaluluwa.

"Ha?" tanong ng babae.

"Uhm... Good morning po! Pwede po ba maka-usap si Lolo Pepe?"

Lumalim ang kunot sa mukha ng babae. "Sino?"

"Si Lolo Pepe po. Pedro Manolo."

"Maling bahay ang kinatok mo," sabi ng babae, "Walang matandang nakatira dito."

Cage My SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon